Trouble 17

128 8 0
                                    

Ngumiti ako sa kaniya. “Pagkabilang ko ng tatlo, umalis ka na rito.”

Umawang ang labi niya sa narinig.

“N-No,” mahigpit siyang tumanggi. Umiling pa siya sa akin. “I won't. I-I'll fight with you—”

“Ay, weh? Kaya mo?” tanong ko sa kaniya nang nakataas ang kilay. Bumuntong-hininga siya at muling umiling.

“You can't do this to me, Ravenna. You cannot just order me to leave you here—”

“Sinabi ko bang iwanan mo ako? Mauuna ka lang naman, susunod naman kaagad ako.”

Mariin niya akong tiningnan na para bang sa pamamagitan ng tingin niyang iyon ay maipabatid niyang hindi siya pumapayag sa gusto ko.

“I won't leave you here,” matigas niyang ani.

Nakaramdam naman ako ng inis. “Ikaw ang iiwanan ko rito, makikita mo.”

Tangina, ang tigas ng bungo ng nilalang na ito. Paano kung mapahamak siya? Ako pa masisisi?

“Kumusta ka, Ravenna?”

Nagsimulang kumulo ang dugo ko nang marinig ko ang boses na iyon. Nang tumingin ako sa harapan namin ay bumungad na naman sa akin ang malaking tiyan ng hari ng mga goons. As usual, nakaitim na naman siya with his mga bata. Grabe, feel na feel niyang magsuot ng itim e nagmumukha siyang kapre na malaki ang tiyan.

“Ikaw na naman? Hindi ka pa ba nagsasawa sa mga kalokohang pinaggagawa mo?” naiinis kong tanong sa kaniya.

Ay, wow. Sa akin ba talaga nanggaling ang mga salitang iyon? Wow naman sa akin.

“Sinabi ko na sa iyo na babalikan kita,” nakangising-aso na sabi ng ama ng mga goons. Tuwang-tuwa dahil halata sa mukha ko na hindi ko inaasahan ito.

Ngumiwi ako. “Pero hindi ka naman nagbigay ng specific time and date. E di sana ay nakapaghanda man lang ako.”

Dumilim ang mukha niya. Mukhang galit na naman sa akin. “Katapusan mo na ngayong gabi, Ravenna. Magdasal ka na!”

Nginisihan ko lang siya. “Ikaw ang gumawa niyan, Jones!”

Kasabay ng pagsambit ko noon ang siyang pagkuha ko sa baril mula sa aking likuran. Kinalabit ko ang gatilyo at pinaulanan sila ng bala. Pero joke lang 'yon. Wala naman kasi akong baril. Nang minsang nagpaalam ako kay Papa na bibili ako ng isa ay nakatikim lang ako ng mahabang sermon. Kaya ayon, wala akong baril.

Sumugod na lang ako sa kanila kahit walang katiyakan kung makakaya ko nga ba silang lahat. Tangina, lagpas bente katao yata ang dala ng goons ngayon. Desperado na talaga siyang mapatumba ako—kaming mga Ravenna.

Narinig ko pang sumigaw ang inosenteng lampa, tinatawag ang pangalan ko. Tangina, kasama ko nga pala iyon. Patay ako nito.

Hirap na hirap na ako sa pakikipaglaban. Sipa rito, sipa roon. Talon dito, talon doon. Suntok dito, suntok doon. Head-butt dito, head-butt doon. Napasigaw ako sa sakit nang may tumamang bagay sa tiyan ko. Nasundan pa iyon ng hampas mula sa likuran ko. Hanggang sa magkasunod-sunod na.

Napaluhod ako sa malamig na sahig at napaubo. Nalasahan ko rin ang lasa ng dugo. Tangina, parang minartilyo ang katawan ko. Sinubukan kong tumayo pero tinadyakan nila ang likuran ko kaya tuluyan na akong napadapa sa malamig na sementadong sahig. Muli na naman akong napaubo.

Maluha-luha na ako at ang labi ay nakangiwi. Kumikirot ang likuran ko. Gusto kong tumayo pero wala akong lakas para gawin iyon.

May humila sa buhok ko at pilit na inangat ang ulo ko. Pinaluhod nila ako at hinigpitan nila sa paghawak ang kamay ko. Nasa likod ko ang kamay ko at kung pipilitin kong gumalaw, good bye na lang sa mga buto ko.

Guarding Thy Innocence ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon