Trouble 27

131 7 2
                                    

Five months later. . .

“Ravenna, kumusta ka?”

Ang sarap talaga sapakin ng gagong ito. Kailan ko kaya siya masasapak? Saka in love ba siya sa akin? Balik nang balik, eh.

Sumimangot ako. “Tangina, ikaw na naman?”

Nagpaalam ako kay Kuya na magpapahangin lang ako sa labas. Dinala ko ang motor ko at pumunta sa bridge. Damang-dama ko ang kalamigan ng gabi. Tapos bigla na lang sumulpot ang goons na ito! Akala niya yata natutuwa ako sa presensya niya.

Ngumisi siya sa akin. “Pinagpahinga lamang kita ng limang buwan, Ravenna. Ngunit hindi ibig sabihin n'on ay hindi na kita babalikan.”

Napabuntong-hininga ako. Muli kong naaalala ang sinabi ni Heveil sa akin five months ago. Hindi maalis sa isipan ko nang sinabi niyang umalis na ang inosenteng lampa. Wala na ito sa bansa nang sinubukan niyang ipahanap sa mga tauhan nila. At tunay akong nalungkot doon. Naiiyak ako. Gusto kong sumigaw pero wala akong lakas para gawin iyon. At isa pa ay wala akong karapatan.

I pushed him away. I was the one who asked him to stay off me. Wala akong karapatang umiyak dahil tuluyan na niya akong iniwan. Pero. . . pero. . . masakit pa rin.

He left. He really left. And I have no idea if will he even come back?

Muli akong napabuntong-hininga. “Bakit ikaw pa ang bumalik? Bakit hindi na lang siya?”

Kumunot ang noo ng goons. Mukhang hindi niya ako naintindihan. Hindi naman niya kailangang maintindihan ako kasi hindi naman kami close. Feeling close din itong gagong ito.

I once asked my father about this goon and he said that he was our clan's selosong kakompetensya. Kaya naman pala inggit na inggit sa amin.

“Wala ako sa mood na makipag-away ngayon. Nag-aksaya lang kayo ng oras.” Naglakad palapit sa motor ko at akmang sasakay na roon kaso bigla na lang iyong itinumba ng lalaking naka-itim.

Nanlaki ang butas ng ilong ko. I could feel my system getting red. Parang may invisible red lights din akong nakikita sa paligid ko.

Sinipa ko ang gumawa n'on. Putangina siya. Pera ba niya ang ginamit pambili nito? Pera niya? Pera niya? Hindi ko pera pero pera na pinaghirapan iyon ng mga magulang ko!

My attack was like a signal to them to attack me. Lugi pa rin ako dahil marami sila at nag-iisa lang ako. May natatamaan naman ako ngunit mas marami ang nakatama sa akin. Saka wala talaga ako sa mood na makipaglaban.

Nang hinawakan nila ako sa magkabilang kamay ay hinayaan ko na lamang sila. I felt so tired these past few days. Para akong nawawalan ng gana. When they kicked me, I let out a hurting groan. When they punched my gut, I screamed with pain.

As if on cue, we heard a siren. Ngayon lang ako nagpasalamat sa mga pulis. Alam kong malayo pa sila kaya may opening pa. May tsansa pa ang mga shokoy na sipain ako.

I tried fighting back— which I did successfully. Nakawala ako mula sa pagkakahawak nila. But that didn't last long dahil muli nila akong nahawakan. Narinig ko pa ngang minamadali na kami ng gagong amo nila.

May gago pang hindi nakuntento, talagang tinadyakan pa ako sa tiyan. But seriously? Why are they doing this? Mapapabagsak ba nila kami through this? Hindi naman, eh.

I thought that would be my last night. But I was wrong. May biglang humablot sa akin mula sa mga lalaking nakahawak sa akin. That's when I noticed that some of the guys were already lying down the cold ground.

Matangkad ang lalaking dumating. May matipunong katawan, at mabango. If Heveil is here, she'd probably scream her lungs out. Type n'on ang mga ganitong lalaki, eh.

Guarding Thy Innocence ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon