Trouble 24

136 7 0
                                    

"What's wrong? You were silent the whole scene."

Kulang na lang ay kumuha ako ng takip ng rice cooker at ibato iyon kay Kuya. Paano ba naman kasi, magtatanong na nga lang, doon pa talaga sa lugar na malapit lang ang dahilan kung bakit ako tahimik kanina!

Tapos na kaming kumain at kasalukuyan nang nililigpit ng mga katulong ang mga pinagkainan namin. Nasa living room na kami ngayon at nagkukuwentuhan ang inosenteng lampa at ang mga magulang ko. Ewan ko kung ano ang pinag-uusapan nila. Siguro ay tungkol sa mga negosyo ng pamilya ng inosenteng lampa.

Napahawak ako sa noo ko. Nagtataka ako kung paano nakarating dito ang inosenteng lampa. Alam kong sumakay siya ng sasakyan para makarating dito. P'wede ring naglakad siya papunta rito kaya siya nakarating dito. Ang ipinagtataka ko lang at ang gusto kong itanong ay kung ano ang ginagawa niya rito?

I asked Kuya why Mama invited Klein to come over. Saka paano rin sila nagkakilala? I never introduced him to Mama! Unless Lajin did? Pero mukhang hindi naman naipakilala ni Lajin si Klein kay Mama. Or baka. . . ay ewan na!

But I remembered what Klein had mentioned one time. He once said na na-meet na raw niya ang parents ko and they were really far from me. How come hindi siya naalala ni Mama? Or baka naman ay nakalimutan na sa dami ng nakausap niyang mga tao?

Mababaliw na ako sa kaiisip kaya tinanong ko na si Mama. Nagpaliwanag naman si Mama kung paano sila nagkakilala ng inosenteng lampa. Kesyo raw ay nagkita raw sila kahapon sa labas ng bahay namin. Nakatayo raw kasi roon ang inosenteng lampa at nakatingin sa bintana which happens na bintana ng kwarto ko.

I-interview siya ni Mama kung sino siya, bakit siya nakatingin sa bintana ng kwarto ko, ano ang ginagawa niya rito, tagasaan siya at kung ano-ano pang klaseng tanong ang itinanong ni Mama. Pasensyoso naman ang inosenteng lampa at nagawa niyang sagutin ang lahat nang hindi naiinis sa sunod-sunod na tanong.

Nang malaman ni Mama na kaibigan ko si Klein at napadaan lang 'yong tao sa bahay namin ay natuwa agad siya. Kakaiba matuwa si Mama. Inimbitahan ba naman ang inosenteng lampa na sabay kaming mag-breakfast ngayon. Pero ano nga ang ginagawa ng inosenteng lampa kahapon? Hindi ako naniniwalang kaya siya naroon ay dahil napadaan lang. Ano 'yon? Saan naman siya nanggaling para madaanan niya ang bahay namin?

"Ayell?"

Napatingin ako sa nakatatanda kong kapatid. Himala na namang hindi nakakunot ang noo niya. Napapansin ko lang the whole week na nababawasan na ang energy ni Kuya sa pagsigaw. Hindi na kasi sumisigaw sa telepono niya. Ano kaya ang nangyari? Saka napapansin ko rin lately na palagi siyang umaalis ng bahay at may kikitain daw na mahalagang tao. Sino naman kaya?

Napabuntong-hininga ako. Sana talaga ay nakipag-close na ako kay Kuya noon pa man at nang mai-chismis niya naman sa akin kung ano na ang ganap sa buhay niya. Heto tuloy at unti-unti na akong nilalamon ng dagat ng kuryusidad.

I rolled my eyes. "How am I suppose to react, Kuya? Jump in happiness?"

"Maybe?" His small smile on his lips faded, but his green eyes looks playful. "It's your best friend's return after a week, after all," he even replied with a sly small smile again.

Oh, I know that smile! At saka, anong best friend? Close na close ba kami ng elementong iyan?

I scoffed then rolled my eyes. "I wasn't pleased by his presence at all."

"Tell that to lizards, they might believe you."

Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Kuya!"

"The more you stop it, the more it grows. Woman up, Renaya Elle."

Guarding Thy Innocence ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon