Trouble 10

167 13 0
                                    

Totoo pala talaga na nagbabago ang isang tao kapag sinaktan mo ito. Nagbabago ang mga tao kapag nakaranas sila ng matinding sakit na tagos hanggang sa apdo nila. Sa ilang beses ko ba namang ininsulto ang inosenteng lampa ay inaasahan ko nang isang araw ay mag-iibang tao na siya. Pero mananatili pa rin ang pagiging inosente niya sa kabila ng katapangan kuno niya.

But until now, I still couldn't believe it!

Breaking news: Lumalaban na ang inosenteng lampa!

Hindi ko alam kung sino ang matapang na espiritu ang sumapi sa kaniya at marunong na siyang makipag-usap sa akin nang hindi nauutal. Well, it's a good thing naman dahil medyo nabawasan ang inis ko sa kaniya. Pero nadagdagan na naman nang dahil marunong na siyang sumagot nang pabalang.

Tulad no'ng isang araw. Sa condo niya ako naghintay dahil wala siya at umalis daw ayon sa guard. May plano kasi akong mag-stroll around the city at gusto kong isama siya. Nang dumating siya ay tinaasan ko siya ng kilay.

"Ngayon ka lang?" mataray na tanong ko sa kaniya.

Ang gago! Sinagot ba naman ako ng, "Baka kahapon pa? Don't ask the obvious, Ayell."

Don't ask, don't ask! Para namang hindi siya ganiyan noon na ultimong halatang-halata na ang sagot, 'yong tipong halos sakalin na siya ng sagot, tinatanong pa talaga!

Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung ano ang nangyari at biglang tinubuan ng boses ang inosenteng lampa. Kayang-kaya na niyang makipag-usap sa akin nang nakataas ang noo niya. Minsan ay napapaisip ako na baka may kakambal ang inosenteng lampa at iyon na ang kasa-kasama ko ngayon dahil na-tsugi na ang tunay na inosenteng lampa.

Muli akong bumuga ng hangin. Minsan ay napapaisip din ako kung baka nauntog ang inosenteng lampa at nagkaganiyan na siya. His sudden change is a good thing but a bad one at the same time. Good dahil hindi siya mukhang shunga at nakayuko habang kinakausap ko. Bad naman dahil kaya na niyang sagutin ako nang pabalang. But his eyes never changed. It remained innocent as it is.

Sa tuwing napapatingin ako roon ay para akong inuusig ng konsensya ko. Kapag nga sumasagot siya pabalik sa akin ay naiinis ako na natatawa. Mukhang masungit kasi siya at sarkastiko ang dating pero ang inosente ng dating ng mga mata niya.

Napatingin ako sa cellphone ko na nasa bed side table lang. Kinuha ko iyon at tinawagan ang inosenteng lampa. Hindi katulad noon na ilang ring pa lang ay sasagutin na niya ang tawag. Ngayon ay umaabot pa ng tatlo o apat na ring bago niya sasagutin ang tawag. Minsan ay hindi pa niya sinasagot.

Matapang na talaga ang inosenteng lampa.

Makalipas ang tatlong ring ay nasa kabilang linya na siya.

"Nasaan ka ngayon?" tanong ko sa kaniya.

Balak ko kasing manood ng sine ngayon. Gusto ko lang na i-tour ang lampa sa sinehan, kung saan maraming magagandang babae. Sure akong may makakakuha ng atensyon niya roon at agad ko siyang mapapagalitan. Minsan ko na lang kasi siyang napagsasabihan dahil nga marunong na siyang sumagot. Hindi katulad noon na nananahimik lang sa tabi na parang pipi.

"Nasa condo. Bakit?" sagot niya.

Hindi pa rin ako sanay na sumasagot siya nang hindi nauutal. Minsan ay ilang segundo pa akong matitigilan sa tuwing hindi na siya nauutal. May buto na talaga siya.

"Manood tayo ng sine," ani ko. Hindi iyon patanong, pakiusap o ano. Utos na iyon.

"Hindi ako puwede. May family dinner kami mamaya. Kailangan ko pang maghanda ng isusuot ko-"

"That can wait, Lavinson. Samahan mo akong manood ng sine," may diing saad ko.

Narinig kong bumuntong hininga siya sa kabila.

Guarding Thy Innocence ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon