***"Moma, 'yung niluluto mo sunog na!"
Napakurap-kurap ako sa sigaw na 'yon ni Rios. Walang hiya, ang niluluto ko! Agad ko 'yong dinaluhan at inayos dahil malapit na talagang masunog. Nang maayos ko na ay nakahinga ako nang maluwag saka tumingin kay Rios na nakatitig sa akin.
"Moma, are you okay" may pag-aalala sa tono ng boses niya.
"No, I'm okay. Just wait a little more time, okay? Maluluto na 'to," nakangiti kong sambit.
"Okay po." Tumakbo siya papuntang sala para magpatuloy sa paglalaro.
Humugot ako ng hininga saka binalingan ang niluluto ko. Nagluluto ako ng caldereta dahil ni-request ito ng anak ko. Pero muntik pang masunog! Nilalamon kasi ng utak ko ang kaninang pangyayari sa grocery. Kung hindi ko lang sana pinairal ang pagiging chismosa nasa maayos pa sana akong kondisyon ngayon.
Pero ano bang pake ko kunv may girlfriend na nga si Eliot? E di maganda! Hindi naman ako magseselos o nagseselos, 'no! Bakit ako magseselos, mat kami pa ba? Wala!
Tinampal-tampal ko ang mukha ko nang mahina para magising ang diwa ko. Kung hindi ko iyon gagawin ay baka tuluyan nang masunog ang niluluto ko.
Kasalukuyan kong nilalagay ang niluto kong ulam sa isang mangkok nang biglang tumunog ang doorbell. Sino 'yon? Wala naman akong inaasahan na bisita, ah? Tinapos ko na muna ang pagsasalin ng ulam sa lalagyan bago ko binuksan ang pinto. Lalong napakunot ang noo ko nang makita si Mhaxine na busangot ang mukha.
"Oh, ginagawa mo rito?" tanong ko saka nilakihan ang pagkakabukas ng pinto para makapasok siya.
"Dito muna ako matutulog, may extra room naman kayo, right?" sabi niya na nakapagpa-kunot sa noo ko. Naka-upo na siya sa sofa. "Nasaan junakis mo?" she asked.
"Ilang beses ka nang nakakapasok dito tapos itatanong mo 'yan? Teka nga, bakit ba dito ka matutulog? May bahay ka, 'di ba?" taas kilay kong tanong. "Saka si Rios nasa kwarto, may kinuha yata." dagdag ko.
"First of all, naiinis ako. Second, gutom na ako kaya pakain mo ako. Hindi ako kumain sa amin dahil naiinis ako kay Caleb," mahabang lintana niya.
Kapal naman ng mukha ng bruhang 'to.
"Sakto, kakain pa lang kami," sabi ko na lang dahil wala na rin naman akong magagawa. Nandito na siya e.
Tumungo ako sa kusina para ipagpatuloy ang ginagawa ko kanina. Dahil tapos naman na ako sa pagsasalin ng ulam, nilagay ko na 'yon sa dining table. Good thing our ding table is good for three people. Nang matapos akong maglagay ng mga pagkain sa lamesa, sinunod ko naman ang mga plato at utensils saka ko na sila tinawag.
"Wow, may pa-caldereta si mayor. Ano meron?" Mhaxine teased.
Inirapan ko lang ito dahil sa pang-aasar niya. Makiki-kain na nga lang mang-aasar pa! Pinaupo ko na si Rios sa upuan saka siya sinandukan ng kain at nilagyan na 'yon ng ulam. Matapos noon ay ako naman ang umupo at nagsandok ng pagkain ko. Nakaupo na rin si Mhaxine at nagkapag-sandok na rin siya ng pagkain niya.
"Wow, Moma, it tastes so good!"
Napabaling ako sa anak ko. Nakangiti ito habang nakatingin sa akin. "Thank you. Eat more, anak."
"Pwede ka na mag-asawa," komento ni Mhaxine.
"Mauna ka," pabalang kong sagot. Nang may maalala ako ay tumingin ako sa kanya. "Hindi mo pa pala sinasabi sa akin kung anong dahilan at bakit ka rito matutulog."
I heard her sighed. Nilapag niya ang kutsara't tinidor saka sumandal sa upuan. "Si Caleb kasi!" naiinis niyang sabi.
"Oh? Anong meron?" kaswal kong tanong habang hinihiwa ang manok na ulam ni Rios.
![](https://img.wattpad.com/cover/308079559-288-k499806.jpg)
YOU ARE READING
The Model's Hidden Son
RomanceCompleted. I'm giving the full credits to the rightful owner of the picture used as book cover. Date started: 04/18/22 Date ended: 10/23/22