Trouble 14

131 10 0
                                    

"A car," he cut me off, "blocked our way."

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Nang tumingin ako sa labas ay nakita kong may nakahinto ngang sasakyan sa harapan namin. Nakaharang nga ito sa dadaanan namin kaya biglang itinigil ng lampa ang kotse.

Tinanggal ko ang seatbelt at narinig ko agad na umalma ang lampa. Tiningnan ko lang siya at sinabihang manatili sa loob ng kotse. Nang matanggal ko na ang seatbelt ko ay inayos ko muna ang butones ng jeans ko bago ako lumabas ng kotse at sinipat ang kotseng nakaharang sa harap.

Nagtaka ako nang may bumabang mga lalaking naka-itim mula sa itim na van. Nanlaki ang mga mata ko nang pinalibutan ako ng mga ito. May hawak pa silang mga baseball bat at sa katunayan ay para silang mga tanga.

"Problema ninyo?" tanong ko sa nalilitong boses.

Hindi sumagot ang mga ito. Ngunit may narinig akong tunog ng pagbukas at pagsara ng pinto ng kotse. Nang tingnan ko ang kotse na sinasakyan ko ay nakita kong nasa labas ang lampa at naglalakad na papalapit sa akin. Napapikit na lang ako sa inis. Ito talaga ang labis na kinaiinisan ko sa kaniya simula noong magbago siya. Hindi na siya sumusunod sa mga bilin ko!

Nang idilat ko ang aking mga mata ay nakita kong sinalubong ng isang nakaitim na lalaki si Klein. I gritted my teeth. Bakit ba kasi ang tigas ng ulo ng elementong ito?!

"Klein!" sigaw ko nang hilahin nila si Klein sa isang tabi.

Gago! Baka mabali buto niyan! Hilahin ba naman nang malakas. Ang payat-well, medyo may muscles na-pero kinakabahan pa rin ako! Baka kasi matanggal ang braso niya. Mahirap na 'yon.

"Ano 'to?" tanong ko sa mga lalaki. "H'wag ni'yong idamay si Klein. Ako ba ang kaila-AH!"

Tinadyakan ng walang hiyang gagong naka-itim ang tiyan ko!

Napayuko at napahawak ako sa tiyan ko at napaubo nang makailang beses. Feeling ko ay nagkasugat ang small at large intestines sa loob ko kaya nakaramdam ako ng hapdi sa loob ng tiyan ko. Halos isuka ko na nga ang mga kinain ko kanina. Busog na busog pa ako tapos ay tinadyakan pa talaga ako ng gago!

I glared at the culprit. "Problema mong nilalang ka-ACK!"

May sumipa naman sa akin mula sa likuran ko kaya napaluhod ako sa malamig na sementadong daan. Kung hindi ko lang talaga naitukod ang mga kamay ko sa sementadong kalsada ay baka nakadikit na ang nguso ko rito!

"Ayell!" Narinig kong sigaw ng lampa. Muli ay napaubo ako. Nanakit kasi ang beywang ko nang dahil sa lakas ng tadyak ng gagong gumawa n'on. Tangina! Para talaga akong masusuka!

Pinunasan ko ang aking labi kahit wala namang dugo iyon. Pero kasi ay may nalasahan akong mapait at maasim na tubig na lumabas mula sa bibig ko. Yucks.

"AYELL!" Narinig kong sigaw na naman ng lampa.

"Sana ay hindi mo sinaktan ang anak ko, hija. Iyan tuloy ang napala mo."

Napakurap ako nang marinig ang hindi pamilyar na boses na iyon. Nang mag-angat ako ng tingin ay bumungad sa akin ang malaking lalaki na may malaking tiyan. Nakaitim lahat at may hawak pa siyang nakasinding sigarilyo. Mukhang nasa singkwenta anyos na siya. May bigote rin siya and I find it so disgusting.

May bigote rin naman si Papa pero bagay naman sa kaniya. Ang malaking lalaki kasing nasa harapan ko ay parang matandang binata tapos manyak pa. Kung sa tingin niya ay astig siyang tingnan ay nagkakamali siya. Hindi siya astig. Mukha siyang adik.

"Sino ka naman?" naguguluhang tanong ko.

Inalisan ko ng alikabok ang may tuhod ko dahil may dumikit na iilan doon. Pinagpag ko rin ang aking likuran kung saan ako tinadyakan ng gagong gumawa n'on kanina.

Guarding Thy Innocence ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon