***I still can't believe na wala na nga talaga si Angel. Narito kami ngayon sa harap ng puntod niya. Of course kasama ko si Mhaxine at Caleb, sinama ko na rin ang anak ko dahil wala siyang bantay sa bahay kung iuuwi ko pa siya. Fabio texted he will be out for a while.
"Mimi, why are we here po? Yoyo told me cemetery is a home for dead person," sambit ng anak ko.
Hindi ko siya napagtuonan ng pansin dahil nakatulala lang ako sa puntod ng namayapa kong kaibigan.
"Waylen, come on let's buy some food. Hayaan muna natin si Mimi mo rito with your Tata."
Lumingon ako nang makalayo na silang dalawa sa amin saka binalik ko ang tingin sa puntod. Humugot ako ng buntong hininga saka umupo sa malaking bato na nakatabi lang sa puntod ni Angel. Umupo rin si Mhaxine sa tabi ko dahil may space pa naman.
"Sa tingin mo, masaya ba si Angel ngayon?" Mhaxine asked out of the blue.
"Hmm. Siguro. Hindi natin alam, pero sana kung nasaan man siya ngayon, sana nga masaya siya..." I said.
"Hindi ko pa rin matanggap na wala na 'yung kaibigan ko," she laughed a little but there's a hint of sadness in her voice. "Tagal na naming magkasama, I didn't expect na mawawala siya agad."
Ako rin naman. Hindi ko rin inakala ko aabot sa ganito. Akala ko kumpleto ko pa silang mababalikan, hindi na pala. Hindi ko inaasahang magkakasama nga kami, pero nasa hukay naman ang isa.
Hindi ako nagsasalita dahil pinapakinggan ko lang si Mhaxine. Pakiramdam ko ngayon niya lang nalabas ang natitira pang sakit sa puso niya. Maybe she doesn't want her boyfriend or her family worrying about her.
"Best friend ko 'yon, e... Alam na niya lahat ng sikreto ko, mga kalokohan ko, mga hinanakit ko," she continued, sobbing. "Hindi ko alam kung makakahanap pa ako ng kagaya niya."
I wiped her tears. Kung alam ko lang na iiyak 'to hindi na sana ako nagyaya pumunta rito. Pero sa tingin ko mas maayos na 'to kaysa sa sinasarili niya ang problema.
"Nandito ako. Pwede akong maging best friend mo. Though, hindi ko mapapantayan kung anong mga nagawa ni Angel para sa 'yo, nandito naman ako para makinig sa lahat ng sakit mo..."
"Salamat. T*angina ilang taon na magbuhat ng mawala siya umiiyak pa rin ako," natatawang sambit. Nakitawa na rin ako para mabawasan ang bigat ng atmospheres between us.
Sabay kaming tumayo at muling humarap sa puntod ni Angel. Tahimik lang kaming dalawa na nakatitig sa lapida kung saan nakaukit ang pangalan ni Angel.
"Kung nandito lang siguro siya, paniguradong matutuwa 'yan kasi makakasama ka na namin ulit," she said, laughing a little.
I didn't speak. I just listened to her. I haven't ask her about Eliot and I don't want to bring that topic here. I just want to cherish this moment.
"How's your relationship with Caleb?" I asked, smiling.
Nakaupo na kami sa isang bench dito sa sementeryo. Hindi pa rin kasi nakakabalik sila Caleb at ang anak ko. Hindi ko alam kung saan niya dinala si Rios, pero alam ko namang ligtas siya kay Caleb.
"Hmm? Noong una, mahirap. Ayaw ng pamilya niya sa akin," she laughed. "Akala ko pa nga wala siyang balak ipaglaban ako e, pero nagulat na lang ako na tinalikuran na niya pala ang mamanahin niyang kumpanya!"
I smiled. "He must so in love to you."
"Dapat lang! Kapag nalaman kong may iba pa siyang kinakalantari, puputulin ko ang mahaba niyang kaligayahan!" sambit niya na ikinatawa ko.

YOU ARE READING
The Model's Hidden Son
RomanceCompleted. I'm giving the full credits to the rightful owner of the picture used as book cover. Date started: 04/18/22 Date ended: 10/23/22