24

566 14 0
                                        


***

"Happy 5th birthday, Alrios!"

Maganang hinipan ng anak ko ang kandila na nasa spengebob themed cake niya. Halos lahat kami rito sa bahay ay nakasuot ng costume na nasa spongebob.

Of course, my son claimed he's spongebob. At ang Patrick niya ay si Fabio since wala si Papa dahil nasa business meeting na naman ito.

Napangiti ako nang isa-isang yakapin ni Rios ang mga bisita namin dito. Though, hindi naman talaga party ang nagaganap ngayon pero nakikita kong sobrang saya ng anak ko. And that's so fulfilling.

Nang si Mhaxine na ang yayakapin ni Rios ay napangiti ako. They're really close now. They are like best friends na mayroon pang handshake bago magyakapan. My son's eyes widened when his Tita Mhaxine showed him her gift. Umiling-iling na lang ako.

"Moma!" my son exclaimed when he turned to me. Nakahanda na ang dalawang braso nito para yakapin ako.

I smiled as I hugged him. "Happiest birthday my little boy."

Humiwalay sa akin ang anak ko at sinimangutan ako. I laughed because I know what's the reason behind his face.

"Moma, I told you! I'm not little anymore!" reklamo niya kaya natawa kaming lahat.

"But you are my little boy," I said, smiling. I caressed his hair and kissed his forehead.

Parang noon lang napakasakit niya pa sa ulo at bulol bulol pa, pero ngayon may mga nabubuo na rin naman siyang salita. Of course he's five already, silly me.

"Moma, where's my gift?" tanong niya at inilahad pa ang kamay.

Ngumiti ako bago ginulo ang naka-gel niyang buhok. Pakana ito ni Fabio. Ang daming tinuturong kalokohan sa anak ko!

"I will give it you later, is that okay?" I asked him. Tumango ito kaya napangiti ako.

Gusto kong ibigay ang regalo ko sa kanya na kaming dalawa lang. Matagal ko ring pinag-isipan kung iyon ba dapat ang iregalo ko sa kanya.

"Let's eat!" sigaw ko kaya nagkanya-kanya na kaming upo.

Rios sat beside me because I will put food in his plate. Gusto niyang ako lang ang naglalagay ng pagkain sa plato niya.

"Ubusin mo 'yan, ha?" sambit ko bago kumuha ng pagkain na para sa akin.

Masaya lang kami habang kumakain. Naka-video call na rin namin si Papa at nangako na naman siya sa anak ko na sa pag-uwi niya, marami na naman siyang dalang laruan. Hindi na lang ako umangal doon dahil alam kong pagsasawaan din ni Rios iyon at kukulitin akong i-donate na 'yon sa mga bata sa lansangan o sa orphanage.

"Moma, where's my gift now?"

Pang-ilang tanong na iyan ni Rios magbuhat nang maka-akyat na kami rito sa kwarto. Hindi na kami rito nakatira sa bahay ni Papa dahil ginusto kong lumipat sa condo. Gabi na kaya dito muna kami matutulog dalawa.

Nuong una ay tutol si Papa dahil malaki naman daw itong bahay kaya bakit pa ako lilipat. Mas pinili ko talaga na bumukod na muna dahil isa na akong guro ngayon, at ang paaralan kung saan ako nagta-trabaho ay malapit sa condo kung saan kami nakatira ngayon. Ang paaralan na rin na iyon ang pinapasukan ni Rios kaya hindi mahirap para sa akin ang pagsabayin ang trabaho at pagiging Ina.

I know Rios is still young to go in a school, but he insisted it. Nasa kinder pa lang namn siya kaya hindi ako nag-alangan nang sinabi niya sa akin na he wants to go to school already.

"Moma, my gift!" sigaw ng anak ko.
Masyado bang malalim ang iniisip ko para makalimutan na narito ang makulit na 'to?

"Can you wait a little more, baby?" marahan kong tanong. Napangiti ako nang tumango ito at umupo sa kama.

The Model's Hidden SonWhere stories live. Discover now