01

1K 12 0
                                    

***

"Anastasia, sabay na tayo mag-lunch!"

Napapikit ako dahil sa malakas na sigaw ng lalaking kaibigan ko na si Eliot Duke. Naiinis ako dahil sa lakas ng boses niya, pero mas naiinis ako dahil sa tinawag niya sa akin! Anastasia ang pangalan ko pero pwede niya naman akong tawagin na Ana o 'di kaya'y Tasha. Talagang Anastasia pa ang itinawag sa akin! Hindi ko alam kung bakit buong pangalan ko pa rin ang tawag niya sa akin kahit na ilang beses ko na siyang sinabihan na Ana or Tasha na lang ang itawag sa akin. Matigas din ang ulo ni tanga, e!

Galit ko siyang nilingon. "Ano ba, Eliot, kailan ka ba titigil sa katatawag sa akin sa buo kong pangalan?!" nangigigil kong tanong pero tinawanan niya lang ako. Aba, nagawa pang tumawa ng loko! Bakit ko nga ba kasi naging kaibigan ang mokong na ito? Ah! Oo nga pala, dahil 'yun sa pagiging papansin niya.

Nuong third year high school kasi kami ay nag-transfer siya sa school namin at nataon na sa section pa namin siya napunta. At mas worst pa doon ay sa tabi ko siya umupo! Napakaraming bakanteng upuan nuong araw niya 'yon pero sa tabi ko siya umupo! Hanggang doon na nagsimula na kulitin niya ako. Nagsimula siyang tawagin ang sarili niya na best friend ko siya kaya nasanay na lang din ako. Hindi na ako umangal noon sa mga pinagsasabi niya dahil alam kong lilipas din naman 'yon. Pero mali pala ako. Tinggan mo nga ngayon, parang hindi mabubuhay kung hindi sasabay sa akin na kumain!

Hanggang sa nag-college kami ay hindi na niya ako nilubayan! Kung nasaan ako, naroon din siya. Minsan nga ay pinagkakamalan na kaming mag-shota, e! Naiinis ako dahil doon habang siya naman ay parang tanga na kinikilig. Ano bang nakakakilig doon? Nakakainis kaya na mangyari 'yon. 'Yong nananahimik ka pero may mga marites na daig pa ang reporter sa pagkakalat ng fake news. Naalala ko pa nuong minsang lumabas akong busog na busog, napagkamalan akong buntis at si Eliot daw ang ama! Jusko Maria, saan kaya nila nakukuha 'yon? Kung may sahod lang siguro ang pagiging chismosa, mayaman na sila.

"Ano ba, Anastasia, Duke nga kasi ang itawag mo sa akin! Ang baho kaya ng Eliot!" maarteng sabi niya nang makalapit siya sa akin. Napairap na lang ako sa hangin dahil doon. Ayaw niya na tinatawag siya sa una niyang pangalan, pero ginagawa naman niya sa akin.

"E, kung itigil mo na kaya ang pagtawag sa akin sa buo kong pangalan, 'di ba?" masungit kong sabi pero natawa na naman siya. Kung ang iba ay natatakot dahil "masungit" daw ako, siya naman ay tinatawanan lang 'yon. Alam kasi niya na pakitang-tao ko lang 'yon. Hindi tuloy siya natatakot kahit na anong gawing kong pagtataray.

"Ano bang ayaw mo sa buo mong pangalan? Napaka-ganda kaya! Anastasia Maureen Perez. Oh, 'di ba, pang-big time!" masiglang sabi niya pero inirapan ko lang. Anong maganda doon e parang nuong sinaunang panahon pa 'yon.

"Basta ayoko nang tatawagin mo ako sa pangalan kong buo, Duke." Pinagdiinan ko ang pangalawang pangalan niya bago naglakad papunta sa counter ng canteen. Napabuntong-hininga ako nang maramdaman ko na naman ang presensya niya sa likod ko. Kailan kaya mawawala ang isang 'to sa buhay ko?

Matapos kong sabihin ang pagkain na binili ko sa tindera ay agad niya 'yong inasikaso kaya agad ko rin 'yong nakuha. Nang makapag-bayad ako ay walang paalam akong umalis sa pila kahit pa halos matanggal na ang lalamunan ni Eliot sa kasisigaw sa pangalan ko. Hindi ako naiinis ngayon dahil sinunod niya ang utos ko na huwag akong tawagin sa buo kong pangalan. Mabuti naman at madali lang kausap ang loko na 'yon.

Nasa gitna ako ng pagkain nang may padabog na naglapag ng tray sa mesang inuokupa ko. Kunot noo kong tiningnan kung sino 'yon. Si Eliot na nakasimangot habang nakatingin nang diretso sa akin. Kahit hindi magtanong ay alam ko na ang dahilan sa pagiging maasim ng mukha niya. Iniwan ko siya kanina bigla, 'di ba? Ayaw na ayaw niya 'yon. Ewan ko dito, kapag ibang tao ang gumagawa noon sa kanya ay okay lang, kapag naman ako, inis na inis siya. Baliw lang lang?

The Model's Hidden SonWhere stories live. Discover now