Trouble 33

131 6 0
                                    

Malakas na halakhak ang umalingawngaw sa loob ng kwartong kinaroroonan ko. Nakangiwi kong nilapitan ang babaeng kung tumawa ay parang clown na malapit nang ipasok sa isang mental hospital dahil nasisiraan na ng bait. Kinuha ko ang nakarolyong tissue paper at ibinato iyon sa kaniya.

Sa wakas ay natigil na rin sa pagtawa si Heveil. Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya upang pigilan ang sarili niyang pagtawanang muli ako. Tumingin siya sa isa pa naming kaibigan na si V na nakatayo at nakasandal sa puting pader. Pinapalabas na naman niya ang signature smirk niya.

“Oh, Ayell!” Heveil shook her head. “Tell me something I don't know.”

Nanlaki ang mga mata ko. Halos liparin ko ang distansya namin para lang mahawakan siya sa balikat niya. Ikinuwento ko kasi sa kaniya ang lahat ng nangyari last week. Yes. It's been a week since the revelation and confrontation scene happened. And miraculously, hindi naki-epal ang mga goon.

Nang makauwi ako sa amin, pinalipas ko lang ang ilang araw at agad kong tinawagan ang mga kaibigan ko. I told them to come in our house. They went with their bodyguards. Si V kasama ang kaniyang asawa at si Heveil naman kasama ang kaniyang tila batong bodyguard.

Nang ikuwento ko ang tungkol sa aming pamilya ay gano'n na lamang ang pagkagulat ko nang wala man lang akong nakuhang gulat na reaksyon mula sa kanila.

“You know it yet you hide it from me?!” Halos kumandong na ako sa kaniya. Umiwas ng tingin si Heveil at pinunasan ang pisngi niya. Nang muli siyang tumingin sa akin ay nakangiwi na siya.

“Tangina, laway mo, hoy!” Maya-maya lang ay nakangisi siyang tumango. “Of course! Oh my God, you badly need some butt spanks from your gorgeous lover in order to get your mind—”

“Heveil!” pagputol ko sa ano pa mang sasabihin niya. Nababaliw na naman siya!

Maya-maya lang ay natanggal ang ngisi niya at sumeryoso ang mukha. “Stop acting like you're clueless—”

“I was clueless!” I cut her off.

She lazily nodded at me. “Yeah, convince me.”

Nasapo ko ang aking noo at napaupo sa sofa na nasa likuran ko. Muli kong narinig ang malakas na pagtawa niya. Tuwang-tuwa siya sa nangyayari. Ako naman ay hindi. Hindi ako natutuwa sa mga nangyayari. Paanong alam niya ang tungkol sa amin at ako hindi?

“Right when you were attacked by a certain Jones, we suspected already that it's something we shouldn't let pass. That's when we dig deeper. Nakausap nga namin ang lolo mo. Shocks, intimidating niya,” she told me and few seconds later, her shoulder shook. Don't tell me she shivered at that thought?

“Teka, nakausap mo si Lolo?” I repeated. She nodded at me.

“Through video call lang. Alam niya kung sino kami kaya naman ay ikinuwento niya sa amin ang kalahati.” She shook her head and laughed softly. May naalala yatang katatawanan kaya natawa. “Ang kalahati naman ay hinayaan niyang kami na mismo ang umalam. Grabe ang lolo mo, mahilig pala sa guessing game.”

I miss Lolo. How I wish this will end immediately so that I could talk to him and ask him about everything. Nakapag-usap naman kami ng pamilya namin, pero gusto ko pa ring manggaling mismo sa bibig ni Lolo.

Napatingin ako sa pinto nang marinig kong may kumatok doon.

“Sino 'yan?” tanong ko.

Si V ang nagbukas at nakipag-usap sa kung sino man ang dumating. Hindi ko makita kung sino ang kausap niya ngunit base sa boses ay masasabi kong kausap niya ang nakatatanda kong kapatid. Maya-maya lang ay nakita kong isinara na ni V ang pinto at tumingin sa akin.

Guarding Thy Innocence ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon