"Mommy, Daddy! I said no!"Sabay kaming napabuntong hininga ni Eliot nang isigaw 'yon ni Duchess, our three-year-old daughter. Ilang oras na rin siguro kami dito sa sala ng bahay namin. Kanina pa namin siya pinipilit na magsorry sa kuya niya. But she's stubborn like a rock.
Paano ba naman kasi kanina habang abala sa pag-aaral si Rios, pinunit niya ang notes ng kuya niya. Ngayon ay pinipilit namin siyang magsorry sa kuya niya ngunit mas mataas pa sa bahay namin ang pride niya.
Ibang klase rin kasi talaga ang batang 'to kapag tinopak. Lahat ng gusto niya dapat nasusunod. Gaya nga ng sabi ni Eliot, she's the little version of me. Mas pinalala nga lang.
"Anak, you don't want your kuya mad at you, right?" Eliot said. Ngumuso lang ang anak namin sa sinambit ng asawa ko.
"Duchess, you'll say sorry to your kuya or he won't be talking to you? Choose, anak," I said in a stern voice.
"He won't talk to me?" she asked, pouting.
"Yes, so you need to go upstairs then say sorry to him."
Nagkatinginan kami ni Eliot nang hindi siya sumagot at tumungo lang. Duchess bit her lower lip and started to get teary. Napahawak ako sa sentido ko dahil sa senaryo ngayon namin dito.
"Kuya doesn't love me anymore kaya ayaw niya na makipag talk sa akin?" She asked.
One wrong answer and we'll face a disaster.
"It's not like that. You see, your kuya is busy studying but you disturb him. Pinunit mo pa ang notes niya."
Hinimas ni Eliot ang likod ko. Nawawalan na kasi ako ng pasensya at alam niyang kaunti na lang ay talaga mapapagalitan ko na ang anak namin, na ayaw niyang nangyayari.
"Sweethea—"
Eliot's word got interrupted because someone cut him off. Our little devil's eye widened as she saw her grandfather walking toward us. Nakahanap na ng kakampi.
"Lolo!" She ran toward her grandfather.
Binuhat siya agad ni Papa nang makalapit sa kaniya ang apo niya. Then he faced us with his frowning brows.
"What happened? Are you scolding my little apo?" he asked while caressing Duchess's hair.
"They make pilit me po to say sorry to kuya," pagsusumbong ni Duchess.
"Ahuh? And then?"
"But I don't want!" Duchess shouted.
Marahas na lang akong napahilamos sa mukha ko. Dad better be talk to her or else I will really scold my daughter. Hindi naman kasi palagi na kapag gusto niya ay agad nasusunod. Kahit minsan lang mababaan niya sana ang pride niya.
Nakakatakot kapag lumaki pa siya. Baka lalong lumala ang ugali. Ngayon pa nga lang ay sakit na siya sa ulo. Napakunot ang noo ko nang may ibinulong si papa kay Duchess. Nanlaki naman agad ang mata ng anak ko dahil sa ibinulong ng lolo niya sa kaniya.
"Duchess will say sorry na raw to her kuya, right?" He faced Duchess.
"Yes po, Mommy! I will go upstairs na po then I will say sorry na!" Humagikgik pa siya nang makababa siya sa pagkakabuhat sa kaniya ni papa.
We watched her climb the stairs. She's even singing a song which we couldn't understand. Nang mawala na sa paningin namin ang bata, sabay-sabay kaming napabuntong hininga.
"She's getting worse," naiiling na sambit ni papa.
"Yeah. Nagmana talaga sa pinagmanahan," pagsang-ayon naman ni Eliot saka sila natawa na dalawa.

YOU ARE READING
The Model's Hidden Son
RomanceCompleted. I'm giving the full credits to the rightful owner of the picture used as book cover. Date started: 04/18/22 Date ended: 10/23/22