11

430 11 0
                                        

***

Mugto ang mata ko hindi dahil sa iyak kundi dahil sa puyat. May exam kasi kami ngayon kaya todo review kami. Hindi ko pa rin pala pinapansin si Eliot. Sa t'wing susubukan niyang kausapin ako ay lalayo na agad ako. Bahala siya r'yan. Gaya nga ng sabi ko, kausapin niya na lang ako kapag gusto na niyang i-pursue ang pagiging modelo. Naaawa na rin naman ako sa kanya dahil para siyang alone rito sa klase dahil tahimik lang siya, pero kailangan ko munang tiisin na kausapin siya.

Maski nga sila Mhaxine ay nagtataka na rin kung bakit hindi ko kinakausap si Eliot, pero nang sabihin ko naman ang rason todo reklamo. Bakit daw hindi ko na lang hayaan si Eliot kung ayaw talaga nitong i-pursue ang pagmo-model. Paulit-ulit pero gusto ko lang naman kasi talaga na mas unahin niya ang sarili. Who knows, baka kapag sinubukan niya na maging modelo ay mahalin niya 'yon. Huwag lang niya kaming kalilimutan kung sakaling sumikat siya. Baka masapak ko siya kapag nagkataon.

Break time ngayon pero imbis na kumain kami ay mas inuna naming ang mag-review. Subsob na subsob kami sa review. Para ngang hindi na kami tinatablan ng gutom. Siguro babawi na lang ako mamayang lunch. Ayokong bumagsak, 'no! Mas mabuti nang mag-review ako kaysa bumagsak. Hindi ko kakayanin 'yon. Busog nga ako, bagsak naman sa exam! Mas okay nang magutom na lang.

"Waah! Ayoko na mag-aral!" Biglang sumumsob ang mukha ni Angel sa lamesa. Masakit kaya 'yon?

"Wala ba kayong balak kumain muna?" tanong ni Mhaxine. Binaba niya na rin ang notes na hawak niya sa lamesa.

"Kumain muna kayo tayo? We still have 20 minutes. Pwede naman tayong kumain habang nagre-review, 'di ba?" suhestiyon ni Caleb. Nakalipat na 'to ng ibang course nung isang araw lang, pero palagi pa rin naman naming siyang kasama sa t'wing break time and lunch time.

"Tama, tama! May utak ka pala, Caleb?" sabi ni Mhaxine, umasta pa itong gulat na gulat.

"Ikaw lang naman wala," pambabara ni Caleb sabay tayo. "Ako na oorder para sa ating lahat. Sandwich at juice na lang, ah?" Sabay-sabay kaming tumango.

Matapos ang ilang minuto ay sa wakas nakarating na rin si Caleb. Isa-isa niyang nilapag ang mga sandwich at bottled juice. Kaniya-kaniyang kuha naman kami roon. Habang binubuksan ko ang sandwich ay nagbabasa ako sa notes ko kaya nahihirapan akong buksan 'yon. Hawak ko kasi sa isang kamay ko ang notes at sa isang kamay ko naman ang sandwich. Ibababa ko na sana ang notes para mabuksan nang maayos ang sandwich nang biglang may kumuha sa tinapay ko.

"Ako na magbubukas," simpleng sabi ni Eliot.

Hinayaan ko na lang siya at pinagpatuloy ang pagbabasa sa notes ko. Wala pang ilang minuto ay inabot na sa akin ni Eliot ang tinapay. Agad ko 'yong kinuha saka kinagatan. Si Eliot na rin ang nagbukas ng juice ko bago niya buksan ang pagkain niya. See? Kahit hindi ko siya pinapansin ay ako pa rin ang inuuna niya. Saan ka makakahanap ng kaibigang ganyan?

"Sa wakas! Tapos na ang exam!" sigaw ni Mhaxine habang sumusuntok pa sa ere.

"May exam pa bukas, huwag kang pakampante," natatawang sabi ni Caleb.

"Ready niyo na tainga niyo," sabi ni Angel. Natawa na lang kami ni Eliot dahil sa sinabi ni Angel. Sa tuwing may sasabihin kasi si Mhaxine ay may pambara roon si Caleb kaya palagi silang nagtatalo.

Truth to Angel's word, nagsimula nan gang magbangayan sila Caleb at Mhaxine hanggang sa makalabas kami ng university. Parang hindi kumpleto ang araw nila kapag hindi nagbabangayan, e. Tahimik lang kaming naglalakad ni Eliot. Oo, hindi ko siya pinapansin pero sabay pa rin kaming umuuwi o papasok. Para namang kaya nitong mahiwalay sa akin.

Hanggang sa nakarating na kami sa tapat ng apartment ko ay wala pa ring nagsasalita sa aming dalawa. Bumuntong hininga ako at akmang papasok na sana sa tinitirahan ko nang hawakan ni Eliot ang braso ko. Kunot noo ko siyang tiningnan. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Anong maryoon? Bakit ganito ang mukha niya?

The Model's Hidden SonWhere stories live. Discover now