***Nanatili pa kami ng tatlong araw sa Tagaytay bago bumalik sa Manila. Sa tatlong araw rin na 'yon ay hindi ko kinikibo si Eliot kahit pa ilang beses niyang sinubukang kausapin ako. Hindi naman sa galit pa ako sa kanya, iniisip at pinag-aaralan ko lang kasi ang sinasabi ni Caleb tatlong araw na ang nakalipas.
Ako? Mahal si Eliot? Parang napaka-imposible namang mangyari no'n, 'di ba? Pero may part sa akin na sumasang-ayon sa sinabi ni Caleb. Maybe I really love him even before, I just didn't notice it. Noong mga panahon kasi na 'yon ay sa akin umiikot ang mundo ni Eliot. Halos walang araw na hindi siya nakabuntot sa akin. Pero kailangan ko pa ring kumpirmahin kung totoo nga ba ang sinasabi ni Caleb na mahal ko si Eliot.
Sa totoo nga niyan ay hindi ko katabi ngayon si Eliot dito sa bus. Si Caleb ang katabi ko dahil may mga bagay akong kailangan ma-realize at magagawa ko lang 'yon kung hindi umaaligid sa akin si Eliot. Bakit ba kasi habang tumatagal ay dumarami ang mga nagpapagulo sa utak ko?! Una, si Aling Merling. Tapos ngayon naman ay si Caleb. Gusto ko lang naman mamuhay nang payapa.
Napabuntong-hininga ako sa stress na nararamdaman ko.
"Lalim no'n, a?" natatawang sambit ni Caleb. "Still confused?"
Tumango ako. There's no way na makakapag-lihim ako sa kumag na 'to. Ika nga niya kahapon e, manghuhula raw siya. Parang ewan lang. Parehas na parehas sila ni Eliot. Wait, what? Did I just compare him to Eliot? Parang napapadalas ang pagkukumpara ko sa kanilang dalawa, a?
"Don't worry, you'll figure out things soon. You just need to think," sabi na naman niya.
"I don't know. Parang imposible naman kasi 'yang sinasabi mo," mahinang sabi ko.
"How come? O sige, ganito, imagine Eliot fell for another girl. And that 'another girl' is Clara, what would you feel?" sambit niya.
I unconsciously held my chest. There's a pain I felt when he said that. Pero alam ko sa sarili ko na hindi lang siya basta-basta na sakit sa dibdib ko. Natatakot ako kung sakali man na totoo nga ang sinasabi ni Caleb na mahal ko si Eliot. I'm afraid that I might ruin our friendship. Marami akong kilala na sinakripisyo nila ang pagiging magkaibigan para sa relasyon nila, and now, they separated. Natatakot ako na gano'n ang mangyari sa amin ni Eliot.
"Kahit hindi mo sabihin, alam kong nasaktan ka," sambit niya pa.
"Stop it, you're not helping," naiinis kong sambit. I admit na nakakatulong siya sa akin, pero ginugulo niya rin ang isip ko!
Hanggang sa makarating kami sa university ay hindi ko pa rin pinapansin si Eliot kahit na panay ang sunod niya sa akin. Paulit-ulit siyang nagmamakaawa na pansinin ko na siya. Ano bang pwede kong gawin para kahit papaano ay mahiwalay sa akin ang isang 'to? Pero iniisip ko pa lang na lalayo kami sa isa't-isa ay nanlulumo na ako.
"Tasha, please, kausapin mo na ako. Tatlong araw mo na akong hindi kinakausap, e," sambit ni Eliot.
Papunta ako ngayon sa locker ko para kunin ang mga gamit kong iniwan ko rito, at ito namang si Eliot ay hindi pa rin talaga tumitigil sa pagsunod sa akin. Para siyang linta! Dahil sa inis ko sa ginagawa niyang pagsunod-sunod sa akin, hinarap ko siya na may matalim na tingin. Napansin ko ang paglunok niya.
"I need space, Eliot. Can you give it to me? Hmm?" sambit ko.
"S-Space? Para saan?" nauutal niyang tanong.
To clear things out. Para malaman ko kung totoo nga bang mahal na kita. Sambit ng isip ko.
I cleared my throat before speaking. "I just need it. Please, kahit sandaling araw lang." Sabi ko at hindi na hinintay pa na magsalita siya dahil umalis na agad ako.
YOU ARE READING
The Model's Hidden Son
RomansaCompleted. I'm giving the full credits to the rightful owner of the picture used as book cover. Date started: 04/18/22 Date ended: 10/23/22