Trouble 25

149 7 0
                                    

(This story part contained three thousand, four hundred and fifty-nine words (3, 459k), so expect this to appear longer than the previous ones. Happy reading:))

---

"Have you heard the news?"

Tamad kong tiningnan ang nakatatanda kong kapatid. Nasa garden kami ng umagang iyon. Hindi ko alam kung ako ba talaga ang kausap niya dahil may binuklat siyang panibagong libro. Kanina kasi ay nagbabasa siya at mukhang natapos na niya iyon kaya kumuha pa ng bago.

"Oh? Ano ang meron?" tamad ko pa ring tanong sa kaniya.

Magmula noong nahuli ko sa panapos na akto ang malanding lampa at ang makating linta ay sinaniban na ako ng espiritu ni Kuya. Nahawa pa yata ako sa kaniya na para akong nakalunok ng microphone dahil sa tuwing naiinis ako ay ang lakas ng boses ko. Minsan ko nang nakita ang sarili sa salamin and guess what I saw? It's a frowning me! Para akong babaeng bersyon ng isang Cleusav Elrom Ravenna! Para na akong kalahi ni Hitler!

"Lajin is coming home." I heard my older brother replied.

Napakurap ako at dali-daling napatingin sa kaniya.

"W-When?" Nagsimula akong makaramdam ng kaba.

"She didn't told me the exact date and time. But she's coming home," Kuya said with a smile. Nanatili pa rin sa libro ang tingin niya.

Napangiwi ako. Mukha ba akong nasa libro? Nasa loob ba ako ng libro? Nandoon ba ako? Bakit doon siya nakatingin?

Tumayo ako mula sa kinauupuan. Mukhang nakuha ko ang atensyon ni Kuya dahil napatingin siya sa akin nang nakakunot ang noo. Alam ko na kung ano ang itatanong niya kaya sinabi ko agad na may pupuntahan lang ako.

Wala sina Mama at Papa dahil um-attend sila sa isang Charity Event na nasa kabilang village lang. Nagpaalam na lang ako sa kanila through phone. Pumayag naman sila at binilinan akong mag-iingat sa daan.

As much as I hate to do this, I needed to see Klein. I have to talk to him. We cannot just part ways like that. Baka kasi ay kung ano pa ang masabi niya kay Lajin na out of the picture. I have to at least warn him not to.

Ayaw kong masaktan ang pinsan ko. Ayaw kong sabihin niyang hindi nga na-fall sa iba ang ex-boyfriend niya, malapit namang ma-fall sa akin, pero ako ay tuluyang nahulog sa ex niya. Saka siguradong madidismaya siya sa akin dahil ito ang unang beses na hindi ako tumupad sa pangako ko.

"Klein," I called him the moment I got to his condo.

Naka-apron pa siya at may dalang sandok nang buksan niya ang pinto. Umawang ang labi niya nang makita niya kung sino ang nasa harapan niya. Paniguradong hindi niya inaasahang pupunta ako rito. Ilang araw kasi akong walang paramdam nang mahuli ko siya sa akto.

"A-Ayell. . ." he called me back.

Pumasok ako sa loob ng condo niya at kagaya ng nakagawian ay umupo ako sa kulay abong couch. Bumuntong-hininga ako at sinuyod ng tingin ang kabuuan ng condo niya. Lajin is coming home and I know I would never have a chance to be here again.

"A-Ano ang sadya mo rito?" Klein asked.

Napatingin ako sa kaniya at nakitang may pawis na namuo sa kaniyang noo, nakuha niya siguro iyon sa pagluluto. He was wearing a plain white sando. Napansin kong may namumuo na ring muscles sa braso niya. Wait, nagwo-work out na ba siya? Isang ubo lang siya noon, eh! Ngayon ay nag-level up na. Kahit siguro limang ubo ay hindi pa siya mamamaalam sa mundong ito.

Guarding Thy Innocence ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon