***"You're two weeks pregnant."
Natulos ako sa kinauupuan ko nang madinig ko 'yon mula sa doktor. Kasama ko si Mhaxine ngayon, nakatayo siya sa likod ko habang marahang minamasahe ang dalawa kong balikat.
Bahagya pa ring nakanganga ang bibig ko. Hindi ko alam kung anong dapat gawin. Should I tell it to Eliot? He deserves to know he's gonna be a father, but I can still remember he doesn't want a child.
Paano kung sabihin ko tapos hindi niya tanggapin? Paano kung sabihin niyang ipalaglag ko 'to? Hindi ako makapapayag. Tama si Mhaxine, walang kasalanan ang bata.
"Hush, I'm here for you," malambing na sabi ni Mhaxine. "Doc, mauuna na ho kami."
"Sige. Basta palagi lang nating bantayan si Mommy, ha? Huwag magpapa-stress."
Narito na kami ngayon sa condo. Nakaupo lang ako ngayon dito sa sofa sa may sala dahil lumabas si Mhaxine para bumili ng uulamin namin para sa lunch. Nagsaing na siya bago lumabas para bumili ng ulam. Sabi niya pa ay gulay raw ang bibilhin niya dahil hindi healthy ang sa mga fast food.
Maya-maya lang ay nakarinig na ako ng pagbukas ng pinto. I know that's Mhaxine. Imposible namang si Eliot 'yon dahil paniguradong gagabihin na naman siya sa pag-uwi.
"Nakabili na ako ng ulam!" masiglang sambit ni Mhaxine saka itinaas ang kamay niyang may hawak na supot ng ulam.
Nakita kong dumiretso siya sa kusina. Malamang, alangan namang pumunta siya sa banyo para doon ayusin ang pagkain, 'di ba?
Para malibang ko ang sarili kahit papaano ay tumungo rin ako sa kusina. Nadatnan ko si Mhaxine na inilalagay ang mga binili niyang pagkain sa lalagyan.
"Ay, Madame! Baka gusto niyo po akong tulungan?" sarkastiko niyang sambit nang mapansin ako.
Natatawa akong lumapit sa tabi niya. "Bakit puro gulay?!" reklamo ko nang makita ang mga binili niyang pagkain.
Kumakain naman ako ng gulay noon, anong nangyari at parang nandidiri ako rito ngayon? Isang pinakbet, isang chapsuey, at ampalaya ang binili niya. Parte lang siguro 'to ng pagbubuntis ko? I suddenly remembered the time when I was mixing sundae and ketchup. Kaya pala ganoon na lang ang cravings ko. Akala ko normal cravings lang, pregnancy cravings na pala.
"Aba, umaarte pa ang buntis! Mabuti ito para sa'yo, alangan namang bilhan kita ng noodles," sabi niya saka umirap.
"Nakakasukang tingnan," sambit ko pa.
"Alam mo kung hindi ka lang jondat, binatukan na kita." Aniya saka ako iniwan sa kusina.
Napanguso na lang ako sumunod sa kanya, dala-dala ang isang plato ng kanin. Nang makarating ako sa sala ay naabutan ko si Mhaxine na inaayos ang mga pagkain sa ibabaw ng coffee table. Nakangiti pa ang gaga nang malawak.
"Parang inspired na inspired ka, ah," komento ko bago nilapag ang isang plato ng kanin sa coffee table.
I heard her chuckled. "Kasi... May nakita akong pogi kanina sa binilhan ko ng ulam natin."
Kumunot naman ang noo ko. Pogi? Ibang klase talaga ang babaeng 'to. Kapag nakakakita ng gwapo lumilinaw ang mata, 'pag naman sa school nagrereklamo na hindi niya raw nakikita ang sinusulat ng prof namin sa board.
I sighed.
"Lalim, ah."
"Mhaxine, sa tingin mo ba tatanggapin niya kung sakaling sabihin ko sa kanya na... b-buntis ako?"
"Sabi mo he doesn't want a child? Paano niya matatanggap 'yon? Pero who knows, wala naman sa atin ang desisyon. Nasa bebe mo pa rin."
Napaisip ako. She's right. Hindi ko naman hawak ang utak ni Eliot. He can decide for himself. Kung hindi niya pa gusto ng anak, e di hindi. Wala naman nga talaga akong magagawa doon.

YOU ARE READING
The Model's Hidden Son
RomansaCompleted. I'm giving the full credits to the rightful owner of the picture used as book cover. Date started: 04/18/22 Date ended: 10/23/22