Trouble 38

122 5 0
                                    

“Bienvenida, señorita!” (Welcome, miss!)

Kapapasok ko lang sa hotel na malapit lang sa airport ay binati agad ako ng matangkad na guwardiya na nakatayo sa tabi ng pinto. Malawak ang ngiti niya at nasa likod ang dalawang kamay. Tumango lang ako sa kaniya saka pumasok sa loob ng hotel habang hinihila ang luggage kong dala.

Nilapitan ko agad ang receptionist na may napakagandang ngiti. Actually, puwede namang dumiretso ako sa bahay ni Abuelo pero talagang tinamad ako. Puwede ko rin naman siyang tawagan para magpasundo pero mamaya na. Nanakit kasi ang likod ko, pang-upo at leeg ko. Ang tagal ko kayang nakaupo sa loob ng eroplano.

As of now, gusto ko lang manatili rito, kumain at magpahinga. Pero bago magpahinga ay tatawagan ko na si Abuelo para magpasundo. May helipad naman yata ang hotel na ito.

“R-Ravenna?” basa ng babae sa ID na binigay ko sa kaniya. Nanghingi kasi siya ng ID. Grabe itong hotel nila.

Sinulyapan ko ang babae at nakita kong gulat siyang nakatingin sa akin. “How are you related to Gustavo Y Velasquez Ravenna, Miss Ravenna?”

“I'm his granddaughter,” tipid kong sagot. Aba't nakiki-chismis pa ito.

Ngumiti ang babae at nagpatuloy sa ginagawa niya. Hindi ko na lang siya pinansin.

Kumunot ang noo ko nang may dumating na lalaki. Kinausap niya ang babaeng receptionist. Nagsasalita sila ng Spanish at hindi ko naiintindihan. Mga common words lang kasi ang naiintindihan ko. Sana pinag-aralan ko man lang ang culture at language nila. Kapag unready talaga, nganga na talaga.

Napangiwi ako nang lumingon sa akin ang bagong dating na lalaki. Nanlaki ang mga mata niya. Kapagkuwan ay ngumiti siya nang malapad.

“Hola, señorita!” bati niya. Inilapat niya ang kaniyang kanang kamay sa dibdib saka yumuko. “Por favor disfrute de su estadía, Señorita Ravenna.”

Tumango lang ako sa kaniya. Naiintindihan ko iyon. Noong bata pa ako, sa tuwing bumibisita kami rito, iyon palagi ang sinasabi ng mga receptionist. Please enjoy your stay achuchu ang ibig sabihin niyon. Taray. Naalala ko pa pala.

Sa wakas ay natapos na rin. Binigyan na nila ako ng kuwarto at sinamahan ako nitong lalaki sa magiging kuwarto ko. Siya pa nga ang nagdala ng mga gamit ko.

“You can use the intercom if you need anything, Miss Ravenna.”

Habang nagsasalita siya kanina (since nagkukuwento siya kung kailan nagawa ang hotel na ito, more on kasaysayan ng hotel ang kinukuwento niya) ay isa lang ang napagtanto ko. Ang cute ng accent niya.

“Send my regards to your grandfather. Please tell him that I said hi,” nakangiti niyang sabi at muling yumuko bago nagpaalam na umalis.

Apo raw siya ng may-ari ng hotel na ito ayon sa kaniya. Dito raw siya nagtatrabaho habang nag-aaral siya. Naalala ko tuloy ang plano ko. Balak kong ipagpatuloy ang pagiging guro. Gr-um-aduate naman ako sa kursong kinuha ko. Wala akong flying colors pero at least gr-um-aduate pa rin. Sa ngayon ay mag-a-apply muna ako bilang guro sa isa sa mga school dito.

“How was your flight?”

Ka-video call ko sina Mama, Papa at Kuya. Nakadapa ako sa kama habang nasa harapan ko ang laptop ko. Tapos na akong kumain at maligo kaya ready to go to bed na ako. Tapos ko na ring tawagan si Abuelo. Natuwa siya nang sobra nang malamang dadalawin ko siya. Medyo nagtampo pa dahil hindi raw agad ako nagsabi eh di sana raw nasundo niya ako.

Bukas ng umaga niya raw ako susunduin. Chopper na lang daw ang gagamitin niya para less hassle. Friend niya raw ang may-ari ng hotel na ito kaya okay lang kung gagamitin niya ang helipad.

Guarding Thy Innocence ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon