03

525 10 0
                                    

***

Nakasimangot akong pumasok sa loob ng classroom namin. Masama ang timpla ko dahil sa dinami-raming araw na pwede akong dalawin ng period ko, ngayon pa! Mas lalo pang sumama ang timpla ko nang makitang may nakaupo roon sa pwesto ko. Isang babaeng nakasalamin at kamukha ni Dora. Siya yata ang nawawalang kapatid ni Dora, ah?

Pabagsak kong nilapag ang bag ko sa desk ng inuupuan niya. Gulat siyang napatingin sa akin, nakaawang pa ang bibig. Mapasukan sana ng langaw 'yan. Pati ang mga blockmates kong maiingay ay natahimik dahil sa ginawa kong pagbagsak ng bag ko.

Kung hindi ko pa nababanggit ay takot sa akin ang iba kong blockmates dahil mukha raw akong masungit, maldita, mataray, parang galit sa mundo, at kung ano-ano pa. Ang hindi lang talaga takot sa akin ay Eliot na hanggang ngayon ay wala pa rin.

Ngayon lang kami hindi nagkasabay ni Eliot pumasok. Ewan ko ba roon. Nang puntahan ko kasi siya sa bahay nila ay sinabi ni Tita na hinabilin daw sa kanya ni Eliot na kung sakali mang pumunta ako ro'n ay paunahin na ako dahil may importante siya pupuntahan. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya! Nasaan na kaya ang loko na 'yon?

"Alis," maldita kong sabi sa babaeng nakaupo doon sa pwesto ko.

"H-Ha? B-Bakit ako... aalis dito?" utal-utal niyang tanong.

"Malamang upuan ko 'yan. Paalisin ba kita kung hindi ako diyan nakaupo?" naiinis kong sabi. Napansin kong napalunok siya.

"P-Pero ako ang nauna rito," mahinang sabi niya pero rinig ko pa rin naman.

"Tanga ka ba? Anong nauna ang sinasabi mo?" tanong ko. Tumaas na ng bahagya ang boses ko.

Naramdaman kong may humawak sa braso ko kaya nilingon ko 'yon. Si Bea, ang class president namin.

"Tasha, bago natin siyang blockmate kaya hindi niya alam na ikaw pala ang nakaupo diyan. Clara, lipat ka na lang sa ibang upuan, siya kasi talaga ang nakaupo diyan," mahinahong paliwanag ni Bea.

"Narinig mo 'yon? Alis na," pagtataboy ko sa kanya. Alanganin siyang tumayo at dahan-dahang kinuha ang bag niya. Aalis rin naman pala.

Dumaan siya sa harap ko, tinititigan ko ang mukha niya kaya hindi nakaligtas sa akin ang pag-irap niya. Kumunot ang noo ko dahil do'n kaya padarag kong hinila ang braso niya na ikinagulat ng mga nakiki-chismis pati na rin siya.

"Inirapan mo ba ako?" nangigigil kong tanong.

"A-Ano? Bakit naman kita iirapan?" balik tanong niya, bahagya nang irita ang boses.

"Oo nga, nakita kong inirapan mo si Tasha nang pasimple. Kita niyo rin ba 'yon?" Sunod-sunod na nagsitanguan ang mga chismoso kong blockmates sa tanong ni Mhaxine.

"Hoy, anyanyare diyan?" sita ng isang pamilyar na boses. Si Eliot.

Inakbayan niya ako pero naiinis ko 'yong tinangal. Hindi niya alintana ang tingin ng mga blockmates namin nang sapilitan niyang iharap ang mukha ko sa kanya. Kumunot ang noo niya nang makita ang busangot kong pagmumukha.

"Bakit ganito ang mukha mo?" tanong niya. Hinarap niya ang mga nakiki-chismis naming blockamate nang hindi ko siya sagutin. "Anong nangyari sa boss ko? Bakit kulubot ang mukha?" tanong niya sa kanila.

"Eh, kasi 'pag dating niya nakaupo si Clara sa upuan niya. E, alam mo namang ayaw niyang may umuupo sa upuan niya, 'di ba?" panimulang kwento ni Mhaxine na tinanguan naman ni Eliot. "Tapos pinapaalis niya si Clara, pero nagmamatigas siya. Tapos dumating si Pres kaya siya na ang nagpa-alis kay Clara. Tapos nung lilipat na ng pwesto si Clara, nahuli siya ni Tasha na umirap. Even us, we saw it!" dugtong niya.

The Model's Hidden SonWhere stories live. Discover now