Trouble 3

257 14 0
                                    

"Oh? Ikaw?" Lumapit ako sa kawawang inosenteng lampa.

Nanghihina ito at mukhang hindi pa niya kayang tumayo. Buhay pa naman siya pero mukhang malapit nang matigok. Mabait naman akong tao kaya I offered him my hands. Inabot niya naman iyon kaya tinulungan ko siyang maupo sa sahig. Basang-basa ang mukha niya nang dahil sa pawis at alak na ibinuhos sa kaniya.

"S-Salamat, Ayell," pagpapasalamat nito sa akin nang nakayuko pa rin.

Yay, nakilala niya kaagad ako? Ang talas naman ng mata nito, kung ganoon. Hindi ba nanlabo ang mga mata niya kasi wala ang salamin niya? O baka naman ay hula-hula niya lang iyon? Or else narinig niya ang pangalan ko mula sa labi ng lalaking nakatayo at nakapalibot sa amin?

Nakayuko ang inosenteng lampa. Hindi sinasalubong ng kaniyang inosenteng mga mata ang mga mata ko. Hindi ko alam kung nahihiya ba siya o nanghihina na talaga siya?

Tiningnan ko ang mga kalalakihan na nakapalibot sa amin. Para silang mga tanga dahil nakaawang lang ang labi nila. Pati na rin iyong may malaking tattoo sa braso ay nakanganga na lang din.

I glared at them. "Kilala ko ito, mga gago kayo."

Ang lalaking may tattoo sa braso na si Timo ang sumagot sa akin. "Hala, kilala mo pala? Hindi namin alam."

Kilala ko si Timo dahil minsan na rin kaming nagsuntukan, papawis lang ganoon. Pero hindi ako nagtagumpay. Masyadong malakas manuntok ang gago kaya muntik na akong mawalan ng ulirat nang suntukin niya sa ako sa tiyan. 'Yon at nakatikim siya ng mag-asawang sampal mula kay Heveil. Hindi naman niya inano si Heveil dahil magpinsan sila. Humingi pa nga siya ng tawad sa akin.

Pero noong high school pa kami noon. Ngayon ay hindi na kami nag-aaral kaya sa tingin ko ay kayang-kaya ko na siyang talunin.

Napairap na lang ako at tiningnan si Klein. Inosente na nga, lampa pa ang gago. Hindi nga ako nagkamali. Naghihingalo na ang boyfriend ng pinsan ko, mamamatay na yata ito mamaya.

"Tawagin ni'yo nga si Zyro," utos ko.

Bahala na sila kung sino ang tatawag kay Zyro. Basta sundin na lang nila ang utos ko dahil masama ang timpla ko ngayon. Hindi ko nainom ang paborito kong inumin nang dahil sa kagaguhan nila.

Seconds passed at dumating naman si Zyro. Ewan ko kung sino ang tumawag sa kaniya. Busy kasi ako sa pag-e-examine sa inosenteng lampa. Baka mamamatay ito eh, ako pa ang masabunutan ni Lajin.

Nagpatulong ako kay Zyro na dalhin si Klein sa labas ng Tempt Bar. Hinawakan naman niya ito sa balikat at inalalayan palabas ng bar.

"Who's this?" nagtatakang tanong ni Zyro.

"Boyfriend ni Laj."

Nakarating na kami sa labas. Pinaupo namin si Klein sa upuan na nandoon. Nag-abot na rin si Zyro ng tubig kaya ibinigay ko iyon kay Klein. Nahihirapan pa siyang ibuka ang labi niya kaya ako na lang ang humawak sa bottle.

Tumataas baba ang adam's apple niya habang umiinom siya ng tubig. Nakahawak siya sa bottle at nakaalalay naman ang kamay ko sa kaniya. Nang matapos na siyang uminom ay muli siyang napayuko. Nakapikit pa nga siya kaya kinuha ko ang pagkakataong iyon na pagmasdan ang mukha niya.

May dugo sa gilid ng labi niya at marumi na rin ang suot niyang white plain shirt at kulay blue na pantalon. Kahit kailan talaga ay ang baduy niyang manamit. Mabuti na lang at hindi napuruhan ang mukha niya at kung hindi ay iiyak talaga ng dugo ang girlfriend niya. Mukha pa lang naman niya ang tanging panlaban niya tapos masisira lang?

I scoffed. "Sinabi ko na nga bang lampa ka talaga, e! Inosente ka pa nga sa lahat ng bagay, lampa pa! Paano mo naging jowa 'yong pinsan ko? Malayong-malayo kayo sa isa't isa, e."

Guarding Thy Innocence ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon