***Five days before Christmas. At these days, dapat ay nasa condo lang si Eliot at nagsusumiksik sa leeg ko. Pero iba ang araw na 'to ngayon. Mas nasubsob sa trabaho si Eliot. Mukhang sinasadya ni Jose na paghiwalayin kaming dalawa ni Eliot. Sa tuwing tatawagan niya kasi si Eliot dahil may kailangan silang pag-usapan sa personal, palagi niyang sinasabi na bawal daw magsama ng kung sino-sino.
Kahit naiinis ako na hindi ako sinasama ni Eliot, iniintindi ko na lang din. Ayoko namang magkaroon ng wrinkles dahil sa kapangitan ng ugali ng Jose na 'yon.
Dahil nga school break na namin, wala akong pinagkaka-abalahan ngayon. Gusto kong lumabas ngunit ayaw ng katawan ko. Alam kong magulo pero ayon ang nararamdaman ko. Hindi ko rin alam sa sarili ko.
Nanonood ako ng TV ngayon pero wala sa TV ang atensyon ko, kundi sa cellphone kong nakalapag sa ibabaw ng coffee table. Halos kaalis lang ni Eliot para makipag-kita sa manager niyang ubod ng sama. Sabi niya magtetext siya kapag nakarating na siya sa restaurant na meeting place raw nila. Malapit lang naman daw 'yon dito kaya hindi ako masyadong nag-aalala.
Ang tanging inaalala ko lang ay, kasama kaya nila 'yung Chantel na 'yon? Okay lang kung kasama nila. Oo, okay lang talaga. Bakit naman ako mago-ovethink? E, ako naman 'yung girlfriend.
Napakurap ako nang biglang mag-ingay ang telepono ko tanda ng may tumatawag. Kung nakakapagsalita lang siguro ang cellphone, nagreklamo na 'to katititig ko.
Dinampot ko 'yon saka tiningnan kung sino ang slap soil na tumatawag. Nagpigil naman ako ng ngiti nang makitang si Eliot 'yon. Sabi niya magte-text siya, bakit tumatawag siya ngayon?
"Hello," pinilit kong gawing normal ang boses ko kahit na gusto kong tumili dahil sa kilig.
[T-Tasha, nasaan ka?] tanong niya.
Agad naman na kumunot ang noo ko. "Sa condo mo, bakit?"
[H-Huwag ka munang lalabas ng condo, ha? H-Hintayin mo lang ako diyan.] sabi niya saka ako binabaan ng tawag.
Nagtataka man ako sa tinuran niya ngunit sumang-ayon na lang ako. Saka, binabaan niya ako ng tawag? Tumawag siya para sabihing huwag muna akong lumabas ng condo, at hindi para sabihing nakarating na siya sa meeting place nila ni Jose. Bumuntong hininga na lang ako saka nilapag muli ang cellphone sa coffee table.
That's weird.
Napabaling ako sa TV nang lumabas ang litrato ni Eliot doon... at ni Chantel. They look good together. Pareho silang nakangiti sa litratong ipinapakita. Naka-akbay pa si Eliot kay Chantel. Ang sarap putulin ng braso ni Eliot.
Kahit naiinis ako sa pinapanood ko ay patuloy ko pa rin 'yong pinanood. Well, simula nang makilala na si Eliot, hindi na ako gaanong nakakapanood ng TV dahil nagiging busy rin ako sa school. Ngayon na lang ulit ako nakapanood, tapos ganito pa ang makikita ko.
Naagaw na naman ng cellphone ko ang atensyon ko. Ang buong akala ko ay si Eliot ang tumatawag ngunit hindi pala. Si Mhaxine. Dinampot ko ang cellphone ko sa ibabaw ng coffee table.
[Girl, napapanood mo ba 'yung balita ngayon?] bungad niya nang masagot ko ang tawag niya.
"Oo," maikling sagot ko.
[Nanggigigil ako sa host ng balita ngayon, beh! Bagay raw sila Eliot at Chantel?! Payag ka no'n?! Ako hindi! May nalalaman pa silang hashtag ChanLiot! Ambantot naman!]
"Sira ka," nasabi ko na lang. Naka-focus lang ang tingin ko sa TV habang pinakikinggan ang bunganga ni Mhaxine.
[Tara beh, sugurin natin 'yung manager niyang bebe mo. Ginigigil ako, e!] Ramdam ko ang gigil sa bawat katagang binigkas niya.

YOU ARE READING
The Model's Hidden Son
RomanceCompleted. I'm giving the full credits to the rightful owner of the picture used as book cover. Date started: 04/18/22 Date ended: 10/23/22