Trouble 30

151 7 0
                                    

“Kuya! Ano'ng nangyayari?”

Hinawakan ni Lajin ang dalawa kong kamay na parang gusto niyang pakalmahin ako. Pero hindi ko kayang umupo lang at walang nalalaman kung ano na ang nangyayari sa paligid. Alam kong hanggang ngayon ay may mga nilalang pa ring naiinggit sa amin kaya hindi ko kayang manahimik na lang. I've never encountered this kind of scene in my entire life until this happened.

Hindi umimik si Kuya at nanatili lang sa kinatatayuan niya. Nakasandal siya sa puting pader at may hawak na walkie talkie. Shit, kailan lang niya hawak iyon?

“I need answers, Kuya!” sigaw ko nang tila wala man lang siyang narinig sa akin.

Si Lajin naman ay pahigpit na nang pahigpit ang hawak sa akin. Halata rin sa kaniya na maging siya ay naguguluhan pero mas pinili niyang hindi na magtanong. Pero magpinsan lang kami at hindi magka-ugali kaya kabaliktaran sa ginawa niya ang ginawa ko.

Nasa loob kami ng private office ni Papa. Dito kami dinala ni Kuya. Maya-maya lang ay bumukas ang pinto at iniluwa n'on si Mama na may nag-aalalang mukha. Lumapit siya sa amin ni Lajin at hinawakan ang kanang kamay namin.

“Mama, what's happening? Ayos ka lang ba?” Kumunot ang noo ko nang mapansing wala si Papa sa tabi niya. “Wait, where is Papa? Nasa labas po ba siya?”

Tumango siya at ngumiti sa akin. “He's okay, sweetie. May inaasikaso lang siya sa labas.”

Nanlaki ang mga mata ko. “Inaasikaso? Ano naman? And we heard gunshots earlier, Mama! Baka mapaano si Papa sa labas!”

She squeezed my hand gently and flashed an assuring smile. “Trust me, sweetheart. He's okay and he's just making some calls. You have nothing to worry.”

Nasapo ko ang aking noo gamit ang aking kaliwang kamay. What the hell is happening? Parang dati ay hanggang media lang. Bakit ngayon ay may putukan na? Oh my gosh, I cannot take this.

Mama stayed with us for a minute. Nang pumasok si Papa sa loob ay dali-dali ko siyang nilapitan at tiningnan kong may tama ba siya. Nang masigurong wala ay nakahinga ako nang maluwag. Yumakap ako sa kaniya at naramdaman kong yumakap siya pabalik sa akin.

“Papa, ano po 'yon? Bakit po may putok ng baril kanina?” nag-aalalang tanong ko.

Tipid siyang ngumiti. “That was just nothing, Ayell.”

“Nothing? Paano kung may napahamak?”

“Walang napahamak.” Mula sa bulsa niya ay may kinuha siyang cellphone. May pinindot siya roon at nang sumagot ang tinatawagan niya ay nauna na siyang magsalita. “Secure the whole house.”

I hugged him tighter. Naibaba niya ang hawak niyang cellphone.

“'Pa, what's really happening? Dahil ba ito sa pagiging sakit ko sa ulo? Am I taking my surname too much?” I was surprised when my voice cracked all of sudden. Siguro ay iyon talaga ang nararamdaman ko. Maybe I was acting like a tough girl outside, but I am still weak and fragile inside.

Papa's embrace tightened, too. “Oh, Ayell. It wasn't your fault.”

He cupped my face and for the first time in my life, I saw those looks through his green eyes. Those looks that's assuring me that everything will be fine because he's there to protect me. Papa and I aren't close like he and Kuya. But he never failed to make me feel that I am his one and only princess, the one he loves.

“Calm down, Ayell.” He patted me. “Papa is here. You'll be alright. Everything will be alright. We will protect you no matter what.”

Naguluhan man sa sinabi niya ay pinili ko na lamang na lumayo mula sa pagkayakap sa kaniya at naupo na lang sa isang upuan na nandoon. Saglit na nag-usap sina Papa at Kuya. Si Mama naman ay nakipag-usap din sa amin ni Lajin. Tinanong niya ang pinsan ko kung puwede ba siyang tumulong sa paghahanda sa nalalapit na kasal.

Guarding Thy Innocence ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon