***"Ano?! Kayo na?!"
Napahigpit ang hawak ko sa braso ni Eliot dahil sa pagsigaw ni Mhaxine na 'yon. Dalawang linggo na ang lumipas at tuluyan na nga naming napag-pasyahan ni Eliot na sabihin sa kanila ang totoo.
Hindi ko ine-expect na magiging ganito ang reaksyon ni Mhaxine habang si Caleb at Angel, tahimik lang. Nakikinig ba sila sa amin? Wala kasi silang reaksyon nang sabihin namin ni Eliot ang tungkol sa relasyon namin. Basta ngumiti lang sila, 'yon lang.
"E, paano 'yan? 'Di ba sabi niyo masungit at bawal magkaroon ng girlfriend si Eliot?" Paglipas ng ilang minutong katahimikan ay nagsalita na rin si Angel.
"We planned to hide our relationship. Kayo palang tatlo ang nakakaalam ng totoo, kaya sana manatiling sikreto 'to sa atin." Si Eliot ang sumagot. May aftershock pa rin kasi ako sa pag-sigaw ni Mhaxine, sobrang lakas ng bunganga.
"Ah. Huwag kayo mag-alala, secret niyo secret din namin. 'Di ba? Hoy!" Hinampas ni Mhaxine si Caleb dahil kanina pa ito tulala. May problema ba siya?
"Mhaxine's right. Your secret is our secret," nakangiting sambit ni Angel.
Pagtapos ng klase namin ngayong araw ay dumiretso na kami sa kumpanya ng barong ie-endorse ni Eliot na produkto. Pagkain naman ngayon dahil nuong mga una, puro pabango, shirt, hats, necklace, at kung ano-ano pa.
Matapos ang ilang minutong byaho papunta sa kumpanya, agad nilang inasikaso si Eliot. Ni-retouch siya dahil medyo hulas na ang mukha ng aking bebe. Na-stress kasi sa exam namin kanina. At syempre, hindi makukumpleto ang araw ko kapag wala ang manager ni Eliot.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses kaming nagtalo dalawa. Kesyo palagi raw kasi akong kasama sa kahit saang shoot ni Eliot. Syempre, 'di ako papatalo 'no. Aasarin ko siya tungkol sa buhok niyang wig at ang magiging ending, ako ang panalo.
"Nandito ka na naman," taas kilay na sambit ni Jose, ang baklitang manager ni Eliot.
"Ay hindi, nandoon ako." Tinuro ko ang pinto palabas sa kwartong 'to.
"Alam mo, hindi ka talaga nagpapatalo sa bangayan 'no?" aniya. Tumawa ako ng sarkastiko. "Huwag ka ngang tumawa nang ganiyan, ang pangit mo tinggan!"
Umismid ako. "At least ako, kapag tumatawa lang pangit. E, ikaw? Hindi pa tumatawa, pangit na," nanunuya kong sambit. Pinigilan ko ang matawa nang malakas nang makitang lumaki ang butas ng ilang niya. Naiinis na siya.
"Bwisit kang bata ka," naiinis niyang sambit.
"Asar-talo kang matanda ka," ganti ko naman. Akala niya ba papatalo ako? Never.
Pinigil ko ang matawa nang malakas nang alisan ako ni Jose. Kahit kailan talaga asar-talo 'yong baklitang 'yon. Tiningnan ko ang pwesto ngayon ni Eliot. Kinukuhanan na siya ng litrato kanina pa, hindi ko man lang napansin. Kainis kasi 'yong baklitang 'yon, e.
Matapos ang ilang minutong shoot, sa wakas binigyan na rin nila ng break si Eliot. 30 minutes nga lang, pero okay na 'yon kaysa naman ma-boring ako rito.
"Hey, Babe." Kaagad akong niyapos ni Eliot nang makalapit siya sa akin. Gusto ko man ang ginawa niyang pagyapos sa akin ngunit bawal. Maraming mata rito. Hindi pwedeng masira ang career niya dahil sa landian namin.
"Not here. Ang daming tao," sambit ko saka tinanggal ang braso niya sa baywang ko. Ngumuso siya sabay buntong-hininga.
"Gusto ko nang umuwi. Dalawang shoot pa tapos pwede na tayong umuwi, then we'll cuddle."
Napangiti ako sa tinuran niya. Eliot is type of guy who loves cuddle. Hindi yata nawala ang araw na hindi siya nakikipag-cuddle. Other people hates clingy partner but, I, on the other hand, loves it very much. Lalo na kung si Eliot.

YOU ARE READING
The Model's Hidden Son
RomanceCompleted. I'm giving the full credits to the rightful owner of the picture used as book cover. Date started: 04/18/22 Date ended: 10/23/22