Trouble 5

255 14 0
                                    

"Okay ka na?"

Isang mabagal na pagtango ang itinugon ni Heveil sa tanong kong iyon. Nasa West Hideout kami at nagtipon-tipon para sa isang pagpupulong. May nanggugulo kasi sa East Area na pinamumunuan ni Heveil at namomroblema ang gaga. Nalusutan naman niya naman ang iba, puwera na lang sa ngayon.

Napailing ako nang makita ang hitsura niya. May pasa siya sa labi at namumula ang ilong niya. Tumalon ba naman mula sa second floor pababa sa garden. Nang bumagsak daw siya ay nawalan ng balanse kaya nakipaghalikan siya sa bermuda grass. Nakalimutan na yata ang wastong pagbabalanse.

Tinanong ko siya kung bakit siya umuwi sa kanila at hindi na dumiretso rito. Ang sagot naman niya ay tumawag daw ang ama niya. Ang uto-uto naman ay umuwi agad. 'Yon at ikinulong sa loob kwarto niya at pinagbawalan din daw siyang lumabas. May bodyguard pang nakabuntot sa kaniya.

Kaya naman pala wala siya kanina no'ng dumating ako galing sa amin. Speaking of amin, iniwan ko na sa amin si Klein. Wala pa rin kasi si Lajin at mukhang tuluyan na siyang nalunod sa inidoro. Binalaan ko pa nga ang inosenteng lampa na kapag may nawalang gamit sa bahay namin, siya ang ididiin ko. Pero siyempre, biro ko lang iyon. Pero natakot ang elemento at nanatili sa living room. Mukhang hinihintay niya pa rin si Lajin.

Naibalik ko ang aking atensyon kay Heveil nang umiling ito. May hawak itong yelo na nakabalot ng tela at nakadikit iyon sa gilid ng labi nito. Nakasandal din ito sa sandalan at nakapikit ang mga mata. Napairap na lang ako at pinagkrus ang aking braso.

"So ano'ng gagawin namin sa grupo ni'yo?" tanong ko sa kaniya.

Gang? Nope. Gusto lang naming magpatumba ng mga nilalang na kung umasta ay parang pag-aari nila ang mundo. Mga mayayabang na nilalang na para bang dapat silang katakutan ng lahat. Nakatatakot naman talaga. . . ang mukha nila.

Hindi pinansin ni Heveil ang tanong kong iyon. Nagmulat siya ng mga mata at nagreklamo na naman.

"Lintek na BG kasi iyon, e!" himutok niya.

"BG?" sabat ng lalaking nasa kabilang upuan.

Napatingin ako kay Zyro. Pareho sila ni Heveil ng ginagawa. May nakadikit din kasing yelo na binalot ng tela sa panga niya. Nang dumating kasi ako kanina ay sinapak ko siya sa panga niya. Walang hiya kasi ang engkantong ito. Hinalikan ba naman ako sa pisngi ko. 'Yan na ang resulta ng kagaguhan niya.

"Bodyguard!" pasigaw na sagot ni Heveil. "Ano ba, Vergara?! Kahapon ka lang ba ipinanganak?!"

Nagkibit-balikat ang huli. "Malay ko ba sa BG? BJ lang ang alam ko."

Inirapan siya ni Heveil. "H'wag ngayon, Vergara. Ikaw talaga itutumba ko, makikita mo."

Napapansin ko lang lately na napapadalas ang bangayan nila. Masyadong mainit ang dugo ni Heveil kay Zyro. Ship ko kaya ang dalawang 'to? Pero h'wag na, baka sumabog ang dalawa. Heveil is like a ticking bomb, si Zyro naman ay isang nilalang na kinaiinisan ng ticking bomb. Everytime na magkikita sila, sasabog ang dalawa.

"So hadlang ang bodyguard mo?" sabat ko. Baka mamaya kasi ay sasabog na ang kwartong kinaroroonan namin. Matusta pa kami nang wala sa oras.

Heveil nodded. "Oo! Ang cute kasi ni Daddy, e. Bakit nag-hire pa siya ng bodyguard? Like duh? Kaya ko kayang bantayan ang sarili ko!"

"Okay na 'yan," komento ko. "At least nakatakas ka."

"Ah, I'm not sure. Kanina ay may sumusunod sa aking kotse, pero okay na. Okay naman na ako. Pasa lang ito sa labi. Pero tangina ang sakit pala!"

Napangiwi ako. "Bakit ka kasi tumalon? Puwede namang lubid ang gamitin mo pababa."

"E sa nagulat ako! 'Yon at tumalon na lang ako!"

Guarding Thy Innocence ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon