Trouble 15

148 11 0
                                    

"Matigas ka, huh?!"

Napatingin ako kay V at nakitang tinadyakan niya sa mukha ang lalaking kalaban niya. Napangisi na lamang ako. Masyadong mainitin ang ulo niya. Ano kaya ang dahilan?

Ibinalik ko ang aking atensyon sa kalaban ko nang makitang gumalaw ito at handa na ulit na lumaban. Muli ay tinadyakan ko ito sa tadyang niya. Pero tama talaga si V. Matigas talaga.

"Bakit ang tagal mong sumuko? Sumuko ka na! Masasaktan ka lang!"

Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi sa narinig ko mula sa bibig ni V. Pinipigilan ko kasi ang sarili ko na tumawa nang malakas. Parang tanga naman kasi talaga ang babaeng ito at kung ano-ano na lang ang pinagsasabi. Ilang minuto pa yata ang lumipas bago namin tuluyang naitumba ang anim na lalaki. Ang tagal mapagod. Spoiled yata sa vitamins noong mga bata pa sila.

"Grabe, ang tagal sumuko. Naka-drugs lang?" narinig kong komento ni V.

Napatingin ako sa kaniya. Kasalukuyan na niyang inaayos ang medyo nagulo niyang buhok. Pawisan din ang noo at leeg niya at nakakunot ang kaniyang noo. Mukhang litong-lito talaga siya sa kalaban namin at ang tagal sumuko.

"Ay, naka-drugs ka kung gano'n, V?" sabat naman ni Heveil. Maloko itong nakangisi habang nakatingin kay V. "Matagal ka ring sumuko, e."

Pinanlakihan lang siya ng mga mata ng huli. Humalakhak naman ang gaga na parang tuwang-tuwa dahil nainis si V sa kaniya. Ang hilig talagang mang-asar ng isang Fernandez. Nailipat ko ang aking tingin sa harapan nang marinig kong magsalita ang ama ng mga goons.

"Babalikan kita, Ravenna. Babalikan kita," nanggigigil nitong saad.

Pulang-pula na ang mukha nito sa tindi ng galit. Sino ba naman ang hindi magagalit kung ang lahat na kasama mo ay tumba na parang mga boteng walang lama? Binitiwan pa nito ang hawak nitong sigarilyo at may panggigigil iyong tinapakan.

Tinaasan ko siya ng kilay ko. "Haharapin kita, Harris Goons. Hindi ako nasisindak sa 'yo."

Mas lalong namula sa galit ang ama ng mga goons na para bang may sinabi akong mas lalong nagpasiklab sa galit niya.

Tumikhim si Zyro na nasa likuran ko lang. "Jones, Ayell. Hindi Goons."

Jones? Jones pala 'yon?

Bahagya kong nilingon si Zyro at tipid siyang tinanguan. Kaya ba nagalit ang lalaking may malaking tiyan nang dahil tinawag ko siyang goons? H'wag siyang magalit, bagay naman kasi sa kaniya.

"Babagsak din kayong mga Ravenna. Tandaan mo 'yan," anito sa halos hindi na bumubuka ang labi nang dahil sa galit.

Hindi pa man ako nakasagot ay tinalikuran na kami nito. Sumunod ang mga tauhan nitong paika-ikang naglakad. 'Yong iba ay nakahawak pa sa tiyan, sa tadyang, sa likuran at kung saan pang parte na sumasakit sa kanila. Pumasok ang mga ito sa loob ng itim na van at walang pasabing umalis.

Naiwan kami sa gitna ng kalsada. Mabuti na lang talaga at walang mga sasakyan na dumadaan. Mahirap na at baka makita ko na naman ang mukha ko sa tv. Sinundan ko na lang ng tingin ang papalayong van. Nagtataka pa rin ako sa inaakto ng Goons-Jones pala-na iyon. Hindi ko alam kung ano'ng problema niya sa pamilya namin. Sigurado naman akong naiinggit lang siya.

"Ang laki ng galit n'on sa pamilya ko. Ano kaya ang ginawa ng pamilya ko sa kanila?" nagtataka kong tanong sa sarili ko. Ah, itatanong ko kina Mama at Papa pagkabalik nila.

"Boring. Ang akala ko ay may patayan na talaga."

Mabilis na tumaas ang kilay ko nang marinig ko iyon. Bago pa man ako makasagot ay naunahan na ako ni Heveil. Nakasandal na siya ngayon sa kotse ni Zyro at may hawak na walang sinding sigarilyo.

Guarding Thy Innocence ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon