29

511 14 0
                                    


***

Katatapos ko lang magluto ng agahan namin nang lumabas si Eliot ng kwarto habang nagbibihis. Naka hubad-baro kasi siyang natulog kagabi. Lumapit siya agad sa akin saka ako dinampian ng halik sa labi.

"Morning, my labidabs," sambit niya na nagpatawa sa akin. Pinulupot niya ang braso niya sa bewang ko na palagi naman niyang ginagawa.

Dalawang linggo na ang nakalipas nang sinabi niya manliligaw raw siya sa akin. Hindi naman na ako umalma noon dahil no choice ako. Kahit sabihin kong huwag na, he will insist.

"Morning. Si Rios?" tanong ko. Inalis ko ang pagkakayakap niya sa akin dahil ilalagay ko ang pagkain sa bagong biling lamesa.

Eliot bought this dining table one week ago. Tinotoo niya talaga na dapat kaming bumili ng panibagong lamesa! Wala akong kaalam-alam nang bilhin niya 'yon, basta paggising ko naroon na 'yan sa kusina at wala na ang lumang dining table. Pero maganda rin naman 'tong nabili niya, pang anim na tao ang kakasya.

"Tulog pa. Bakit ang aga mong nagising? Hindi mo ako ginising," sambit niya. Umupo siya sa isang upuan na kasama sa lamesa nang bilhin niya 'yon.

"Bawal ba? Gusto ko lang magluto," bwelta ko.

Tumawa na lang siya. Sasandok na sana siya ng kanin nang paluin ko ang kamay niya. Rios will get mad at us if we eat without him.

"Gisingin mo muna si Rios," utos ko sa kaniya pero umiling-iling siya. Bumuntong hininga ako saka iniwan siya sa kusina para gisingin si Rios.

Nang makapasok ako sa kwarto, bumungad sa akin ang mahimbing na natutulog na si Rios. Yakap niya pa ang unan ko habang ang hita niya nakadantay sa isa pang unan.

Lumapit ako sa kama saka marahang umupo. Hinaplos ko ang buhok ni Rios bago magsalita. Agad siya nagising nang banggitin ko agad ang pangalan niya. Pipikit-pikit pa nga siya pero pinilit niyang umupo.

"Morning, Moma..." sambit ng anak ko sa inaantok na boses.

"Good morning, come let's eat. May pasok pa tayo, remember?"

Huling pasok na namin 'to ngayong buwan dahil nag-request ako ng leave sa school, at mabuti na lang na pumayag sila. Akala ko nga mahihirapan ako dahil hindi pa naman tapos ang klase. We will go to boracay for one week.

Nang makalabas kami ng kwarto, nadatnan namin ni Rios ang ama niya na abala sa pagpapak ng bacon. Tumikhim ako para maagaw ang atensyon niya. Gulat siyang tumingin sa amin habang tinawanan siya ng kanyang anak.

"Masarap ba?" sarkastiko kong tanong.

"Sorry... Gutom lang," he said, pouting.

"You're a pussy, Dada!"

Nanlaki ang mata namin ni Eliot sa sinabi ni Rios. Tumatawa pa siya habang sinasambit ang salitang 'yon. Kanino niya natutunan iyon?!

"Anak! Where did you learned that?!" gulat na gulat kong tanong.

Nagkibit balikat siya. "I heard Tita Mhaxine calling Tito Caleb that."

Napasapo na lang ako sa noo. Pinaupo ko na si Rios saka ako bumalik sa pantry para kumuha ng kape at gatas. Habang nagtitimpla ako ng kape, naghaharutan naman sila Eliot at Rios.

Napapangiti na lang ako sa twing maririnig ko ang hagikgik ni Rios. He never laugh like that before. Maybe we played, but he never laugh like that to me. Having a father really hits different.

While I'm stirring the coffee I made, the doorbell rang. Eliot stood up to open the door and Rios followed him. Rios became papa's boy. Nang makabalik na sila Rios at Eliot, kasama na nila si Caleb at Mhaxine.

The Model's Hidden SonWhere stories live. Discover now