Trouble 26

148 6 2
                                    

"I haven't seen Lavinson for a while. What happened?"

Napatingin ako sa babaeng may suot na pulang satin gown na may mahabang slit sa gilid ng binti. She looked pretty wasted pero maganda pa rin naman.

Nabalitaan kong pinalayas siya ng Daddy niya dahil ginalit niya ito. Hindi ko alam kung ano ang ikinagagalit ng Daddy niya. But I talked to my Papa and told him that he maybe should pay a visit sa Daddy ni Heveil at mukhang naging loner ang isang iyon kaya palaging nagagalit.

"Love happened, it intervened." I drank straight to the bottle, not minding the sharp stares the other woman gave to me.

Nang inilapag ko ang bote sa lamesa ay doon na naisipan ng babaeng nakangisi na makisali sa pinag-uusapan namin.

"You ate your words?" She grinned more. "Busog na busog ka naman?"

Umirap ako. Ang lakas talaga mang-asar ng isang ito. Nakawala lang sa hawla, ganito na.

Heveil's eyes widened. "If you fell in love with him, that only means that. . ."

I nodded at her. "Yes, I did broke my promise. And that's my first time breaking one."

Malakas na humalakhak ang gaga. Tuwang-tuwa siya sa nalaman niya. I can't help, but to roll my eyes again. Why am I friends with these two again? Thanks God at wala rito si Zyro. Mukhang may ibang inaasikaso ang friend-zoned na iyon.

I heard V's laughter, too. Tuwang-tuwa talaga sila.

"Then you're not the Ayell we used to bond with," pang-aasar pa niya.

I just rolled my eyes again.

"So what's your plan now?" Heveil asked.

Napabuntong-hininga ako nang maalala ang nangyari a week ago. "Lajin saw us."

Heveil frowned. "You're so heartless. You should've called me that time! I could've been have it all filmed!"

I glared at her. "Tangina ka talaga, ano?"

Again, she laughed like a maniac. "I was just kidding. Pero ang interesting ng kuwento ni'yo. Dalawang pinsan, hindi na bati nang dahil lamang sa isang lalaki!"

I glared at her again, pero hindi siya natinag. She just grinned at me, raising her bottle of beer. I sighed.

"So what's your plan?" It was V's turn to ask.

Napabuntong-hininga ako. "I'll stay away from him."

"Dapat lang! We don't know what will happen next."

"A Ravenna never gives up on something if they badly want it." Heveil gently shook her bottle of beer, probably playing with the liquid inside. "Just like your Dad to your Mom. Kahit nagkanda-leche-leche na ang lahat, hala, go pa rin nang go si Tito-Ninong Cleon."

Sumimangot ako. "I don't want Klein."

They smirked at me. "Saka mo na 'yan sabihin kapag nasa seventy ka na. H'wag na h'wag kang magsalita ng patapos, Ravenna."

"I am sure of that."

They both shook their head in disapproval. "Kami pa talaga ang lolokohin mo."

Sumandal ako sa sandalan. Ang hirap sa dalawang ito ay ang kumbinsihin sila. Mahirap talaga silang kumbinsihin. I remembered back then na nag-di-discuss ang History teacher namin noong high school pa kami. The teacher mentioned na ang pinakamagandang lugar sa buong bansa ay ang Museum. Kasi raw naroon ang magagandang bagay na pinaglumaan na ng panahon.

But the girls were hard to convince to the point na umabot pa talaga sila sa National Museum para lang masiguro kung totoo ba talagang mga luma na ang mga gamit doon at hindi pinalitan at pinagmukhang luma na.

Guarding Thy Innocence ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon