26

510 13 0
                                    


***

"Waylen!"

Napanganga ako nang makita ko si Fabio na natatarantang lumapit sa anak kong umiiyak pa rin hanggang ngayon. Anong ginagawa ni Fabio rito? Lumuhod si Fabio upang mapantayan ang anak ko. Fabio caressed Rios's face softly.

"Nasaan si Moma mo? Bakit nandito ka?" marahang tanong ni Fabio kay Rios. Hindi naman ako ganoon kalayo sa pwesto nila kaya rinig ko pa rin ang boses nila.

"Moma!"

Nataranta bigla si Fabio nang biglang pumalahaw na naman ng iyak ang anak ko. Natataranta siyang tumayo at saka inikot-ikot ang ulo, hinahanap ako. Pero teka, hindi ba niya napapansin si Eliot? Like, hello! Katapat niya lang ang tatay ng anak ko!

On the other hand, mas maganda na rin siguro 'yon. He knows that Eliot is Rios's father. Madaldal pa naman 'to, parang 'yung chismosa naming kapitbahay doon sa dati kong apartment. Bagay sila.

But looks like luck is not on my side. Pagkaharap kasi ni Fabio sa kabilang side-sa kanan kung saan naka-pwesto si Eliot- natigilan siya. Ito na nga ba ang sinasabi ko, e.

"D-Duke! A-Anong... Bakit..." Nanlalaki ang matang tumingin si Fabio kay Rios na umiiyak pa rin ngunit mahina na ngayon.

"What? Is he your son? Nadapa siya, you should take care of your son next time," seryosong sambit ni Eliot. Nakakapangilabot ang boses niya.

"H-He's not my Dada! My Dada's at work! Moma!" Muling pumalahaw ng iyak si Rios.

Nag-aalala na ako para kay Rios. Mayroon siyang asthma kaya hindi siya pwedeng umiyak nang sobra o mapagod! Anong gagawin ko? Lalapit ba ako? Pero kapag lumapit ako, magkakaharap kami ni Eliot. But how about Rios? Bahala na.

Binitiwan ko ang kanina ko pang hawak na cart saka naglakad palapit sa pwesto ni Rios. Nakita ko ang gulat sa mukha ni Eliot at Fabio pero hindi ko na 'yon inintindi dahil kinakabahan ako baka atakihin ng asthma ang anak ko.

"M-Moma!" My son cried when I reached him. Medyo hirap na rin ito sa paghinga.

Lumuhod ako upang mapantayan siya. Pinunasan ko ang mukha niyang basang-basa na dahil sa luha. I looked up only to see Eliot and Fabio's wide eyes. Mukhang hindi nila inaasahang susulpot ako bigla.

"Shh. Moma's here, stop crying if you don't want to go to hospital again," marahan kong sambit sa kanya na may halong pananakot. Niyakap ako nito. Alam ko na kung anong gusto nito, gusto niyang magpa-karga.

"Moma, sorry I was pasaway. I slipped po and then this mister saw me!" sabi ng anak ko at tila nagsusumbong. Nakaturo rin siya kay Eliot na hanggang ngayon ay halata pa rin ang gulat sa mukha.

Tumikhim ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin o gagawin! Ano, tatakbo ba ako para makalayo? Pero buhat ko si Rios! Tiningnan ko si Fabio na pabalik-balik ang tingin sa aming dalawa ni Eliot.

Nang dumapo ang mata nito sa akin muli, bahagya kong nilakihan ang mata ko. Sana ma-gets niya ang ibig sabihin doon. Sana hindi niya muna ibuka ang bibig niya.

"Maureen, bakit hindi mo sinabi sa akin na nagka-ayos na kayo?"

Nanlaki ang mata ko nang sabihin niya iyon. Napakalakas pa ng boses niya nang sabihin iyon, tiyak na rinig ni Eliot. Wala ba talaga sa side ko ang swerte ngayon?! Come on, hindi pa ako ready! Hindi ito ang scene na nasa isip ko! Hindi ito ang gusto kong mangyari sa oras na magkita ang mag-ama!

Please, Fabio, tama na 'yon.

"Excuse me, are you talking about me?" pagsingit ni Eliot.

Nahihiya na rin ako dahil nagiging center of attention na kami! Halos lahat ng tao sa grocery sa amin na nakatingin. Dapat na ba talaga akong tumakbo?

The Model's Hidden SonWhere stories live. Discover now