Trouble 4

252 15 0
                                    

KINABUKASAN ay tanghali na nang nagising ako. Napasarap kasi ang tulog ko kaya ganoon. Well, palagi namang masarap ang tulog ko, pero mas naging masarap lang no'ng nakapag-exercise ako kasama si Timo, 'yong lalaking may malaking tattoo sa braso.

Bumangon ako mula sa malambot at kulay puting queen-size bed at pumasok sa loob ng malaking bathroom. Naligo ako roon at nang matapos ay napatingin ako sa nakasabit na mga tuwalya. Dalawa ang naroon; isa para sa aking katawan at isa para sa buhok. Kinuha ko ang isa at itinakip sa aking hubad na katawan. Ang isa naman ay sa buhok ko inilagay.

Binuksan ko ang isang pintuan na naka-connect sa walk in closet ko. Nakasabit sa right side ang iba-iba kong mga damit na umiikot lamang sa limang kulay: black, white, gray, red, nude at dark brown. Naka-arrange ang mga iyon by its colors and its brands.

Sa left side naman ay naroon ang mga short, skirts and anything na pang-ibaba. Kagaya ng nasa right side ay naka-arrange rin iyon by its colors and brands.

Kinuha ko ang itim na short shorts at itim na sando. Isinuot ko iyon at lumabas na. Balak ko sanang mag-jogging ngayon pero tanghali na kaya sa susunod na lang siguro. Nang makalabas ako ay ginamit ko ang itim na blower para patuyuin ang buhok. Nakita ko ang itim na pambahay na tsinelas kaya isinuot ko iyon.

Nang natapos na ako sa lahat ng morning routine ay lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa dining room. Nadatnan ko si Kuya roon na mag-isang nakaupo sa harapan ng black rectangular glass table. Nagbabasa siya ng isang morning magazine habang umiinom ng kape. Katulad ko ay mukhang kagigising lang din niya. Sandali pa nga akong natigilan dahil para siyang si Papa. Ganiyan din kasi si Papa. Saka isa pa ay magkamukha sila, pareho rin ng kulay ng mga mata.

Ngumiti ako saka binati siya. "Good morning, Kuya Cleus!"

Hinalikan ko siya sa pisngi niya. Bumati naman siya sa akin pabalik. Naupo ako sa upuan na nasa harapan niya at doon ko lang napansin na may nakahandang mga pagkain doon kaya nilantakan ko agad. Mga Italian dishes iyon.

"Kumusta?" maya-maya'y tanong niya sa akin.

Pinunasan ko ang bibig ko gamit ang table tissue. "Okay lang ako, Kuya. Kailan daw uuwi sina Mama at Papa?"

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa sila umuwi. Nag-aalala na ako at saka nami-miss ko na sila. Wala na kasing nanenermon sa akin kapag hatinggabi na ako susulpot. Wala na ring lalaking parang bubuga ng apoy kapag nagagalit sa akin.

"Ang sabi ay sa susunod na buwan pa raw," sagot ni Kuya Cleus nang hindi man lang ako tiningnan. Nakatuon lang ang atensyon niya sa kaniyang binabasa.

Napabuntong hininga ako. Iyon din ang sinabi sa akin ni Mama nang minsang tinanong ko siya kung kailan sila uuwi. Aagahan naman daw nila, pero hindi sila nagbitiw ng pangako na makauuwi agad sila. They know how I value promises so much. Hindi man halata sa kilos ko, pero ayaw kong nababali ang mga pangako. At hindi ko pa kailanman nagawang baliin ang mga pangako ko. Ginagawa ko ang lahat matupad lang ito.

Sumimangot ako. "Ang tagal naman nila. Ayos pa ba sila roon?"

"You have nothing to worry, Ayell. They're fine."

Hindi na lang ako umimik. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain ko, pero muli siyang nagsalita kaya napatingin ako sa kaniya.

"Ayusin mo na lang ang sarili mo at sigurado akong mas magiging maayos sila."

Nanlaki ang mga mata ko. "Aba! Maayos na maayos 'to!"

Hindi naman sumagot si Kuya kaya napairap na lang ako. Nang matapos akong kumain ay iniligpit iyon ng mga katulong. Balak ko pa sanang mag-volunteer na tumulong pero umurong ang dila ko. The last time I did the household chores, basag lahat ng gamit. Nasira pa ang vacuum namin.

Guarding Thy Innocence ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon