***Panay ang tingin ko kay Eliot na nakaupo sa tabi ko. Ang dalawang braso nito ay nasa harap ng dibdib niyang mabilis ang pagtaas at pagbaba. Sinulyapan ko naman ang nakakabwisit kong katabi. Si Caleb. May multong ngiti sa labi nito habang nakatingin sa adviser namin na si Ma'am Castro. Nagpapasalamat ako nang palihim kay Ma'am Castro dahil kung hindi siya dumating ay paniguradong nasuntok n ani Eliot si Caleb. Grabe rin naman kasi mang-asar ang isang 'to.
Bumuntong hininga na lang ako at tumingin na sa harap. Nagpapaliwanag si Ma'am Castro sa mga gagawin naming tungkol sa nalalapit na fieldtrip. Naurong kasi ang fieldtrip namin at tatlong araw na lang bago 'yon kaya nagbibigay si Ma'am ng mga paalala. Hindi ko alam kung nakikinig ba ang dalawa kong katabi, pero bahala na sila.
"Ang also, I want to give all of you a by partner task," sabi ni Ma'am. Napuno tuloy ng reklamo ang room.
"Ma'am, hindi po ba pwedeng by group na lang?" tanong ni Casper.
"No. Kung gagawin niyo 'to ng by group, maaring i-asa niyo lang 'to sa leader," nakangiting sabi ni Ma'am. May point naman siya roon. "Get a piece of paper and write your name on it."
"Ma'am! Bakit po? Anong gagawin sa papel?" tanong na naman ni Casper.
"Diyan ko iba-base kung sino ang makaka-partner niyo. Kung sino ang dalawang mabunot ko, sila ang mag-partner," paliwanag ni Ma'am kaya mas lumakas ang reklamo sa room. Syempre, kasama na sa nagrereklamo si Eliot.
Kumuha ako ng papel sa bag ko saka isinulat ang pangalan ko doon. Nang matapos ako ay akmang tatayo na ako para ipasa ang papel ay may kumalabit sa akin. Tiningnan ko si Eliot pero nagsusulat pa ito sa papel. Napahugot ako ng hininga saka binalingan ng tingin si Caleb.
"Problema mo?" masungit kong tanong.
"Can I have a piece of paper? I didn't bring any," nakangiting sabi niya.
"Nag-aaral ka niyan?" sabi ko pero binigyan ko pa rin naman siya. Ngiting tagumpay ang loko nang abutin niya 'yon.
"Thanks."
Umirap na lang ako at naglakad na papunta kay Ma'am Castro at sa kasamaang palad, nakasabay ko pa si Clara. Mabilis kong inabot kay Ma'am ang papel ko at agad ding umalis. Nakakapanginit ng dugo ang presensya ni Clara. Nang makaupo na ako ay si Eliot naman ang tumayo para magpasa ng papel niya. Pagbalik niya, nakadikit na ang dalawang palad niya.
"Ginagawa mo?" kunot noo kong tanong.
"Nagdadasal. Magdasal ka rin dali!" sabi niya saka pwersang pinagdikit ang dalawa kong palad. Narinig ko ang pagtawa ng isa kong katabi, pero hindi ko na lang pinansin.
"Ano ipagdadasal ko?" tanong ko ulit.
"Na tayo ang maging mag-partner!" sabi niya saka pumikit. Naiiling na lang ako sa inasta niya.
"Try mo kayang mahiwalay sa akin kahit isang beses lang?" pasimple kong tanong sa kanya. Dumilat siya at binaba ang magkadikit niyang palad.
"Huh? Ayaw mo ba akong maka-partner?" mahinang tanong niya kaya natawa ako.
"Sira," sabi ko na lang dahil nagsisimula na si Ma'am na ipag-partner kami.
Ilang pairs na ang natatawag ngunit wala pa ring natatawag sa pangalan naming dalawa ni Eliot. Kinakabahan tuloy ako kung sakaling hindi si Eliot ang makakapartner ko. What if si Clara ang makapartner ko? Huwag naman sana.
"Miss Diaz together with..." sabi ni Ma'am habang chicheck kung sino ang makaka-partner ni Clara. Nagulat ako ng tumingin si Ma'am sa akin. Don't tell me... "Together with Mister Smith."

YOU ARE READING
The Model's Hidden Son
RomanceCompleted. I'm giving the full credits to the rightful owner of the picture used as book cover. Date started: 04/18/22 Date ended: 10/23/22