Trouble 6

191 13 0
                                    

"Teka, teka. Teka muna, Lajin. Let me breath muna."

Tinanggal ko ang mamahaling singsing at inilapag iyon sa ibabaw ng lamesa. Napayuko naman ang gaga. Mukhang alam na niyang hindi ako basta-bastang papayag sa sinabi niya. Like, haler? Sino ba naman ang papayag kaagad sa hinihingi niyang pabor? Naka-s-stress ang hinihiling niya!

Saglit siyang nag-angat ng tingin sa akin bago yumuko ulit. Pinaglalaruan pa niya ang kuko niya. Bahagya kong inilapit ang aking sarili sa kaniya.

"Bakit ba? Ano'ng nangyayari sa inyo?" mahinahong tanong ko sa kaniya.

Ang sweet-sweet nila kahapon tapos biglang ganito? Hindi kaya na-out of balance si Lajin kahapon sa comfort room namin at nabagok ang ulo niya sa sahig kaya nagkaganito?

"W-We broke up," sagot niya sa nahihirapang tono.

Napaawang ang labi ko sa sinagot niya. Parang kahapon lang ay ipinakilala pa niya ako sa boyfriend niya tapos ngayon ay—OMG!

Nakayuko pa rin ang pinsan ko at hindi pa rin sinasalubong ang mga mata ko. Mukhang nahihiya siya o ano.

Napabuntong hininga ako at napatingin sa labas. Sa labas ay patuloy pa rin ang pagdaan ng mga tao. Mataas ang sikat ng araw kung kaya ay may kaniya-kaniya silang hawak na iba-ibang uri at kulay ng payong upang maprotektahan ang balat mula sa malaki at maliwanag na haring araw.

May malaking puno ng Mahogany ang nasa labas. Sa tingin ko ay kahit mahina lang ang hampas ng hangin ay natatangay pa rin nito ang mga patay na dahon. Patuloy sa pagkahulog ang mga patay na dahon mula sa puno. Muli akong napabuntong hininga.

Totoo na? Naghiwalay na sila ng inosenteng lampang iyon? Pero sino naman ang unang kumawala sa relasyon nila? Ah, siguro si Lajin.

I clicked my tongue and glanced at my cousin. "So what I've said that night you introduced him to me came true. Pero hayaan mo na, lampa naman iyon kaya natural na iiwan mo talaga—"

"He was the one who broke our relationship,” she cut me off.

Halos malaglag ang panga ko sa narinig. Ano raw? Ang lalaking iyon ang nakipaghiwalay? I took a deep breath before trying to calm my nerves. Sari-saring mga tanong ang nagsimulang maglaro sa aking isipan, pero I chose to set it all aside.

Tinanggal ko ang suot kong cap at inilagay iyon sa ibabaw ng lamesang gawa sa matibay na uri ng kahoy. Dalawang beses pa akong kumurap bago ako tuluyang nagsalita.

“Pakiulit nga?"

She sighed heavily. "Siya ang nakipaghiwalay sa akin—"

"There!" Napatayo na ako. I felt everyone stared at me for a sudden outburst. But I ignored them and continued, "Ang kapal naman ng gagong iyon—"

"Because I asked him to do it."

And again, I dropped my jaw. Muli akong napakurap ng dalawang beses. Ilang segundo pa ang lumipas hanggang sa tuluyan nang nag-sink in sa utak ko ang sinabi niya. Muli akong umupo nang dahan-dahan sa upuan ko.

Tiningnan ko siya nang mabuti. "Care to explain why, Lajin?"

Kinagat niya ang pang-ibaba niyang labi bago niya ako tiningnan sa aking mga mata. Saglit na dumaan sa mga mata niya ang isang emosyong hindi ko kayang pangalanan. Ngunit nangibabaw sa kaniyang mga mata ang muta—joke lang. Wala siyang muta.

Nangibabaw sa mga mata niya ang kalungkutan. At heto ang aking katanungan.

Bakit pa niya ginawa ang isang bagay kung kalungkutan lang naman ang idudulot nito sa kaniya? Bakit niya isinagawa ang isang plano kung alam na niyang sa huli ay maiiwan lang siyang luhaan?

Guarding Thy Innocence ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon