***May mga bagay ba kayong ipinagtataka? Kagaya na lang sa pagmamahal, minsan ba inisip niyo na ang taong malapit sa inyo ay hindi niyo maaring mahalin? Ako kasi matapos ng mga na-realize ko sa totoo kong nararamdaman kay Eliot, natatawa na lang ako. Akalain mo 'yon? Noon pa man talaga ay mahal ko na ang kumag na 'yon. Hindi ko lang talaga maamin sa sarili ko dahil ang akala ko ay mahal ko siya bilang isang malapit na kaibigan lang.
Hindi pala.
Higit pa pala roon ang nararamdaman ko. Minsan iniisip ko, paano kung noon ko pa 'to napagtanto? Magiging ganito ba kahirap ang magtago ng feelings? Saludo ako sa mga tao r'yan na nakakayanan itago ang nararamdaman nila. Lalo na kung sa kaibigan pa? Napakahirap no'n. Maski nga ako ay hindi alam kung papaano ko itatago 'tong nararamdaman ko. Alam ko sa sarili ko na hindi ko na mapipigilan pa 'to dahil masyado nang malalim ang pagka-hulog ko.
Ngayon ay narito ako sa C.R ng school. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko sa nangyari kanina. Paano ba naman ay nagyaya sila Mhaxine na maglaro kami ng truth or dare with plot twist kuno habang wala pa raw ang prof namin. Pumayag naman ako dahil nabuburyong ako, pero huli na para umatras pa ako. Hindi kasi agad sinabi ni Mhaxine na ang plot twist ng laro ay hindi na kailangang mamili dahil parehong gagawin ang truth at dare.
Nakatitig ako sa malaking salamin at pinagmamasdan ang sarili ko. Pulang-pula ang mukha ko dahil sa tinanong ni Mhaxine at sa dare naman niya. Hindi ko alam kung trip lang ba ako ng tadhana o ano, e. Sa dami ng pwedeng ipagawa at itanong sa akin ni Mhaxine, bakit ayon pa?
"Okay, your turn Tasha!" nakangising sabi ni Mhaxine. Parang kinakabahan ako sa ngisi na 'yon, ah.
"O-Okay," sabi ko na lang.
"Truth muna! My question is... Minsan ba ay nakaramdam ka ng romantic feeling para rito kay Eliot? Tapos ang dare naman ay, kung may nagugustuhan kang lalaki rito sa room, i-text mo."
Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Mhaxine. Bakit ganito 'yung tanong niya?! Bakit parang... parang konektado lahat kay Eliot? Sinadya niya ba 'to? Pero hindi naman niya alam na may nararamdaman ako para kay Eliot, ah?
"Hoy, Tasha!"
Nagising ako sa reyalidad matapos akong pinitikin ni Mhaxine sa noo. Nakakunot ang noo niyang nakatingin sa akin. Kanina pa ba siya rito?
"M-Mhaxine," nasambit ko lang.
"Ayos ka lang ba? Kanina pa kita tinatawag pero nakatulala ka lang sa salamin," nagtatakang tanong niya. "Alam kong maganda ka, pero hindi mo naman kailangan tumitig sa salamin, 'no!" She added.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong connect no'n?
"May utang ka pang truth at saka dare sa amin, ah!" she suddenly said. Naghihilamos siya ng mukha.
"Huh?" I asked.
"Alam mo ikaw, kanina ka pa! Kulang ka ba sa tulog?" may halong inis na sa boses niya.
Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya kaya nanatili akong tahimik.
"Pansin ko lang, magmula nung itanong ko sa 'yo kanina 'yung sa laro, naging aligaga ka. Hindi kaya..." Bigla siyang napatakip sa bibig niya, nanlalaki ang mata. Kinakabahan tuloy ako sa reaksyong binibigay niya sa akin. Nahahalata na ba niya? "Don't tell me na... nagka-gusto ka talaga kay—" Agad kong tinakpan ang bibig niya para hindi niya matuloy ang sasabihin niya. Mahirap na at baka may makarinig pa.
"H-Huwag ka ngang maingay," halos pabulong kong saad. "O-Oo, tama 'yang iniisip mo..." Napalunok ako. "H-Hanggang ngayon."
Napapikit ako nang impit na tumili si Mhaxine. Wala na, finish na. Alam na ni Mhaxine. Pero mapagkakatiwalaan ko naman siya 'di ba? Saka kahit hindi ko naman aminin sa kanya, alam kong malalaman niya pa rin. Si Mhaxine pa, e daig pa nito chismosa sa amin.
YOU ARE READING
The Model's Hidden Son
RomanceCompleted. I'm giving the full credits to the rightful owner of the picture used as book cover. Date started: 04/18/22 Date ended: 10/23/22