***Ilang linggo na ang nakalilipas at hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa isip ko ang sinabi ni Aling Merling! Ilang linggo na akong puyat dahil sa kakaisip tungkol do'n. Natatakot na tuloy akong bumili ng fish ball sa kanya dahil sa t'wing lalapit pa lang kami ni Eliot sa kanya ay may kakaibang ngiti sa labi niya. Hindi ko alam kung kailangan na ba ni Aling Merling madala sa mental institution.
Sa ilang linggo rin na 'yon ay mas lalo pa akong na-stress kay Eliot. Mas tumitindi kasi ang pagiging isip bata! Sinasabayan pa siya nila Mhaxine at Angel. Hindi ko naman talaga close ang dalawang 'yon pero nang dahil kay Eliot, ka-close ko na. Si Clara naman ay ganoon pa rin. Nakakainis pa rin ang mukha. Hobby na niya yata akong irapan sa t'wing magkikita kami. Si Eliot naman ay tumatawa lang dahil doon dahil sabi niya ay may katapat na raw ang kamalditahan ko.
Ngayon ay narito kaming apat sa canteen dahil lunch break na. Sila Mhaxine at Angel ay palagi nang sumasabay sa amin tuwing break time. Mababait naman sila mga may sira nga lang sa utak. Nangunguna na roon si Eliot na parang bata kung kumilos ngayon. Pinagmamasdan ko lang siya habang nakangiti siyang kumakain. Pinasadahan ko ng tingin ang mga pagkaing binili niya. Isang malaking C2, Yakult, may isang sliced ng cake pa! Hindi ba 'to pinakain ni Tita Josephina?
"Hoy, Tasha, hindi kusang pupunta sa bibig mo 'yang pagkain," puna sa akin ni Mhaxine. Isa pa 'tong matakaw, e. Parang nagpapaligsahan sila sa pagkain. Ang dadaming binili, eh samantalang ako nga ay isang tinapay lang at tubig ang binili ko.
"Naasiwa kasi ako sa mukha niyo," prangkang sabi ko na tinawanan lang nila. Sanay na si Angel at Mhaxine sa ugali kong prangka, pero nung unang araw na nagsabay kaming kumain ay sobra ang gulat nila sa mukha.
"Sus, baka gusto mo lang magpasubo kay Duke? Kanina ka pa nakatingin sa kanya, eh. Duke, subuan mo nga," Angel teased. Ang sarap pagbuhulin ni Angel at Mhaxine. Hindi ko na kinakaya ang pang-aasar ni Eliot dumagdag pa sila.
"May kamay siya," sabi naman ni Eliot saka sumubo ng pagkain niya. Takaw.
"Oo, dalawa nga sila e," sarkastiko kong sabi kaya natawa silang tatlo. Napairap na lang ako at tinuloy na ang pagkain. Ilang minuto na lang ang meron kami para sa lunch break.
Wala kaming klase ng hapon dahil may meeting raw kami. Hindi lang teachers ang magmi-meeting ngayon kundi pati kami. May ia-announce yata ang dean namin. Pagkarating namin sa classroom ay agad naming kinuha ang bag namin. Si Bea ay pinairal ang pagka-strikta kaya ang ilan sa mga maingay kong blockmates ay tahimik. Takot lang nila masigawan ni Bea.
Pagkarating namin sa gymnasium ay as usual, maingay at parang mga langgam ang mga tao. Nang makaupo kami ay ilang minuto pa muna bago mag-salita si dean. Inipon niya muna kasi ang mga estudyante.
"Okay, students, let's be quiet," panimula ni dean. Tumikhim siya bago nagpatuloy magsalita. "This month of August, we will be having our culminating activities such as field trip. I know field trip is kinda childish, but I just want to, uhm, let all of you to enjoy your college days. Alam ko kasi na hindi niyo na mae-enjoy pa ang buhay college dahil magiging busy kayo."
Ang kaninang tahimik na gymnasium ay biglang umingay matapos ang sinabi ni dean. Sigaw nang sigaw ang mga pasaway na lalaki, syempre ay kasama si Eliot doon na may pasuntok-suntok pa sa hangin. Hindi kami magkatabi ngayon dahil iba ang line ng mga lalaki sa mga babae. Ang dalawang katabi ko naman: si Mhaxine at Angel ay naghahampasan sa tuwa.
Pagkatapos ng ilang oras na meeting sa gymnasium ay sa wakas pinauwi na kami. Si Eliot ay parang batang naglalakad with matching talon-talon pa. Kanina pa niya sinasabi na excited na raw siya kahit na ang sabi ni dean kanina ay next week pa raw magaganap ang field trip. Naiiling na lang sa pinaggagawa niya. Paulit-ulit pero isip bata talaga. Kapag isang araw ay nag-matured 'to, magdadasal talaga ako sa lahat ng santo.
YOU ARE READING
The Model's Hidden Son
RomanceCompleted. I'm giving the full credits to the rightful owner of the picture used as book cover. Date started: 04/18/22 Date ended: 10/23/22