Trouble 31

135 6 1
                                    

Halos tawagin ko ang lahat na santong kilala ko habang naghihintay sa waiting area. Nang matamaan si Klein at nawalan ng malay ay dali-dali namin itong dinala sa hospital kahit na medyo delikado ang sitwasyon namin. Alam kong daplis lang naman sa kanang braso ang natamo ni Klein, pero nag-aalala pa rin ako dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising.

Ayon sa doktor ay nabagok lang ang ulo ni Klein kaya naman ay nawalan siya ng malay. Wala namang problema at hindi naman daw malala ang kalagayan ni Klein. Wala ring internal bleeding at ipinagpasalamat ko iyon.

“You should go inside, Ayell,” Kuya voiced as he took the seat next to mine.

I sighed and shook my head. “Nahihiya ako, Kuya. Nahihiya ako sa parents niya. Naulit na naman kasi ang nangyari noon.”

Napansin kong tumaas ang kilay niya. “Then why don't you do what you did when something similar to this happened?”

Tinapunan ko siya ng tingin. Nakakunot na ang noo ko at agad na inisip ang ginawa ko noong dinala rin namin si Klein sa hospital.

“Uuwi? Magpapagamot? Magpapagaling at maghintay ng ilang araw bago siya dalawin?” patanong kong sagot.

Bigla na lamang gumalaw ang kanang kamay ni Kuya at bago pa man ako makailag ay nag-landing sa noo ko ang daliri niya. Pinitik ba naman niya ako. Minasahe ko agad iyon habang nakasimangot sa kaniya. Pero muli lang umangat ang kamay niya.

“Silly.” Pinitik niya ang ilong ko sa pagkakataong iyon. Napahawak ako roon at mas lalong sumimangot sa kaniya. He just rolled his eyes as he fixed the collar of his shirt.

“What I was trying to say is to apologize to them. You should apologize to them.”

Napatango ako sa sinabi ni Kuya. Tama nga naman. Kailangan ko ngang humingi ng tawad sa kanila. Naulit na naman kasi at sana ay kaya akong patawarin ng parents niya. Napabuntong hininga ako. Magsasalita pa sana ako nang muli kong narinig na nagsalita si Kuya.

“Before you move, think of the possible consequences of it. Play wisely, Renaya Elle,” seryosong saad niya.

Wala na akong nagawa. Ginamitan naman niya ako ng wise words niya. Tumayo na lamang ako at naglakad papasok sa kwarto kung nasaan ang inosenteng lampa. Nang itulak ko paloob ang pinto ay nakita ko agad ang mga magulang niya. May kausap sa phone ang ama ni Klein. Wala akong maintindihan sa sinasabi niya, pero parang may kakuwentuhan siya sa kabilang linya.

Ang mama naman niya ay nakatitig lang sa  walang malay na si Klein. Nang maramdaman niya yata ang titig ko ay napalingon siya sa direksyon ko.

“Hija, nandito ka pala,” ngiti ng mama ni Klein at naglakad palapit sa akin.

Napayuko ako. H'wag na lang kaya akong tumuloy? Nahihiya na talaga ako sa kanila.

“I know what you're thinking, hija.” She held my hands and gently squeezed it. Hindi pa rin ako tumingin sa kaniya. “Please do not blame yourself. I felt you, because sometimes, I let my curiosity drive me.”

I bit my lower lip and nodded at her.

“Look at me,” she ordered and I obeyed. Matapang man ang mga mata niya ay kabaliktaran naman nito ang ugali niya. She's actually a soft and loving mother.

“I'm sorry po talaga,” paghingi ko ng tawad. She just nodded and led me to the white mono block chair. Hinawakan niya ang dalawang balikat ko at pinaupo sa upuan.

“Maupo ka muna rito at may pupuntahan lang kami saglit ng asawa ko,” sabi niya at hinaplos pa ang buhok ko. Tumango na lamang ako sa kaniya. Nagkatinginan kami ng papa ni Klein at nginitian lang ako nito. Ngumiti na rin ako pabalik. And that's when they exited the room together.

Guarding Thy Innocence ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon