Trouble 20

145 7 0
                                    

Hindi na kami sumakay ng mga nakahihilong rides. Katulad ng sinabi ng inosenteng lampa, naghanap nga kami ng cotton candy. Bumili rin kami ng ice cream. Ube sa inosenteng lampa at mango naman ang flavor ng sa akin.

Naupo kami sa isang bench at tahimik na lang na pinapanood ang mga batang ang laki-laki ng mga ngiti sa labi. Muntik pa ngang matunaw ang ice cream ko sa panonood sa mga bata. Mabuti na lang at napansin ko agad. Pero ang sarap pagmasdan ng mga ngiti nila.

Naalala ko tuloy noong mga bata pa kami ni Kuya. Madalas din kaming nagpupunta sa Amusement Park para lang sumakay sa iba-ibang rides. Hindi naman siya palasalita na parang wala siyang dila pero alam kong nag-e-enjoy siya noon. Saka mahilig din kaming kumain ng ice cream. Mango palagi sa akin at cookies and cream naman kay Kuya.

Napabuntong-hininga ako nang maalala ang sinabi ng inosenteng lampa kanina. Parang may double meaning talaga iyon. Pero saan naman siya natalo? Nagsusugal kaya siya nang hindi ko alam? Lagot ako kay Lajin. Akalain mong nagsusugal pala ang elementong ito? Muli akong napabuntong-hininga.

“That's the second. Are you okay?”

Napatingin ako sa inosenteng lampa nang itanong niya iyon. Nakatingin siya sa akin gamit ang inosente niyang mga mata. Para talaga siyang bata kung makatingin. I wonder kung mananatili kayang gano'n iyon? Para talaga siyang inosenteng elemento na hindi kayang gumawa ng masama.

“Ayos lang ako,” tugon ko sa kaniya. “Ba't ka ba tanong nang tanong diyan? Ubusin mo na lang 'yang ice cream mo.”

Kumunot ang kaniyang noo. “Tanong nang tanong? Ngayon pa lang kaya ako nagtanong sa 'yo. Saka kanina pa naubos ang ice cream ko. 'Yang sa 'yo, hindi pa.”

Nag-iwas ako ng tingin at tiningnan ang ice cream cone na hindi na mahitsura ngayon. Nanlaki ang mga mata ko at agad iyong kinain. Nang maubos ko na ay napangiwi na lang ako nang makitang may ice cream sa kamay ko. Aba't talagang umabot pa siya riyan.

“Why are they calling you Ace?” tanong ko habang naghahanap ng bagay na puwedeng gamiting pamunas sa ice cream na nasa kamay ko. 

It really seems like we're still an enigma to each other. We don't even know what's each's favorite stuffs, colors, and such. Puro na lang kami sagutan, ni walang alam tungkol sa isa't isa maliban sa pinsan ako ng ex-girlfriend niya at ex-boyfriend siya ng pinsan ko.

Maghahanap pa sana ako ng pamunas nang may maglahad ng tissue sa harapan ko. Nang tingnan ko ang tissue ay nahagip ng mga mata ko ang kumikinang na mamahaling relo ng inosenteng lampa. Kinuha ko agad ang tissue at ginamit iyon pamunas sa dumikit na ice cream sa kamay ko. Nang matapos ay umayos ako ng pagkakaupo at tiningnan siya.

“Let's trade informations about ourselves,” seryosong saad ko.

“Sure,” tipid na tugon niya.

Itinaas ko ang kanang hintuturo ko. “Fact one. My name was supposed to be Renaya Elleria and not Renaya Elle without Ria.”

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya sa gulat. “Really? What happened?”

Napabuntong hininga ako. “Kinain ng ballpoint ang ‘Ria’ kaya nawala. And my brother's real name is Cleusav Elrom, supposed to be Cleusav Elriun. But you know, things like that really happens sometimes.”

Napatango siya. “Okay, this is my fact one.” It was his turn to show me his forefinger. “My real name is Klein Alastair Lavinson.”

My lips formed to ‘o’. “Oh, may second name ka pala? And that explains the Ace? Alas is Ace, right?”

Kaya naman pala Ace ang palayaw. Akala ko trip lang nila. Akala ko rin mahilig sila sa biscuit na Ace. O 'di kaya'y ipinaglihi siya ng mama niya sa Ace na biscuit.

Guarding Thy Innocence ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon