***My phone keeps on ringing at iisang tao lang ang tumatawag. Si Eliot. It has been two days since I left his condo without any word. At simula rin nang gabi iyon ay halos minu-minuto na akong nakakatanggap ng tawag mula sa kanya.
Dahil wala naman akong ibang alam na mapupuntahan, bumalik ako rito sa apartment ko. Mabuti na lang at wala pang nakakaupa rito kaya kinausap kong muli ang land lady at pumayag naman siya na dumito muli ako.
Alam kong madali lang akong mahahanap ni Eliot dito, but I have no choice but to stay here for the mean time. Yesterday night, I was thinking if I should contact my father. Kailan kong babaan muna ang pride ko hindi para sa akin, kundi para sa baby ko.
But I don't have his contact number. Napalingon muli ako sa cellphone ko na nakapatong sa maliit na mesa rito sa sala. Tumatawag muli si Eliot. Hindi ko na mabilang kung pang-ilang tawag na niya na hindi ko sinasagot.
Ayokong sagutin ang mga text and call niya dahil alam ko sa sarili kong marinig ko lang ang malambing niyang boses ay babalik agad ako sa kanya.
Dinampot ko ang cellphone ko at tinitigan ang pangalan ni Eliot na nasa screen. Isang gabi pa lang ang lumilipas ngunit miss na miss ko na agad ang boses niya.
Nang huminto ang pagri-ring ng cellphone ko ay pinindot ko ang messages app. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko nang mauna kong makita ang pangalan ni Eliot sa mga nag-text.
Wala namang kaso kung babasahin ko 'di ba? Hindi naman niya malalaman na nabasa ko ang text niya. Pinunasan ko muna ang luha ko bago pinindot ang mensahe ni Eliot.
Damulag:
Tasha, nasaan ka?
Damulag:
Nariyan ka ba kila Mhaxine?
Damulag:
Tasha, sagutin mo nga tawag ko. Gabi na nasa labas ka pa?
Damulag:
Anastasia.
Napahagulgol ako nang mabasa ang buo kong pangalan sa mensahe niya. Mamimiss ko panigurado ang pagtawag niya sa akin sa buo kong pangalan.
Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa ng mga mensahe niya.
Damulag:
Tasha, umuwi ka na. Bakit hindi mo sinasagot mga tawag ko?
Damulag:
Anastasia.
Damulag:
Tasha, anong ibig sabihin nitong nakalagay sa papel? Ikaw ba nag-iwan nito?
Nabasa na niya. Nabasa na niya ang mensahe ko.
Damulag:
Tasha, umalis ka? Wala na mga damit mo rito. Nasaan ka? Pupuntahan kita.
Damulag:
Napanood mo?
Damulag:
I'm sorry. I did it for a reason, baby, please. Come back home.
So he knew. Alam niyang maari kong mapanood ngunit naglihim siya. And what? He did it for a reason? Dahil sa rason na 'yon kaya niya nagawang maglihim sa akin ng mga bagay?
"Dapat lang pala talaga na umalis ako," I whispered.
Napalingon ako sa pintuan ng apartment nang biglang may kumatok doon nang napakalakas. Dinapuan ako ng kaba sa dibdib ko. Hindi naman siya iyan, right?
YOU ARE READING
The Model's Hidden Son
RomanceCompleted. I'm giving the full credits to the rightful owner of the picture used as book cover. Date started: 04/18/22 Date ended: 10/23/22