***"Bwisit ka, Eliot! Ang sakit-sakit!"
Hindi ko alam kung nakailang mura na ako kay Eliot magmula nang magising kami. Nasa c.r ako ngayon dahil iihi sana ako, pero hindi ko alam na ganito pala kasakit kapag umihi! Kung alam ko lang e di sana hindi ko na pinaisa 'tong kupal na 'to.
Kanina pa ako ihing-ihi pero hindi ko mailabas lahat dahil sa hapdi. Si Eliot naman ay nasa labas ng c.r, natataranta at hindi alam kung anong gagawin. Pagkalaki-laki naman kasi ng alaga niyang 'yon. Hindi na talaga siya makakaulit sa akin kahit kailan! Nakakainis!
"Okay lang ba r'yan, Tasha?" tanong niya mula sa labas ng c.r.
"Mukha ba akong okay?! Ang sakit ng perlas ko, kasalanan mo 'to e!" galit kong sigaw.
Makalipas ang ilang minute ay sa wakas naka-ihi na rin ako. Naging malaking pagsubok sa buhay ko ang pag-ihi sa sobrang hapdi. Itong si Eliot naman ay nakaupo sa higaan ko, nakayuko. Para siyang pinagalitan ng magulang dahil sa itsura niya. Naiinis pa rin ako sa kanya dahil ang sakit ng ano ko.
"Tasha! Ano, okay ka na ba?" nag-aalalang tanong nito.
Inismiran ko lang siya hindi sinagot. Matapos niya akong diligan kagabi gamit 'yang malaki niyang pandilig, tatanungin niya ako ng ganiyan? E kung putulin ko kaya 'yang alaga niya tapos tanungin ko kung masakit ba. Ang sarap niyang hambalusin ng dos por dos. Nakakagigil.
"U-Uy, magsalita ka naman," tila natatakot nitong sambit.
"Ano namang sasabihin? Magpapa-salamat ako na diniligan moa ko, ganoon?" sarkastiko kong tugon. Yumuko lang siya at hindi ako sinagot. 'Yan tama 'yan na makonsenya siya matapos niya akong araruhin.
"M-Masakait pa ba? Gusto mo ba bilhan kita ng gamot? Hindi ko naman kasi alam na-" Naputol ang sasabihin niya nang mag-ring ang cellphone niya. Agad niya 'tong dinaluhan at sinagot kung sino man ang pesteng tumatawag.
Umirap lang ako sa hangin saka siya iniwan sa kwarto habang may kausap. Nagtungo ako sa kusina para magtimpla ng kape kahit kumikirot 'yung ano ko. Hindi ko talaga kakalimutan ang araw na 'to. Ganito pala ang feeling non. Masarap sa una pagkatapos ng sarap, saka na sasakit dahil sa hapdi. Dalawang kape ang itinimpla ko, isa para sa akin at isa para sa walang hiyang nagtanggal ng pagiging birhen ko.
"Oh, sino 'yon?" masungit kong tanong kay Eliot na kalalabas lang ng kwarto. Inabot ko sa kanya ang tinimpla kong kape.
"Hindi ko gaanong na-gets 'yung sinabi pero isa raw siyang manager sa isang sikat na modeling agency. Gusto niya raw, ay mali, gusto raw ng kumpanya na 'yon na kunin ako para i-endorse yung product nila na ilalabas."
Agad na napanganga ako sa sinabi niya. Did he just say "sikat na kumpanya"? Gusto nilang kunin si Eliot? "Please, tell me na pumayag ka." Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang magkabila niyang braso.
"O-Oo. Alam ko namang gusto mong subukan ko 'to kaya pumayag na ako. Ngayon na pala ako pinapapunta ro'n. Sinend sa akin 'yung address."
"What?! Ano pang ginagawa mo?! Mag-ayos ka na dali!"
Grabe naman pala tong kumpanya na sinasabi ni Eliot. Napakalaki! Ilang floor kaya ang meron dito? Mahigit trenta minute na kami rito sa labas ng kumpanya na pinuntahan namin ni Eliot pero wala pa rin ang susundo raw sa amin dito. Ang tagal naman nila! Alam ba nilang hindi dapat pinaghihintay ang model nila?!
"Tasha, masakit pa ba?" bulong ni Eliot sa akin.
"Ang alin?" balik kong tanong sa kanya. Hindi ko naman alam kung anong tinutukoy niya e.
YOU ARE READING
The Model's Hidden Son
RomanceCompleted. I'm giving the full credits to the rightful owner of the picture used as book cover. Date started: 04/18/22 Date ended: 10/23/22