10

457 11 0
                                    


***

"Ano?! Magsshift ka ng course?!"

Bakas ang gulat sa mukha namin nila Eliot, Mhaxine, at Angel sa sinabi ni Caleb. Balak niya raw kasing mag-shift ng course. Hindi. Hindi pala balak dahil magsshift na siya ng course! Kaunting taon na lang ang hihintayin namin at makaka-graduate na kami sa kursong education tapos malalaman naming mags-shift siya ng course? Hindi kaya ang hirap noon?

"Chill, dito pa rin naman ako mag-aaral," natatawang sambit ni Caleb.

"Tol, bakit lilipat ka pa? Sayang ang tatlong taong inaral mo para sa education," seryosong sabi ni Eliot.

Napangiti si Caleb sa sinabi ni Eliot. Hanggang ngayon siguro ay hindi pa rin ito makapaniwala na close na close na silang dalawa. Naalala ko pa nung unang beses na tawagin ni Eliot na "tol" si Caleb, muntik pa itong mahimatay sa gulat. Kahit naman ako ay nagulat din pero siyempre mas nangibabaw sa akin ang saya dahil maayos na ang relasyon sa pagitan nila. Hindi na iinit bigla-bigla ang ulo ni Eliot kapag nakitang magkausap kami ni Caleb.

These past few years, Eliot became a little matured somehow. Minsan nga ay siya pa ang nagbibigay ng pangaral kina Mhaxine sa t'wing makakagawa 'to ng kalokohan. Masaya ako dahil kahit papaano ay hindi na paurong tumanda ang utak ni Eliot. Pero hindi pa rin naman nawawala ang kalokohan sa katawan niya, tandem na nga sila ngayon ni Caleb, e. Tandem sila sa pang-aasar sa akin.

"Bakit, mamimiss mo ako?" nakangising tanong ni Caleb.

"Ulol! Oo, tama 'yan lumipat ka na lang ng course," biglang pagbabago ng isip ni Eliot.

Natawa na lang kami sa sinabi niya. We're currently here at canteen for our lunch. Pinag-uusapan muli naming ang biglaang pagpapalit ni Caleb ng course. Hindi ko pa naman nararanasan ang pagpapalit ng course ngunit ako ang nahihirapan para kay Caleb. Imagine halos dalawang taon na lang ay matatapos ka na sa college tapos bigla kang magpapalit ng course!? Kahit pa siguro walang gagastusing kahit piso sa pagpapalit ng course, kung mahihirapan naman akong mag-adjust ay huwag na lang.

Nakikinig lang ako sa kanila habang nag-uusap sila. Mas pinagtuonan ko na lang ng pansin ang pagkain ko dahil hindi ako nakapag-breakfast at nakapag-break time kanina! Sobrang hectic na kasi talaga ng schedule namin! Siguro ay nalalapit na rin kaming mag-intern. Kung sakali kaya, saan naman ako mapupuntang school? Kasi ganoon naman 'di ba? Sa mga naging student teacher ko kasi nuong high school at college ako ay ganoon ang napapansin ko. Nagiging student teacher sila tapos ay sa last day ng pagiging ST nila ay mao-observe sila.

"Kayo ba, Tasha, Eliot, Angel, wala kayong planong mag-shift ng course?" Naagaw ni Mhaxine ang atensyon ko dahil sa pagtawag niya sa akin.

"Ako, wala. Mula bata ako ay ito na ang gusto kong kurso." Nauna na akong sumagot bago kagatan ang sandwich ko. Well, what I said was true. Mula bata ako ay pinangarap ko nang maging isang guro. Mahilig din kasi ako sa bata.

"Ako, hindi ko naman talaga gusto 'tong education. Pinilit lang ako nila Mama dahil halos lahat sa pamilya naming ay Teacher." Ngumiti nang pilit si Angel.

"E, ano 'yung totoong course na gusto mong kunin?" nagtataka kong tanong.

"Flight attendant sana, tourism. Kaso ayaw ng magulang ko kaya ayun, nandito ako sa education. Saka ayokong ma-disappoint sila sa akin," sambit niya.

Well, in her case, mukhang mahihirapan siya dahil hindi naman niya talaga gusto ang course niya. Bakit kaya may magulang na ganoon, 'no? 'Yung mga magulang natin na dapat sumusuporta sa bawat gusto o pangarap natin ay sila pa ang humahadlang.

Hindi ba nila naisip na baka mahirapan 'yung anak nila dahil sa desisyon nila na hindi naman ginusto ng anak nila? Tapos kapag hindi naipasa, sila pa ang magagalit dahil kesyo hindi raw nag-aaral nang mabuti. Mabuti na lang pala ay kahit wala na si Mama, alam kong suportado ako nito sa direksyong gusto kong tahakin.

The Model's Hidden SonWhere stories live. Discover now