Trouble 19

125 9 2
                                    

Ang cute ng bonding namin ni Kuya Cleus. Sa sobrang cute ay gusto ko na lang na tumawa maghapon. Eh, paanong hindi kung magigisnan ko siyang punong-puno ng lipstick sa mukha niya?

“I repeat, Renaya Elle. Are you the one who sent that slut in my room?!” siya sa isang malakas na boses.

Umirap ako at sumandal sa headboard ng kama ko. Pinagkrus ko ang aking braso at nakangising nakatingin sa kaniya. Pulang-pula ang mukha niya sa tindi ng galit. Kulang na lang ay bugahan niya ako ng apoy. Saka nakasuot pa rin siya ng bathrobe. Mukhang nagmamadali pa nga dahil hindi pa maayos ang pagkabuhol n'on.

“Oo na nga, kulit nito,” sagot ko at sinabayan iyon ng pag-irap.

“Why on Earth—my God, Ayell!”

Tumalikod siya sa akin at lumabas ng kwarto ko. Nang makaalis na siya ay malakas akong tumawa. Bumaba ako ng kama at binuksan ang walk in closet ko. Sa loob kasi n'on nagtatago ang stripper na ipinadala ni Heveil sa kwarto ni Kuya.

Pinagpapawisan ang babaeng nasa harapan ko habang nakangiwi. Mukhang hinabol kasi siya ni Kuya at dumiretso sa loob ng kwarto ko. Nagising na lang ako sa isang malakas na kalabog at bumungad sa akin ang namumulang mukha ng nakatatanda kong kapatid.

“Ba't mo naman kasi hinalikan ang kapatid kong iyon? Dapat ay sumayaw ka lang habang naghuhubad,” nakangiwi kong sabi sa stripper na medyo natulala pa sa tabi.

Naglakad siya palapit sa kama ko at naupo roon. May maskara pa rin siyang suot. Nakasuot din siya ng isang mapang-akit na damit. Infairness, maganda naman ang hubog ng katawan niya.

Tinanggal niya ang suot na maskara at inilagay iyon sa tabi niya. Nang mag-angat siya ng tingin sa akin ay tumaas ang kilay ko. Maganda siya at maliit ang mukha. Para siyang isang anghel.

“Hindi naman ako macho dancer o pole dancer,” nakangiwi niya ring sagot.

“Ay, gaga. Eh ano ka?”

“Stripper lang ako. Wala sa kontrata namin ang sumayaw ako.”

Kumunot ang noo ko. Ang balita ko ay mga dakilang mang-aakit ang mga stripper. Gumigiling sila in a sexy way habang naghuhubad. Kaya ano ang sinasabi ng babaeng ito? Still, hindi ko na lang pinansin iyon. Naupo ako sa upuan na nasa harapan niya.

“Eh ba't mo hinalikan si Kuya? Nasa kontrata ni'yo ba iyon?” tanong ko.

Nakagat niya ang labi niya. “Ang gwapo kasi ng kapatid mo. Nakahiga lang ako sa kama niya nang pumasok siya at naghubad ng t-shirt. Madilim kasi sa loob kaya hindi niya ako napansin.”

Hala, mukhang sideliner din siya, parang story teller eh.

“Nagbibihis yata siya,” pagpapatuloy niya. “Hindi kasi ako sigurado dahil nakatingin lang ako sa katawan niya. Ang ganda ng katawan ng kapatid mo, halatang yummy. Gumagalaw ang muscles niya sa likuran habang gumagalaw din siya. Tapos ang biceps niya, ulam na ulam na!”

“Ang liit din ng waist niya. Tapos. . . Tapos nakita ko rin ang v-line niya! Ang gwapo ng kapatid mo, beh! Tapos 'yong—”

“Teka lang, huh?” I cut her off. Napatayo na nga ako sa inuupuan ko. “Ang layo ng sagot mo sa tanong ko. Ang tanong ko lang naman ay kung nasa kontrata ba iyon pero saang lugar ka na napadpad?”

She chuckled. “Sorry, hindi ko napigilan. Pero wala. Wala iyon sa kontrata.”

Tumango ako. “O siya. Salamat. Mukhang mas maging mainit ang ulo niya nang dahil sa nangyari.”

Pumungay ang mga mata niya. “Painitin ko na rin ang katawan niya para quits—”

“Hoy!” Natawa na lang ako sa kahalayan niya.

Guarding Thy Innocence ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon