13

413 18 0
                                        


***

"Alam niyo, dapat i-celebrate na natin talaga 'to e!"

Natawa kaming apat sa sinabi ni Mhaxine. Nakatutok ito sa cellphone niya habang tinititigan ang litrato ni Eliot na kapo-post lang dalawang oras na ang nakakaraan. Sabado ngayon pero magkakasama kami dahil may gagawin kaming project, pero mukha hindi 'yon magagawa ngayon dahil paniguradong mangungulit si Mhaxine na i-celebrate namin ang tagumpay na unti-unting nakakamit ng kaibigan ko.

Masaya ako para kay Eliot sa t'wing iisipin kong paunti-unti nang natutupad ang pangarap niya. Kung noon ay ako ang dahilan kung bakit hindi niya tinuloy 'to, ngayon ako pa rin ang dahilan kung bakit niya tinuloy! Kinuha ko kay Mhaxine ang cellphone niya para tingnan ang litrato ni Eliot. Napangiti ako nang makitang dagsa ang reacts at comments ito. Puro good comments ang nababasa ko. Tila walang kahit isang masamang komento tungkol kay Eliot.

Nawala ang ngiti ko nang makita ang comment ng isang babae. Maraming react at reply sa comment na 'yon.

Caristella Marinduque
Ang pogi ni kyah!!! May girlfriend na kaya siya? Omg, sana wala!!!

Anong "sana wala" meron 'yang girlfriend! Gusto ko sanang i-reply 'yon sa comment niya pero baka ako naman ang dagsain ng mga nagkaka-crush na kay Eliot. Mukhang mali na pinilit ko siyang i-pursue ang pangarap niya a.

"Selos yarn?" mahinang bulong ni Caleb. Narito si Angel at Eliot kaya hindi niya pwedeng lakasan ang boses niya. Subukan niya lang.

"Hindi, bakit ako magseselos?" matigas na sambit ko. Natawa siya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ows? Tagal mo nang tinatago ang feelings mo, ah? Tibay!" nangaasar na sambit niya pero pabulong pa rin kaming nag-uusap.

Umirap na lang ako. Ayokong masira ang mood ko dahil dito kay Caleb. Tumingin ako sa tatlong masayang nagk-kwentuhan. Pinag-uusapan nila 'yung behind the scene kuno ng shoot. Syempre, si Eliot sinama pa 'yung kunyaring pagiging P.A ko kaya todo tawa silang tatlo. Hindi ko magawang maki-tawa sa kanila dahil nag-iisip ako kung dapat nga ba kaming mag-celebrate. Hinampas ko ang lamesa kaya napatahimik sila. Pare-pareho silang nakakunot ang noo sa akin.

"Alright, we're going to celebrate Eliot's achievement..." Panimula ko. Nagsimula silang mag-ingay ngunit natigilan 'yon nang mag-salita ulit ako. "But, unahin muna natin ang project, okay?" sambit ko saka kinuha ang papel na gagamitin ko bilang scratch paper.

"Kayo lang. Hindi niyo na ako blockmates." Sambit ni Caleb na nagpatawa sa amin.

Nagsipag-reklamo sila Mhaxine at Angel pero ginawa pa rin naman ang sinabi ko na tapusin muna ang project. Tahimik lang kaming lima habang may kaniya-kaniyang ginagawa. Mabuti na lang at may silbi ang grupo ko. Si Caleb kaya 'yan narito ay saling pusa lang talaga siya pero may ginagawa rin naman siya na related sa kinuha niyang course.

Tahimik akong nagsusulat nang biglang dumaan sa ala-ala ko ang nangyari nung nakaraang gabi. Akala ko ay tuluyan ko nang makakalimutan 'yon pero hindi pa pala. Mabuti nga at bago kami madatnan nila Tita Josephina ay naka-alis ako sa pagkakayakap ni Eliot. Ilang araw na ang nagdaan ngunit sariwa pa rin ang ala-alang 'yon. 'Yong init ng hininga ni Eliot na tumama sa leeg ko habang nakasiksik siya sa leeg ko, 'yung yakap niya sa akin. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o ano.

Matapos ang ilang oras ay natapos na rin namin sa wakas ang proyekto namin. Nag-uunat na lang kami ngayon ng katawan dahil ilang oras din kaming naka-upo. Malapit nang magpakita ang dilim kaya hindi ko alam kung makakapag-celebrate pa kami ngayon. Siguro bukas na lang? Papayag naman siguro sila saka alam kong pagod sila kaya mas mabuti na mag-pahinga na sila. Sakit sa ulo rin ang pag-aaral.

The Model's Hidden SonWhere stories live. Discover now