***"Eliot, Tasha, dali na kasi!"
Hindi ko alam kung pang-ilang beses ko nang hinilot ang sentido ko dahil sa kakulitan nila Mhaxine at Angel. Nagpupumilit kasi sila na i-celebrate namin ang pagkakatanggap kay Eliot bilang model. Gustuhin ko mang i-celebrate 'yon ngayon ay hindi rin pwede.
Marami pa akong dapat gawin 'no! Saka inaasikaso ko 'yung renta sa apartment ko. Kanina kasi pagkagising ko ay idadaan ko sana ang ang bayad para sa renta, pero ang sabi ni Aling Bonita, mayroon na raw nagbayad! Hindi ko naman natanong kay Aling Bonita kung sino ang gumawa no'n dahil male-late na rin kasi ako.
"Tasha! Eliot" sabay na wika nila Mhaxine at at Angel.
"Huwag ako ang kulitin niyo, ayang si Tasha," natatawang sambit ni Eliot.
Napahilot ako sa sentido ko. "Pwede bang huwag muna ngayon? Saka na lang ang dami kaya nating dapat gawin."
Sabay na ngumuso sila Mhaxine at Angel. Kaunti na lang iisipin kong sabay rin inire ang dalawang 'to. Palagi na lang kasing nagsasabay sa lahat. Matapos ng mga pangungulit nila Mhaxine ay napagkasunduan naming na kapag naging successful ang first shoot ni Eliot, saka pa lang kami magse-celebrate. Mas mabuti na rin 'yan para hindi na nila guluhin ang utak ko.
"Kinakabahan ako para sa first shoot sa sabado," natatawang sambit ni Eliot habang naglalakad kami palabas ng university.
"Ano ka ba, huwag kang kabahan," sambit ko. Habang naglalakad kami ay sumisipa-sipa ako ng mga maliliit na bato.
"Paano kung hindi maging successful 'yung first shoot ko?" tanong niya. Nakalabas na kami ng university pero wala pa muna kaming balak umuwi dahil kakain kami ng street foods ngayon.
Habang papalapit kami kami kay Aling Merling ay may kakaibang ngiti ito habang nakatingin sa akin. Kung hindi ko lang talaga bet ang mga tindang street foods ni Aling Merling, nungkang dio kami kumain ni Eliot. Kahit ilang taon na ang lumipas hindi ko pa rin limot na siya ang dahilan kung bakit ako nakaramdam ng kakaiba kay Eliot!
"Oh, ngayon na lang ulit kayo nagawi rito," sambit niya nang makalapit kami.
"Oo nga po e, na-busy kasi kami," sambit naman ni Eliot.
"O siya, kumuha na kayo r'yan."
Usually, si Aling Merling talaga ang kumukuha kapag may bibili sa kanya. May trust issues siguro 'to. Mayroon kasing bumili sa kanya noon na sampung piso lang ang binayad pero sobra kung kumuha kaya simula noon ay siya na lang ang kumukuha para sa customer. Pero syempre dahil close na kami, kami na lang ang pinapakuha. Malaki raw kasi ang tiwala niya sa amin.
"Nga pala Eliot, kahapon nagawi ako sa tapat ng barangay at nakita ko roon ang mukha mo. Para saan 'yon? Wanted ka na ba?"
Sabay kaming natawa ni Eliot sa sinabi ni Aling Merling. Mabuti na lang at hindi pa kami kumakain dahil paniguradong mabibilaukan kami. Ito naman kasing si Aling Merling! Si Eliot, wanted na raw ba! Gusto kong humalakhak kaso maraming tao rito, nakakahiya.
"Aling Merling, nag-audition ho kasi siya sa isang modeling agency at sa sabado na ang first shoot niya," nagmamalaki kong sabi.
Ngumisi si Aling Merling. "Asus! Model? E, bagay nga sa kanya 'yon! Pero, Tasha, ingatan mo 'tong si Eliot, napaka-gwapo kaya posibleng kunin din siyang artista!" May panunukso sa tono ng boses ni Aling Merling.
Kung hindi lang nakalagay sa ten commandment na gumalang sa nakatatanda, sinambunutan ko na 'to si Aling Merling. Balak pa yata akong ilaglag kay Eliot. Porket nadulas ako sa kanya na mahal ko si Eliot. Ngayon, hindi na lang dalawa kundi tatlo na ang nakakalam ng totoo! Patnubayan sana ako ni Lord sa pagtatago ko ng nararamdaman ko. Alam kong anytime ay bigla ko na lang maamin kay Eliot ang totoo and I'm not ready for it!
![](https://img.wattpad.com/cover/308079559-288-k499806.jpg)
YOU ARE READING
The Model's Hidden Son
RomanceCompleted. I'm giving the full credits to the rightful owner of the picture used as book cover. Date started: 04/18/22 Date ended: 10/23/22