14

360 12 0
                                    

***

Tahimik lang ako habang naglalakad. Nahihilo pa rin ako dala ng alak ngunit nagising ang kalahati ng pagkatao ko nang sabihin 'yon ni Eliot. He said he wanted to kiss me! And the reason is, me, calling him in his second name. Ang awkward na tuloy ngayon! Bakit kailangan niya sabihin 'yon?! Saka bakit naman kasi ang lakas ng tama ko?! Ganoon ba talaga ako kapag nakainom? Pwes, hindi na ako iinom ulit. Never! Hindi ko tuloy alam kung kakausapin ko ba siya o papahupain muna ang gabi.

Nang makarating sa tapat ng apartment ko, hinarap ko si Eliot na kanina pa nakasunod sa akin at walang imik. Mariin ang tingin niya sa akin. Iniisip niya ba 'yung sinabi niya kanina? Huwag naman sana. Lumunok ako dahil sa kaba. Binigyan ko siya ng awkward na ngiti bago akmang tatalikod para buksan ang pinto ng tinitirahan ko nang hawakan niya ako sa braso.

"M-May kailangan ka?" I managed to say. Kinakabahan ako lalo na't may kakaibang kuryente ang dumaloy sa sistema ko nang hawakan niya ako sa braso.

"P-Pwede bang maki-inom?" he asked.

Nakahinga ako ng maluwag. 'Yon lang naman pala pero sobra-sobra ang kaba ko. Sunod-sunod akong tumango sa kanya. Tinalikuran ko siya para buksan ang pinto ng tirahan ko. Nang mabuksan ko ang pinto ay nauna na akong pumasok. Pinalapag ko na lang sa sofa na sira-sira ang bag ko kay Eliot. Nagtungo ako sa kusina para kuhaan siya ng tubig.

Hanggang ngayon ay awkward pa rin ang pakiramdam ko. Hindi kasi mawala sa isip ko ang sinabi niya kanina. Siguro dala lang 'yon ng kalasingan niya? May epekto pa rin ang alak sa katawan ko hanggang ngayon at sa hindi ko malamang dahilan, nag-iinit ang katawan ko na para bang gusto kong hubarin lahat ng saplot ko.

Natapon ang tubig sa baso na bitbit ko nang mabangga ko si Eliot. Hindi ko namamalayan na sumunod pala siya sa akin! Akala ko naroon lang siya sa sala at naghihintay! Lumunok ako nang makita ang basang-basa niyang damit. Nilapag ko ang hawak ko baso sa lamesa saka siya hinila paalis sa kusina.

"Wala akong extrang damit dito na panlalaki," sambit ko. Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa kaba. "U-Umuwi ka na lang kaya? Doon ka na lang uminom sa inyo."

"Wala akong kasama sa bahay," seryosong sabi niya. Tiningnan niya ang sarili bago umangat ang tingin sa akin. "Papatuyuin ko na lang 'tong damit ko." Hinubad niya ang damit niya. Napanganga ako nang makita ang katawan niya. Hindi ko alam kung pipikit ba ako o tititigan siya.

"H-Hoy, ano ba 'yan, mag-damit ka nga!" inis kong sambit. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

"Huh? Basa damit ko, paano ako magda-damit?" tanong niya. Nakaiwas pa rin ang tingin ko sa kanya lalong umiinit ang temperatura ng katawan ko.

"U-Uwi ka na lang kasi sa inyo!" inis kong sambit.

Hindi siya sumagot. Napako ang tingin ko sa kanya nang may narining akong pagbukas ng pinto. Nagtungo pala siya sa kwarto ko. Anong gagawin niya ro'n?! Akala ko ba iinom lang siya? Bakit pati kwarto ko pinasok na niya? Sumunod ako sa kanya roon at napanganga ako nang makitang nagkakalkal siya sa damitan ko.

"Hoy! Ano yan?!" agaw ko sa atensyon niya. Tumingin siya sa akin at otomatiko naman akong napaiwas. He looks... hot tonight.

"Naghahanap ako ng damit mo na kakasya sa akin," simpleng sagot niya.

"Wala nga kasing damit diyan na kasya sa'yo! Bakit ba basta basta ka na lang pumasok dito?!" naiinis kong sambit.

Natigil siya sa pag-hahalungkat sa mga gamit ko at tinuon ang tingin sa akin. Napalunok ako nang unti-unti siyang lumapit sa pwesto ko. Nakaharang ako sa pintuan pero hindi ko naman sinara 'yon. Baka gusto niyang lumabas? Dahil sa naisip ay lumipat ako ng pwesto. Lumapit ako sa tabi ng higaan ko. Napakunot naman ang noo ko nang makitang nakatayo lang si Eliot habang nakatingin sa pwesto ko kanina.

The Model's Hidden SonWhere stories live. Discover now