Trouble 28

146 7 0
                                    

*sobs* This part of the story contained 3, 830k words huhu, so expect this to appear longer than the previous, previous ones.

———

“May hidden talent ako, I can do magic.”

Napabuntong hininga ako. Nakatingin ako sa bintana at iniisip kung ano na ang ganap sa bahay ngayon. The news was all over the whole town and I just want to do something to take it down. Pero ano ang gagawin ko? Iiyak sa camera? Ta-tumbling? Sigurado akong bukambibig na naman akong ng mga tao ngayon.

I heard Heveil scoffed. “Mga tanga. Paanong si Ayell ang maysala? Parang mga tanga talaga.”

Napabuntong hininga ako ulit. Oo nga. Paanong ako? Ang sarap ng tulog ko kagabi tapos pagkagising ko, ito ang bubungad sa akin? Grabe. Hindi naman ako nags-sleep walk. What's happening to this town? I would never do something like that!

“Nag-sleep walking yata si Ayell at nagpunta sa office ng biktima at sinaksak ito,” si V, tunog sarkastiko.

Napairap ako at tiningnan sila. “Gago. Pakialam ko naman sa gagong iyon? Maco-coma na nga lang, dinamay pa ako sa kagaguhan niya.”

I sighed for the third time. I don't know what to do. My mind was clouded with so numerous thoughts. Ano kaya ang reaksyon nila Mama at Papa? Speaking of them, himalang hindi nila ako tinawagan.

Hinanap ko ang cellphone ko na nasa side table lang. Nang sinubukan ko itong i-on ay muli akong napairap. Dead battery na pala kaya naman pala hindi ako natawagan nina Mama.

“Oh, Tita is calling.” I heard Heveil said. Nang tingnan ko siya ay saktong nanlaki ang mga mata niya. “Shit! May ten missed calls na!”

Dali-dali niya iyong sinagot. Sinabi niya lang na magkasama kami. She then handed me her phone. Napatingin ako kay V nang gumalaw siya mula sa kinauupuan niya.

Kinuha niya ang cellphone niya. Kagaya ni Heveil ay nanlaki rin ang mga mata niya. “Hala, tumawag din pala siya sa akin. Naka-off ang cellphone ko, eh.”

I've heard a voice from the other line that's why I placed Heveil's phone near my left ear. Narinig ko agad ang nag-alala niyang boses.

“Heveil, anak! Are you okay? I've heard from Heveil that you're in her condo. Do you want me to fetch you there?”

Umiling ako na parang makikita niya iyon. “Uuwi po ako riyan. V brought her car with her. Sa kaniya na lang po ako sasakay.”

“Sa akin o sa sasakyan ko?” sabat ni V na nakikinig din pala.

I rolled my eyes. Ngumisi lang siya sa akin. Parang tanga rin ang isang 'to.

Mama told me to be careful. Kung ano-ano pa ang mga sinasabi niya. Hindi safe ang motor ko. Baka kasi dumugin ako ng media. Halos lahat yata ay kilala na ang tunog ng Ducati ko. Hindi malabong hindi agad nila ako makikilala. It's better be safe than sorry.

“The company isn't on its right posture.”

Napapikit ako nang marinig ang sinabing iyon ni Kuya. Nakarating na ako minutes ago. Nasa loob kami ng private office ni Papa at pinag-uusapan ang mga gagawin naming hakbang.

Kumunot ang noo ko. “Huh?”

My mind was still clouded. Feeling ko nga ay hindi ko kayang matulog ngayong gabi. And it's still seven in the morning. Maliligo at magbibihis ako mamaya para kapag pupuntahan na ako ng mga pulis, fresh pa rin ang dating ko.

Kuya fixed his reading glasses. He wasn't looking at me. Nasa makapal na libro na naman ang tingin niya.

“Wala sa ayos ang kompanya natin. Marami kasi ang nag-pull out na malalaking investors.”

Guarding Thy Innocence ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon