Prologue

998 33 31
                                    

Tinaasan ko ng kilay ang pinsan kong babae

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tinaasan ko ng kilay ang pinsan kong babae. Nakayuko lang ito at halos hindi ito makatingin sa akin. Ang sarap niyang sapakin, sa true lang!

“Pakiulit nga sa pabor na hinihiling mo, Lajin,” may diing bigkas ko rito.

Saglit na gumalaw ang mga mata niya. Malikot iyon at hindi niya yata alam kung saan iyon itutuon. Ramdam na ramdam niya yatang medyo nainis ako sa sinabi niya. Aba, dapat lang!

Kapagkuwan ay bumuntong hininga siya. “I want you to guard him.”

Mas lalong tumaas ang kilay ko sa narinig. Nabitiwan ko ang hawak kong tasa ng kape. Mabuti na lang at hindi iyon nabasag. Hindi rin naman natumba. Tumalsik pa ang iilang laman nito sa akin, pero wala akong naramdamang init. Napansin ko pa ngang saglit na napatingin ang ibang customers doon sa lamesa namin. Hindi ko na lamang sila pinansin.

Rinig na rinig ko naman ang sinabi ng pinsan kong ito, ngunit tila nabingi ako kanina. Aaminin ko, nagulat talaga ako sa mga pinagsasabi niya ngayon. Like, sino ba naman ang hindi magugulat, hindi ba? Biglaan kasi, wala man lang sign.

Doon na nag-angat ng tingin sa akin ang magaling kong pinsan. Gumalaw siya at gamit ang dalawa niyang kamay ay hinuli niya ang aking dalawang kamay na nanatiling nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Mababasa sa mga mata niya na desperada na siyang magawa ang anumang isasagawa niya.

“Sige na, pinsan,” pangungumbinsi pa nito sa akin, “pumayag ka na sa hinihiling ko. Saglit lang naman ako roon—”

“Gaano katagal ang saglit na iyan, Lajin?” tanong ko sa kaniya nang nakataas ang aking kilay.

Ewan ko ba. Mamaya niyan ay hindi ko mamalayang nakadikit na sa kisame ang kilay ko sa sobrang taas. Kulang na lang talaga ay humiwalay na iyon sa balat ko. Inis na inis na kasi ako rito sa pinsan kong ito.

Nakagat ng pinsan ko ang pang-ibabang labi niya. Yumuko siya habang hawak pa rin ang mga kamay ko. “I-Isang taon lang naman. . .”

Napapikit ako sa narinig; hindi makapaniwala. “Ano ulit ang sinabi mo? Saglit? Saglit tapos isang taon?”

Mas lalo siyang napayuko. Mukhang naisip niyang hindi ‘saglit’ ang isang taon na sinasabi niya. Aba! Saglit lang daw tapos isang taon pala? Grabe namang saglit iyon!

Naningkit ang mga mata ko habang nanatiling nakatitig sa kaniya. “Sabihin mo nga sa akin, Lajin. Bakit sa akin mo hinihiling ito?”

Inalis ko ang mga kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Nag-krus ang aking braso at pinagmasdan siyang mabuti. Inilagay niya ang kaniyang mga kamay sa ibabaw ng kaniyang hita habang nakatungo pa rin. Para siyang isang kawawang bata na pinagalitan ng kaniyang ina.

“May I remind you that you're a Ravenna and you're filthy rich?” I reminded her. “You can hire a bodyguard to guard your weak and innocent boyfriend—”

“Ex-boyfriend, Ayell,” she cut me off. Nakatingin na siya sa akin sa pagkakataong iyon. Bumuga siya ng hangin. “Ex-boyfriend ko na siya. And also, why would I hire someone when I can hire you instead?”

“Hire? Bakit? May makukuha ba akong suweldo?” tanong ko.

Saglit siyang napatitig sa akin; umawang ang kaniyang mga labi at alam kong hindi niya alam ang dapat niyang isagot sa akin. Nakagugulat nga namang manghingi ang isang Renaya Elle Ravena ng piso mula sa kaniyang pinakamamahal na pinsan.

Napairap na lamang ako nang hindi pa rin siya sumagot. “Whatever, Lajin, whatever.”

Napakurap siya at ilang segundo lang ay nagliwanag ang kaniyang mukha. “P-Pumapayag ka na ba?”

I rolled my eyes again. “Kung hindi lang talaga kita pinsan.”

Bumungisngis na parang bata ang gaga. Bigla siyang gumalaw mula sa kinauupuan niya kaya nagtaka ako. Maluha-luha pa siya no'ng tumayo siya at niyakap ako.

“Thank you so much, Ayell! Mahal na mahal kita!”

Umirap na lang ulit ako at hindi na sinakyan ang kadramahan niya sa buhay. Nang magsawa na siguro siya sa kayayakap sa akin ay muli siyang bumalik at naupo sa kaniyang upuan. Kumuha pa siya ng handkerchief at suminga roon. Napangiwi ako sa nasaksihan. Minsan talaga ay ang dugyot niya.

Bigla siyang nag-angat ng tingin sa akin. Alam kong may sasabihin siya kaya hinintay ko siyang magsalita.

“Oo nga pala,” panimula niya sa speech niya. “Can you promise me one thing?”

Isang beses akong kumurap nang marinig ang salitang, ‘promise’. Nakinig ako nang mabuti sa kaniya. Bago siya nagsalita ay muli siyang suminga sa panyo. Hindi na lang ako umimik at mukhang magkakaroon pa yata siya ng lagnat ngayon. Nang matapos na siguro siya ay nag-angat na siya ng tingin at ngumiti sa akin.

“Can you promise to me that you'll never fall for him?” she asked as if it is so possible for me to fall for her weak boyfriend—ex-boyfriend, I meant.

Dalawang beses akong napakurap. I see the word ‘promise’ as the most sacred word. Sa tuwing naririnig ko iyon ay walang ibang pumapasok sa isipan ko kung hindi ang gawin iyon dahil iyon ang nararapat.

Hindi binabali ang pangako, tinutupad ito.

Ngumiti ako sa aking pinsan at inayos ang suot kong itim na cap. Nagpapatawa ba siya? Ako? Mai-in love sa inosenteng lampang iyon? E di para na rin niyang sinabi na iinom ako ng kape. Napaka-imposible!

I rolled my eyes before I assured to her that I'll never fall for someone like her boyfri—ex-boyfriend, I meant, again.

“I promise, Lajin. I promise you that I will never fall for him,” sinabi ko iyon mula sa kailaliman ng aking puso.

Ngunit hindi ko akalaing darating ang araw na nangangarap akong sana'y hindi ako nangako sa kaniya sa araw na iyon. Hindi ko inaasahang darating ang araw na napagtanto kong hindi lahat ng pangako ay dapat na tinutupad.

Guarding Thy Innocence ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon