Trouble 9

170 14 0
                                    

"Nanonood ka pala ng All of Us are Dead?"

Umirap ako sa tanong ng inosenteng lampang ito. Obvious na obvious na nga, tinanong pa ako. Mga utak talaga ng mga inosenteng lampa.

"Ay, hindi. Kinakanta ko," sarkastikong sagot ko sa kaniya.

It's been a week since Lajin left the town. And yeah, isang linggo ko na ring binabantayan ang inosenteng lampa. One week na akong nakipag-deal sa kabobohan at kalampaan niya. Well, medyo hindi naman ako namomroblema sa kaniya. Para kasing hindi siya interesado sa ibang babae. Mukhang si Lajin pa rin ang mahal ng lampa. Loyal na loyal, ayaw tumingin sa ibang babae which is a good thing naman.

Napabuntong hininga ako nang maalalang no'ng nakaraang Martes ay tinawagan ako ng manager ng Tempt Bar. Ipinaalam sa akin na nando'n daw ang lalaking kasama ko noon at lasing na lasing. Wala akong ideya kung sino ang tinutukoy niya, pero nang binanggit ng manager kung ano ang hitsura ng tinutukoy niya ay halos lumipad ako papunta roon.

Pagkarating doon ay nadatnan ko ang inosenteng lampa. Nakadikit na sa lamesa ang mukha niya at tabingi na ang kaniyang eyeglasses. Natutong magpakalasing ang elemento. Nang iuuwi ko na sana siya ay sumigaw pa siya ng, "I want Lajin Ravenna back!"

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa gabing iyon. Maaawa ba ako kasi he looked so devastated or maiinis dahil sumuka ang walanghiya sa paborito kong jacket?

Muli akong napabuntong hininga. Mukhang hindi niya naman uulitin pa ang paglalasing niya sa isang bar dahil dinalhan ko siya ng isang karton ng canned beer at sinabi kong kung may balak siyang maglasing, sa loob na lang ng condo niya gawin at nang walang magiging problema.

Humingi pa siya ng tawad sa akin. Nasaktan daw talaga siya kaya naisipan niyang maglasing. Saka hindi naman daw siya ang may pakana n'on, 'yong pinsan daw niya. Sinabi raw kasi nito na ang tanging paraan para mawala ang problema ay uminom ng alak. At siya namang si Uto-Uto, sumunod.

Naghanap ako ng mga ebidensya sa suot niya. Baka kasi ay may naiwan pang kiss marks sa leeg niya or sa batok niya o sa kung saan. Wala naman akong nakita sa kaniya. Behave lang talaga ang lampa habang naglalasing. Pero hindi natin masasabi. Baka mamaya lang ay nasa tabi-tabi lang ang babae nito at eeksena lang kapag wala ako sa tabi ng inosenteng lampa.

May maipagmayabang na mukha ang inosenteng lampa kaya hindi na ako magtataka kung madadatnan ko siyang may babae sa kandungan niya. Baka nasa loob lang ang kulo ng elementong ito kaya mas mabuti na kung advance.

“Talaga? P-Puwede pala 'yon?”

Napapikit ako sa tanong niyang iyon. Ah, namomroblema pa rin pala ako sa kaniya. Numero uno kong pinoproblema ang mga bagay na tinatanong niya kahit alam na niya ang sagot. Ang sarap niya lang sapakin.

"Naks, ang shunga mo naman," komento ko. Napayuko naman siya. Umirap ako at pinagkrus ang aking braso. "Nakita mo na ngang nanonood ako tapos itatanong mo pa? Bulag ka ba?"

Inayos niya ang salamin niya gamit ang dalawang mahabang daliri. "Naniniguro lang naman—"

"At hindi ka pa sigurado sa lagay na 'yan?"

Kinamot niya ang kilay niya at nahihiyang ngumiti. "H-Hindi pa siguro?"

Pumikit ako at pilit na pinakalma ang sarili ko. Bibigwasan ko na talaga ito! Bumuntong hininga ako at tiningnan siya nang matalim. Nakangiti pa rin siya sa akin ngayon. Inirapan ko na lang siya at sumandal na lang sa sandalan. Geez! Tatanda ako nang maaga nito, e!

The days passed and passed and the following days were unpredictable. Minsan ay magkasundo kami, pero madalas kaming mag-away. Oh, well, hindi naman kami nag-aaway na nagsasapakan na talaga kami. Ako lang talaga ang mahilig na mang-away sa kaniya. Sa tuwing inaaway ko siya ay tahimik lang siya sa tabi at kinakamot ang kilay o 'di kaya'y ang sentido niya.

Guarding Thy Innocence ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon