Trouble 2

380 19 6
                                    

Sent successfully.

Napasandal ako sa sandalan at napabuga ng hangin. Ganito pala ang pakiramdam ng nagtatrabaho. Ganito pala ang palaging nararamdaman ni Kuya sa tuwing nagta-trabaho siya sa kompanya. Nakaupo man maghapon pero nakakapagod pala. Hindi ako sanay na nakaupo lang, gusto ko talagang nakatayo ako at nakipagsuntukan sa kung kanino.

Muli akong bumuga ng hangin. Simpleng pabor lang naman ang hiningi ni Kuya at iyon ay ang mag-send ng email sa bente katao. Ang sakit na ng mga daliri ko, nanigas sa pagta-type.

P'wede ko namang i-mark all para isahang send na lang pero iba-iba naman ang laman ng emails kaya hindi p'wede. May about sa contracts, investments, products from the other line, appointment at kung ano-ano pa.

Tatlong oras lang naman akong nakaupo sa swivel chair pero para akong isang araw na nakaupo at nakababad sa laptop. Ang sakit-sakit ng likod ko. Hindi talaga ako p'wede sa mga ganito, action talaga ang drama ng buhay ko at hindi ganitong paupo-upo lang.

Huminga ako nang malalim at inangat ang sarili para makaalis na sa upuan na iyon. Nag-stretch ako ng katawan at dinig na dinig ko ang tunog niyon. Napangiti kaagad ako. I really love hearing stretched things, ang sarap sa tainga.

Hinayaan ko lang na nakabukas ang laptop. Itinulak ko ang upuan pabalik sa pinaglagyan n'on kanina bago ako lumabas ng private office at dumiretso sa kwarto ni Kuya.

Nadatnan ko siyang nakaharap sa study table niya at nagbabasa ng isang makapal na libro. Nakasuot din siya ng reading glasses at ang tangos ng ilong niya. Ang ganda rin ng hugis ng panga niya, maging ang kaniyang labi na tikom na tikom na para bang matutunaw siya kapag ibubuka niya iyon.

"Kuya, natapos ko na 'yong pinagawa mo," sabi ko upang makuha ko ang atensyon niya.

Saglit siyang tumigil sa pagbabasa. Tumingin siya sa akin at tipid akong tinanguan. Napangiwi ako.

"Tango lang? Walang 'thank you, my gorgeous sister' diyan?" tanong ko sa kaniya.

Hindi niya ako pinansin at muling ibinalik ang tingin sa binabasa niyang libro. Mas lalo akong napangiwi. Ipinaglihi pala sa yelo ang kapatid kong ito at mamahalin ang boses kaya minsan lang magsalita, tipid na, nakasigaw pa! Saan ka na?

Umirap ako at lumabas ng kwarto niya. Mamaya pa ay maging yelo na ako sa kalamigan niya. Ayaw ko ring mapanisan ng laway. Sigurado kasi akong mapapanisan ako kapag siya ang kasama ko. Saka ayaw ko ring maging bingi, mahilig pa naman iyong sumigaw.

Papasok na sana ako sa kwarto ko nang biglang nag-vibrate ang cellphone na nasa loob ng bulsa ng black loose Chanel pants na may simpleng design lang pero worth two hundred and fifty dollars na. Kinuha ko ang cellphone ko at nakitang tumatawag si Heveil.

"Oh? Ano'ng kailangan mo?" tanong ko sa kaniya nang pinindot ko ang answer button. Inilagay ko ang kanang kamay sa aking beywang.

"They lose, let's have a toast!"

"Will be there in," I looked at my wristwatch my mother gave to me, "in thirty minutes. I'll be there in thirty minutes."

"I need an assurance, Ayell!"

"I'll be there, I promise you that."

"Iyan ang gusto ko sa iyo, e! Sige, ibababa ko na ito. Take care, mwa!"

I just rolled my eyes. Before I could even tap the end button, she already ended the call. I rolled my eyes again and went inside my spacious room.

I will surely go there, I don't break promises, anyway.

I PULLED my black boat neck top and leather jeans and wore it all as fast as I could. Iyon na lang kasing style ng damit ang natira sa wardrobe ko. Ang iba ay nasa laundry basket na yata. Hindi pa yata nilabhan ni Nanang Mercing ang mga damit namin o baka nayamot na siya sa paglalaba sa mga ito.

Guarding Thy Innocence ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon