Trouble 34

127 6 0
                                    

Nagising ang diwa ko nang makarinig ng mahihinang katok sa pinto. Iminulat ko ang isa kong mata habang ang isa ay nakapikit pa rin. Ang lambot ng kinaroroonan ko. Ang bango pa. Lalaking-lalaki ang dating, pero hindi masakit sa ilong ang scent.

Nang makarinig ulit ako ng mahihinang katok ay tamad akong nagpalit ng posisyon. Kung kanina ay nakatagilid ako, ngayon naman ay nakatihaya na. Nakapikit na ang dalawa kong mga mata at hinayaan na muli akong lamunin ng kadiliman.

Gusto ko pang matulog, pero masyadong makulit ang taong nasa labas kaya napilitan akong bumangon upang buksan ang pinto. Nang buksan ko na ang pinto ay nakita ko ang katulong namin. Tumango ako sa kaniya bilang pagbati.

“Good morning po. Nasa baba po ang parents ninyo, Ma'am Ayell. Hinihintay ka po nila,” ani nito at bahagyang yumuko bago umalis. Tumango ako ulit kahit alam kong nakaalis na siya. Isinara ko ang pinto at bumalik sa kama. Muli akong humiga, nakadapa na ako sa pagkakataong iyon.

Hinila ko ang malaki at malambot na unan na kulay abo at inilagay iyon sa may bandang tiyan ko. After that, darkness ate my whole system.

Nagising akong muli sa hindi malamang dahilan. Nang imulat ko ang mga mata ko ay bumungad sa akin ang kulay abong kisame. Napagtanto kong nasa kwarto pala ako ni Kuya. Saan naman kaya natulog ang isang iyon kung nandito ako?

Napakamot ako sa kilay ko nang makaramdam ng matinding pagkagutom. Anong oras na ba at kumakalam na ang sikmura ko? Nang tumingin ako sa pader kung saan nakasabit ang kulay abong orasan ay nanlaki ang mga mata ko nang malamang ala una na pala ng hapon!

Dali-dali akong bumaba mula sa kulay abong kama at inayos iyon. Inilagay ko ang dalawang malambot na kulay abong unan sa uluhan at ang kulay abong kumot naman ay itinupi ko na at inilagay sa sentro ng kama. Pagkatapos ay dali-dali akong pumasok sa loob ng banyo ni Kuya at naghanap ng unused toothbrush at nagsipilyo agad.

Naghilamos ako at ginamit ang puting tuwalya na nakasabit sa gilid bilang pamunas sa mukha ko. Yumuko ako para ayusin ang magulo kong buhok. Ginamit ko ang garter na nasa gilid bilang panali sa buhok ko. Pagkatapos ay lumabas na ako ng banyo at lalabas na sana nang makarinig ako ng mahinang katok at kasunod niyon ay ang boses ng kasambahay namin.

“Ma'am Ayell, bumaba na raw ho kayo at kumain na.” Narinig kong saad niya mula sa likod ng pinto. Tumango ako kahit alam kong hindi niya iyon malalaman.

Bumuntong hininga ako at tumingin sa kama. Parang ang sarap pang matulog, pero nagugutom na ako. Nagdadalawang isip tuloy ako kung bababa ba ako at kakain o mananatili na lang dito at hihiga na lang dito buong araw. Napabuntong hininga ako. Sa huli ay inutusan ko na lang ang kasambahay namin na dalhan ako ng makakain ko.

Naupo ako sa harapan ng study table ni Kuya. May mga folder na kulay itim ang nandoon. Maayos na nakahanay ang mga kagamitan niya. Ang linis niya talaga. Napalingon ako sa pinto nang marinig kong may kumatok doon. Tumayo ako at binuksan ang pinto. Kinuha ko ang dalang food tray ng kasambahay namin. Ngumiti ako at nagpasalamat sa kaniya.

Isinara ko ang pinto gamit ang paa ko. Nang masara na ay pumunta ako sa bakanteng mesa at inilapag doon ang tray. Hindi ko alam kung ano ang pangalan ng pagkaing inihatid sa akin ng kasambahay, pero sa tingin ko ay Spanish dishes ito. Si Kuya siguro ang nagpaluto since siya lang ang mahilig sa mga pagkaing Spanish.

Nang matapos akong kumain ay inilagay ko sa tabi ang pinagkainan ko. Maya-maya lang ay umakyat na 'yong naghatid sa akin ng pagkain at kinuha ang food tray. Tinanong niya ako kung may gusto pa ba ako. Umiling lang ako sa kaniya. She took that chance to exit the room. When she was gone, I sighed again.

Sumampa ako sa kama at gumapang palapit sa headboard. Nang makalapit ako ay sumandal ako roon. Parang mas gusto kong matulog dito sa kama ni Kuya. Ang bango kasi at ang lambot-lambot pa.

Guarding Thy Innocence ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon