***Nagising ako nang may nagpaligo sa pisngi ko ng halik. Nang imulat ko ang mata ko, sumalubong sa akin ang mukha ni Eliot na nakangiti. Tiningnan ko ang pwesto kung nasaan ang si Rios ngunit wala siya roon.
Nasaan ang anak ko?
"Si Rios?" tanong ko.
"Kumakain," simpleng sagot niya sabay halik sa akin.
"Eliot! Hindi pa ako nakakapag-toothbrush!" reklamo ko habang nakatakip ang kamay sa bibig.
"So? You still smell good." He smiled. Humalik ito muli sa akin saka tuluyang umalis sa ibabaw ko.
Tumayo na ako at agad na tumungo sa c.r para maligo na agad. Lumabas na rin si Eliot ng kwarto. Habang nag-to-toothbrush ako ay biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Eliot kagabi. Napahawak ako sa pisngi kong nagsisimulang mamula. Hindi naman niya gagawin 'yon, 'di ba?
Nang matapos ako sa ginagawa ko sa c.r, lumabas na ako ng kwarto para kumain ng almusal. May pasok kaming dalawa ni Rios ngayon, obviously, ewan ko na lang kay Eliot kung anong ganap sa buhay niya ngayon.
Naabutan ko si Rios na maganang kumakain ng pancake na sa tingin ko ay niluto ni Eliot. Nakabihis na rin ito ng uniform niya. Nang makita ako nito ay tumakbo siya palapit sa akin saka ako niyakap.
"Good Morning!" masiglang bati ng anak ko.
"Good Morning!" bati ko pabalik saka hinalikan ang noo niya.
Bumalik ito agad sa upuan niya. Nang napatingin ako sa lamesa agad na kinain ako ng konsensya nang maalala ang ginawa namin diyan ni Eliot. Ang kawawang lamesa namin!
"Remembering something?"
Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Si Eliot 'yon na kalalabas lang guestroom. Nakangisi siya habang nakatingin sa akin. Lumapit ito sa akin at agad na pinulupot ang braso sa bewang ko.
Kumalat agad sa ilong ko ang amoy niya. Kaliligo niya lang ba? Ang bango niya kasi e, tapos 'yung pabango niya hindi masakit sa ilong. Nakaka-turn on pa nga.
"Bitaw, Eliot, kakain na ako," kunwari ay naiinis kong sabi rito.
Tumawa muna siya bago ako pakawalan. Umupo ako sa tabi ni Rios saka kumuha na rin ng dalawang pancake. Lumingon ako kay Eliot na abala sa paggawa ng kape.
"Mahal, what do you prefer, with milk or without milk?" aniya habang abala sa ginagawa, ngunit hindi ko iyon napagtuonan ng pansin dahil sa tinawag niya sa akin.
Heto na naman ang puso ko sa mabilis nitong pagtibok. It's just a simple endearment! Bakit ganito kung tumibok ang walang hiya kong puso?!
"Tasha?" tawag muli nito sa akin.
"A-Ahm... With milk, please," sabi ko bago kumagat sa pancake. Dahil sa kaba ko ay nakamay ko na 'yon, useless na tuloy ang kutsara.
Matapos ang ilang minuto ay umupo na si Eliot sa harap ko bitbit ang dalawang tasang kape. Inabot niya sa akin ang isa na agad ko namang tinaggap. We ate in silence. Kahit si Rios na madaldal ay tahimik na kumakain dahil iyon ang turo ko sa kaniya.
"We should change this table. What do you think, love?" Eliot suddenly asked.
"W-What? Maayos pa naman 'to, ah?" Sinipat ko ang lamesang kinakainan namin ngayon, and it looks good. Mukha pa ngang bago, tapos papalitan agad?
"Hmm. It's risky, baka habang may ginagawa tayo biglang bumigay 'to," He said, smirking.
Napatigil ako sa pagnguya nang ma-gets ang sinasabi niya. This man! Ano bang nakain nito at kung ano-ano na lang ang lumalabas sa bibig?! Nasa harap lang namin si Rios!
YOU ARE READING
The Model's Hidden Son
RomanceCompleted. I'm giving the full credits to the rightful owner of the picture used as book cover. Date started: 04/18/22 Date ended: 10/23/22