21

461 14 0
                                    


***

"Fabio, bilisan mo! Ang sakit na ng tyan ko!"

Habang ako ay panay ang sigaw rito si Fabio naman ay hindi alam ang gagawin. Pabalik-balik siya sa pwesto niya, hindi alam kung tatawag ba ng ambulansya o kukuhanin ang sasakyan na naka-park sa garahe.

Kabuwanan ko na ngayon ngunit wala si Papa. Nasa business meeting na naman ito at kaaalis lang kahapon. Hindi ko na siya pinatawagan dahil sa pagkakaalam ko ay napaka-importante ng meeting na 'yon.

Napakapit ako ng mahigpit sa sofa na kinauupuan ko nang humilab na naman ang tyan ko. Kapag talaga hindi pa kumilos 'tong si Fabio, baka rito na ako manganak. Sobra siyang natataranta dahil first time niya lang daw makakita ng nanganganak.

"Fabio, ano ba?! Lalabas na ang anak ko pero nakatunganga ka pa riyan!" muli kong sigaw.

Kitang-kita ko ang kaba sa kanyang mukha nang tumingin siya sa akin. "Tatawag ba ako ng ambulansya?"

Huminga ako ng malalim. Kailangan kong kumalma dahil kung hindi ay baka lumabas na rito ang anak ko. Dahan-dahan akong tumayo at naglakad palapit sa kanya. Hinila ko siya papunta sa garage at binuksan ang sasakyan na naroon. Kinuha ko sa kanyang bulsa ang susi ng sasakyan.

"H-Hoy, anong gagawin mo?!" tarantang tanong niya.

"Ano pa ba, e di mag-d-drive! Kung hihintayin pa kita lalabas na ang anak ko at hindi na ako aabot sa hospital!" sermon ko rito. Akalain mo 'yon manganganak na lang ako kailangan ko pang manermon.

"Huwag, ako na mag-d-drive," sabi niya pero tinaboy ko ang kamay niya na nagtatangkang hilahin ako.

"Ako na maupo ka na lang diyan!" sigaw ko sa kanya kaya natahimik siya.

Nang makaupo ako sa driver seat ay hinintay ko pa si Fabio na makapasok ng sasakyan dahil binuksan niya ang gate. Humihilab na talaga ang tyan ko pero kaya ko pa naman mag-drive. May alam din akong malapit na hospital dito kaya hindi ako nababahala.

Napatingin ako kay Fabio nang pumasok siya sa sasakyan. Nagaalalangan siyang tumingin sa akin at sa aking tyan.

"Ako na lang kasi mag-drive, mababatukan ako ni Tito Rafael nito, e!" angal niya.

"Kung kanina mo pa sana 'yan inisip, 'di ba? Mas inuna mo pa kasi ang matulala kaysa ihanda ang sasakyan!"

Natahimik siya sa sinabi ko. Nag-inhale exhale muna ako bago tuluyang paandarin ang sasakyan. Siguro wala pang bente minutos ay naroon na kami. Huwag lang talaga sumakit lalo ang tyan ko.

Habang nagmamaneho ako ay hindi mapakali si Fabio sa inuupuan niya. Panay ang tingin niya sa akin at sa tyan ko. Minsan nga ay isisingit niya pa na siya na lang ang mag-drive pero sinisigawan ko siya kaya natatahimik na lang siya.

Hindi pa naman pumuputok ang panubigan ko kaya kampante pa akong makakarating kami sa hospital. Matapos ang ilang minuto ay nakarating na kami sa pinakamalapit na hospital sa bahay namin.

Itinigil ko ang sasakyan at agad namang lumabas si Fabio para alalayan ako. Para pa siyang ewan na nag-si-sigaw na manganganak na ako. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao na nasa labas ng hospital.

Saktong-sakto naman nang dumating ang mga nurse ay pumutok na ang panubigan ko. Lalabas na ang anak ko. Inalalayan nila akong maupo sa dala-dala nilang de tulak na kama. Hindi ko alam ang tawag roon at wala na akong balak alamin. Lalabas na ang anak ko iyon pa ang iisipin ko?

Nang makaupo ako ay dahan-dahan nila akong ini-higa. Napapasigaw na ako dahil sa sakit habang si Fabio ay nakatayo lang sa likod ng mga nurse, tulala. Nang ipinasok na ko ng mga umaalalay sa akin sa hospital ay saka pa lamang siya natauhan at humabol sa amin.

The Model's Hidden SonWhere stories live. Discover now