40: Final Trouble

227 4 1
                                    

I said no. I said no to his proposal again. For the second time, I declined. For the second time, he said it's okay. For the second time, he understands. I thought he'd stop but he didn't. The next day, bigla siyang dumating sa bahay. May dala pang bulaklak ang elemento! Nakikipag-usap pa sa mga magulang ko!

Ang aga-aga pa! Ni hindi pa nga ako nakaligo! Nag-toothbrush lang ako tapos hilamos. 'Yon lang! Tapos siya mukhang bagong ligo, ang bango habang ako ay nakapantulog pa rin!

“Ma, Pa! Ano 'yan?” usisa ko habang nakakunot ang noo.

“This young man is asking me for your hands, sweetie,” si Papa ang sumagot sa akin.

“Ano?!”

“And I gave him my permission.”

“Ano?!”

Papa looked at Klein. “You have our blessings, son. Take good care of our troublemaker daughter.”

With that, umalis sila ni Mama. Mama even gave me a thumbs up. Hindi nga nanligaw ang elementong ito, eh! Kasal agad ang gusto!

“Hi, Renaya Elle.”

I wrinkled my nose. Ang aga-aga! “Ano 'to? Bakit may bulaklak? Don't tell me magyayaya ka na naman ng kasal?”

He gently shook his head. “No. That was fast and I decided to take everything slow.”

I crossed my arms. “And what's in your mind, Mr. Lavinson?”

Ngumisi siya sa akin. “I'm courting you.”

Nanlaki ang mga mata ko. “Ano?!”

“Nanliligaw ako,”

“Unsa?!”

“Manguyab ko nimo.”

Napa-facepalm ako. “Oh my geez!” I narrowed my eyes. “Are you for real?”

He proudly nodded. “I am. Kung ayaw mong ligawan kita, pakasalan mo na lang ako.”

Napapikit ako. Makulit talaga siya!

“Sus, ang weak mo, Lavinson! Kailan ka ba makaka-home run?”

Kumunot ang noo ko nang marinig ang boses ni Heveil. Aba, ang aga naman niyang pumunta rito! At may dala pang camera at nakatutok iyon sa amin!

“Unang araw ng panliligaw ng isang Lavinson sa Ravennang wala pang ligo!” sabi niya sa camera.

“Heveil!”

Tumawa ang gaga. Nang lalapitan ko na sana siya ay saktong pumasok ang isang bisitang hindi ko inaasahan. Natigilan ako. Ngumisi kaagad siya nang magtama ang tingin namin.

“My apology for not being able to catch up with you the past days. But hey, welcome back.”

I was still staring at Kier, unable to make a move. He was standing beside Heveil and the latter looks comfortable with his presence. Nakangiti pa talaga ang kaibigan ko habang nakatingin kay Kier habang ito'y nagsasalita. She looks so in love with him.

If that's the case, then I'm fine with it. I'm happy for her. For them. What happened to her and to her bodyguard is all in the past. Siguro. . . hindi talaga. O hindi nga ba?

“Heveil, he's quite creepy. Palaging nakasunod sa iyo,” nakangiwing reklamo ko.

Nasa mall kami at kanina ko pa nakikita si Lurthon hindi kalayuan sa amin. Nakatayo lang siya roon at para bang binabantayan si Heveil kagaya ng palagi niyang ginagawa. Ganiyan pala ang feeling ng may bodyguard? Alam kong sinusundan din ako ni Klein noon pero hindi ko naman siya nakikita so it's not creepy.

Guarding Thy Innocence ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon