07

450 10 2
                                        


***

"Come on, Maureen, wait for me!"

Napapikit ako sabay kuyom sa aking kamao. Kanina pa 'yang si Caleb sumusunod sa akin. Malamang ginagawa niyo ang activity! Tanga lang, Tasha?

Nang makalapit siya sa akin ay tiningnan ko siya nang masama. Natatawa niyang itinaas ang kamay niya. Kanina niya pa kasi ako iniinis magmula nang sabihin ni Ma'am ang activity na gagawin namin.

Dahil naiinis ako sa presensya niya ay tuloy-tuloy lang ang pagkuha ko ng litrato kung nasaan kami ngayon. Ito kasi ang activity na pinagawa ni Ma'am. Kailangan daw naming gumawa ng documentary sa bawat mapupuntahan namin dito at gagawan ng thoughts 'yon. Ako ay marami nang nakuha na litrato pero itong kasama ko ay puro pangiinis lang ang ginagawa. Siya na lang siguro ang papagawain ko ng thoughts sa mga litratong nakuhanan ko.

Pagkatapos kong kumuha ng mahigit sa labing dalawang litrato ay iniwan ko na si Caleb at pumunta kung saan sinabi ni Ma'am na pumunta kami kapag tapos na. As usual ay nakabuntot na naman si Caleb sa akin. Para siyang second version ni Eliot, mas makapal nga lang ang mukha.

"Come on, Maureen, why would you leave me like that?" hinihingal na tanong niya.

"Pake ko ba sayo," maldita kong sabi. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng suot kong pantalon at chineck kung may message na ba si Eliot. "Wala pa?" bulong ko.

"Anong 'wala pa'?" paepal na tanong ni Caleb.

"Si Eliot. Hindi pa nag-te-text. Sabi niya kasi mag-te-text siya, e," sagot ko. Narinig ko ang pagtawa niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Maybe he's having fun with that Clara," komento ni Caleb.

Having fun? Is Eliot really having fun with her? Pero 'di ba ayaw nga niyang makapartner 'yon? Kanina nga nang pinapunta kami ni Ma'am sa kanya-kaniya naming partner ay sobrang haba ng nguso no'n. Kinakabahan ako na baka totoo ngang masaya si Eliot. Pero ano bang paki ko? Mas mabuti nga 'yon para kay Eliot, e.

"Ayos lang 'yon. Magkakaroon siya ng bagong kaibigan," mapakla kong sabi. Ewan pero iniisip ko pa lang na close na si Eliot at Clara ay sumasakit ang dibdib ko.

"Hmm? Hindi naman 'yan ang nakikita ko sa mukha mo," sabi niya pa.

Inirapan ko na lang siya at hindi na pinansin. Tumataas lang ang blood pressure ko sa isang 'to. Mas malala pa kay Eliot, e. Umupo ako sa may malaking bato at saka muling tiningnan kung may text message na ba si Eliot, ngunit wala pa rin. Ano bang nangyayari do'n?

"Hey, you look so bothered," sambit ni Caleb na umupo sa tabi ko.

Hindi ko siya pinansin dahil alam kong kapag bumuka ang bibig ko para sagutin ang sinabi niya, hindi na matatapos ang argumento namin. Dahil wala akong magawa ay binuksan ko ang gallery sa cellphone ko. Chineck ko ang mga kuha kong litrato kung may hindi ba maganda sa paningin ko pra madelete agad. Sayang kasi sa storage.

"What's that?" tanong ni Caleb. Ayaw talagang tumigil ng bibig nito kasasalita.

"The photos I captured earlier," bored kong sagot.

"Let me see." Hinablot niya sa akin ang cellphone ko.

"Hoy, impakto ka, akin na nga 'yan!" naiinis kong sigaw. Umawang ang labi ko nang bigla siyang tumayo at tinaas ang braso kung saan hawak niya ang cellphone ko. Matangkad siya kaya nahihirapan akong abutin 'yon.

"Tasha?"

Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses. Nanlaki ang mata ko nang makitang si Eliot pala 'yon. Nakabusangot ito habang naglalakad papalit sa amin. Kunot na kunot ang noo at pwede nang sabitan ng sandok ang mahabang nguso niya.

The Model's Hidden SonWhere stories live. Discover now