Trouble 22

131 7 1
                                    

“Ano nga, Papa?”

Nakasimangot ako habang nakaupo sa malambot kong kama. Kagigising ko lang sa umagang iyon. Nagising kasi ako nang marinig ang walang sawang pagtunog ng ringtone ng cellphone ko. Ang aga-aga tumawag ni Papa. Himalang hindi nanenermon.

“We already have dropped the money to your account as what your Mom and I had planned from the very beginning. And we have a surprise for you, too,” he said with a sweet and knowing smile.

We were face-timing and I swear, hindi ko halos makita ang mukha niya kasi nga inaantok pa ako!

Tumango ako at humikab. “Tapos po?”

Kahit papaano ay nakita kong kumunot ang noo niya. “We wired you some money and that's the only words you'll threw up?”

“Eh Papa, inaantok pa ako! Mamaya na tayo mag-usap! Good morning!” Pinatay ko agad ang tawag dahil antok na antok pa talaga ako.

Matagal akong nakatulog kagabi dahil sa nararamdaman ko para sa inosenteng lampa. Sa kaiisip ko sa kaniya ay hindi ko napansing alas kwatro na pala ng umaga. Saka bandang alas sais ay tumawag na naman si Papa.

I took a rest again and it was already eleven in the morning when I woke up. Someone's banging—este knocking on the door that's why I stood up and opened it. I found our househelper in the front. She maybe noticed that I just woke up that's why she greeted me a good morning.

“Inutusan po ako ng kapatid ninyo po, ma'am na gisingin ko po raw kayo,” magalang niyang pagpapaalam.

“Yes, yes. Pakisabi sa kaniya na gising na ang kaniyang mahal at maganda niyang prinsesa.” I waved my hands to dismiss her.

Isinara ko ang pinto at pumasok sa bathroom. Naligo ako at nagbihis. Nasa kama na ako habang pinapatuyo ko ang aking buhok nang biglang tumunog ang cellphone ko. It was from the bank, informing me that Mr. Cleon Arckenov Ravenna wired me some money.

My eyes widened. Hala! Totoo?!

I picked my phone up and read it again. Baka kasi namamalik-mata lang ako. But the message is still there. Napasuntok na lamang ako sa hangin habang may isang malaking ngisi sa labi.

And then I remembered. I face-timed with my handsome father and he told me that he wired some money. And he has a surprise, too!

Ano kaya ang surprise ang tinutukoy niya? Did he send me new motorbike? Bought me a house and lot? Send some branded shoes, bags or perfumes? Ano ang tinutukoy niyang surpresa sa akin?

Minadali ko ang pagpapatuyo sa buhok ko. Nang matapos ay lumabas ako ng kwarto. Baka nasa living room na ang mga surpresa niya!

Pababa na ako ng hagdan nang mahagilap ng mga mata ko ang isang elementong prenteng nakaupo sa isang couch na nasa living room. Napalunok na lamang ako.

Nandito siya sa bahay!

Babalik na sana ako sa kwarto ko nang biglang magtama ang tingin namin. Huli na, hindi na ako nakatakbo. Huling-huli na talaga. Agad siyang napatayo nang makita niya ako.

“Ayell, magandang umaga,” bati niya sa akin at sinabayan pa iyon ng isang matamis na ngiti. Halos matunaw naman ako sa ngiting iyon and at the same time, mahimatay.

I cleared my throat and averted his gaze. “M-Magandang umaga rin. Ano'ng kailangan mo?”

He smiled again as he showed me some branded pads. “Personal kitang dinalhan ng pads para—”

“A-Ano'ng sabi mo?!”

“Nakabibingi ba ang menstruation?” inosente niyang tanong sa akin.

“Huh? Dinalhan mo ako ng. . .” Hindi mo maituloy ang sasabihin ko dahil tinubuan na ako ng hiya sa katawan.

Guarding Thy Innocence ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon